Chapter 7

19 5 2
                                    

JUSTY'S POV (Wednesday, Day3)

Pagkagising ko, hindi ko alam kung nasan ako dahil ang dilim at sa bintana lang may liwanag.

Luminga linga ako at nakita ko si Zander na natutulog.

"Oh, ayos ka na?" Tanong ni Zander na kakagising lang.

"Oo, pre. Pasensya na ah?"

"Sige." Halatang nag tatampo siya.

Alam ko namang mali ako. Pero may tama rin naman.

"Paano nyo nalaman kung nasaan ako?"

"Wag mo na itanong, pasalamat ka nalang."

"Salamat pala."

"Pwede ka na daw umuwi kung kaya mo na."

"Sinabi nyo ba kila mommy?"

Natatakot kasi akong malaman nila mom yung nangyari, dahil pag nalaman nila ililipat nanaman ako ng school.

"Hindi, kaya mo na ba?"

"Salamat talaga pre, oo kaya ko na nanghihina nalang ako konti."

"Uwi na tayo, 'di ko na pinapunta yung dalawa dahil sabi ko pauwi na din tayo."

"Sige pre, mag bibihis lang ako."

Pag pasok ko ng cr inaalala ko yung mga nangyari kahapon. Alam ko nakaabot pa ko kaya panalo ako.

Nag madali ako mag bihis kahit nakakahingal.

"Tara na." Yaya ni Zander ng 'di tumitingin.

"Wait, paano yung bills?"

"Bayad na, pumunta dito si Aki kanina bago ka magising."

"Siya nag bayad?"

"Hindi, si Schae."

Si Schae kaibigan ni Aki na may gusto sakin.

"Nasan na sila?" Tanong ko kay Zander.

"Umalis na may pasok pa sila." Wala sa mood na sagot nya.

"Pre, nanalo ba ko?" Di ko alam kung nanalo ba ko o hindi e pero alam ko umabot ako.

"Oo, ulitin mo pa pre sasabihin ko na sa mommy mo yan." Pagbabanta nya.

"Oo 'di na mauulit."

Pauwi na kami para makaabot pa sa klase namin. Di nya ko kinakausap hanggang mahatid nya na ko samin.

"Salamat pre, ingat ka." Tumango lang sya at umalis na.

As usual walang tao dito kaya wala din may alam sa kanila kung ano nangyari sakin. That's my life. Hayss

Mag papahinga muna ko bago maligo. Di ko alam pero naiiyak ako. Ang drama ko naman. Hahaha

~SCHOOL~

Nag kotse na lang ako papasok. Wala kasi akong kasabay mag bike dahil ayaw muna nila mag bike kami dahil sa nangyari sakin.

Inaabangan ko sila dumating sa parking lot para sabay sabay kami pumasok. Biglang dumating si Hell.

"Weak!" Sigaw nya sakin habang lumalapit.

"Panalo ako, baka ikaw ang weak." Ayoko sana makipagtalo dahil wala ako sa mood kaso nakakapikon din. "Kaya matuto kang sumunod sa pinag usapan."

"Oh baka umiyak ka pa ha? Baka tawagin mo pa mga kaibigan mo HAHAHAHAHAH LAMPA!" Pang-iinis nya sakin.

Di ko na lang sya pinansin dahil totoo naman weak ako. Pano kung hindi ako pinuntahan ng mga kaibigan ko? Baka bangkay na lang ako. Dahil malamang 'di ako tutulungan ng impyernong yon.

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon