Chapter5

15 6 0
                                    

Jaliya's POV (Tuesday, Day2)

Maaga ako gumising para makapaghanda agad dahil hindi alam ni Wein na sasabay na ako sa kanya, baka iwan ako.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ko. Kumakain siya mag-isa at mukhang umalis na din yung dalawa.

"Oh? Kala ko ba aalis kayo ng Mommy mo?" Tanong niya sakin nung nakita niya ako.

"Hindi na, sabi niya bukas nalang daw kami mamili."

"Ah. Kakain ka na ba?" Tumango naman ako tsaka siya tumayo at pinaghapag din ako ng pagkain ko.

Pagtapos namin kumain, niligpit ko na yung pinagkainan namin dahil ako ang huli. Nagsipilyo na ako tsaka lumabas.

Nakita ko siya na nakasakay na sa bike niya kaya kinuha ko na yung bike ko tsaka lumabas.

"Tara na?" Tanong ko sa kanya.

"Tara." Tsaka niya pinaandar yung bike niya at sumunod naman ako.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating sa school. Hindi ko alam kung ayos lang ba siya dahil hindi siya nagkukwento ngayon. Nasanay kasi ako na napakadaldal niya.

"Wein, ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya habang nila-lock yung bike ko.

"Hindi." Deretsong sagot niya. "Tara na sa room masakit ulo ko e." Sabay kaming nag lalakad pero tahimik lang siya.

"Sorry pala kagabi." Seryosong tonong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya ng deretso sa daan.

"Naiintindihan naman kita Wein, intindihin mo nalang din sila." Sabi ko sa kanya at tumingin siya sakin.

"Hindi ko rin naman sila masisisi kung magagalit sila sakin e." Sabi niya at napayuko na siya.

"Balik tayo sa garden? Maaga pa naman e, ayoko pa pumasok." Pag-aaya ko sa kanya, dahil pag kami kami lang magkakaibigan ay naglalabas sya ng problema niya. Kaya naman naglakad ulit kami pabalik sa garden.

"Ako lang naman yung naloko at hindi sila, pero dinadamay ko pa kayo." Nakayuko lang siya pero alam kong naiiyak na siya dahil ngarag na yung boses niya.

Pagdating namin sa garden ay naupo kami sa upuan. Kaya nakita ko na may pumatak na luha niya.

"Kaya nga initindihin mo nalang sila kung bakit sila nagkaganon, siguro oras na rin para initindihin nila yung sarili nilang lovestory." Paliwanag ko sa kanya.

"Siguro tama ka nga. Tama na yung 2years na pagtulong n'yo sakin para kalimutan yung ginawa ni Tyrone." Tsaka siya humarap sakin at dere-deretso yung tulo ng luha niya. "Pasok na tayo?" Pinunasan niya yung mukha niya.

Tinignan ko lang siya dahil kahit pinunasan niya na yung luha niya, tuloy pa rin ang tulo nito.

"Ayos lang ako, naalala ko lang talaga yung regalo ni Tyrone sakin." Nakangiti pero umiiyak na sabi niya sakin.

"Hayaan mo na yon, kapag nagkita kayo makikita niya kung ano ang sinayang niya." Nginitian lang niya ko. At nag lakad na kaya pumantay ako sa kanya maglakad.

Saglit lang kami sa garden para lang malabas niya yung problema niya.

Malaki na ang pinag bago niya, pumayat na siya at naging matured kumpara noong dating sila pa. 16 palang kasi siya noon at 18 naman si Tyrone. At base sa kinuwento niya sakin nung nagbreak sila ay mukhang dalaga na talagang tignan si Monique. Kaya naisip ko na baka dahil na din don.

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon