Chapter3

19 5 2
                                    

Zander's POV

'Pag dating namin sa classroom, nandon na yung grupo ni Jaliya. Nagkukwentuhan lang silang apat. Bigla naman silang napatingin samin 'pag dating namin at saka tumayo si Zaiya.

"Mga bessy 'CR' tayo?" Nakangising sabi ni Zaiya habang nakatingin pa kay Justy. Nakita ko naman si Justy na iiling-iling.

Bago ako umupo ay hinawakan ako ni Justy sa balikat.

"Pre, usap nga tayong dalawa." Bulong niya sakin.

"Oy usap lang kami neto!" Sabi ko sa mga kaibigan namin.

Lumabas kami at nagpunta sa rooftop.

"Tungkol ba saan pre?" Takang tanong ko sa kanya.

"Bakit parang kilala mo si Zaiya?" Seryosong tanong niya sakin.

"Ganito kasi 'yon pre."

....Flashback....

Maaga akong nagising dahil nagring yung phone ko.

*Calling* Tita Jia...

"Goodmorning Tita, bakit po?"

"Busy ka ba anak?" Tanong ni Tita Jia.

"Hindi naman po tita, restday ko ngayon."

"Pwede mo bang sunduin 'yung pinsan mo sa school nila, nilalagnat kasi. E, 'di naman ako makapunta dahil di ako makaalis dito sa trabaho ko." Paliwanag ni Tita.

"Sige po maliligo lang ako tsaka ko siya susunduin."

"Salamat anak. Tatawagan ko nalang siya, sasabihin kong papunta kana. Ingat kayo." At binaba ko na.

Naligo agad ako at bumaba. Nakita ko naman si Mommy'ng nanunuod ng TV.

"Mom, pinasusundo lang po ni Tita si Aki dahil nilalagnat. Alis muna po ko."

"Sige nak, ingat sa pag dadrive ha?"

"Yes Mom!" Nakangiting sabi ko at kiniss na siya sa pisngi at lumabas.

Mabilis akong nag drive ng kotse ko para masundo agad si Aki.

'Pag karating ko ay dumeretso na ko sa room nila. Alam ko na 'to dahil pangatlong beses ko nang makakapunta dito.

'Pag kasundo ko sa kanya ay napahinto ako. Nakita ko yung lalaki na mukhang galit na galit don sa babae habang hawak 'to sa braso. Lumapit ako dahil baka makatulong ako sa babae.

"Aki, kilala mo ba yung naka-P.E na babaeng yon?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo don sa babaeng hawak nung lalaki.

"Oo kuya, sila yung grupo ng babae na nambubully ng mga lalaki'ng gwapo at siya ang pasimuno. Nung una akala namin ay hindi sinasadya pero siya ang laging target nila." Nanlalatang paliwanag niya.

"Ang dami mo nang kasalanan sakin ha! Una muntik mo na ko banggain ng bike mo! Pangalawa pinatid mo ko! At ngayon? Binato mo pa ko sa ulo?! Papansin ka ba talaga?!" Galit na galit na sigaw nung lalaki sa kanya.

"Pwedeng oo dahil napansin mo ko, pwede din namang hindi dahil trip lang talaga kita." Nakangising sabi nung babae dun sa lalaking nakahawak sa kanya at bigla siyang hinablot sa kwelyo nito.

"Anong sabi mo?!" Halatang galit na tanong nung lalaki.

"Eto oh." Ngumiti muna sya at tinuhod niya yung lalaki sa tyan kaya namilipit sa sakit at nakabitiw sa kwelyo niya. "Tara na!" Sigaw niya dun sa tatlong babaeng naka-bike pagsakay niya sa bike.

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon