Chapter6

23 5 1
                                    

Justy's POV

Maagang umalis si Sir Pablo kaya lumabas muna kaming magkakaibigan at nag punta kami sa canteen para bumili ng snacks.

"Pre, wala namang boyfriend si Zaiya e." Sabi ni Zander sakin habang bumibili kami sa canteen.

"Bakit naman kaya siya umiiyak kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Saan mo naman siya nakitang umiiyak?" Tanong ni Austin sakin.

"Sa garden kanina." Sagot ko sa kanya. "Ang tagal nyo kasi kaya kami lang ni Zander nakakita kanina."

"Paano 'tong si Jerick kala mo naggown pa, napakatagal." Panloloko niya.

"Edi sana iniwan mo nalang ako!"

"Tapos pag iniwan ka magdadrama ka! Bakla!"

"Hayup ka! Wag kang sasabay sakin ha! Maglakad ka!"

"Talaga! Bubutasin ko gulong ng kotse mo para 'di ka makauwi!" Sigaw ni Austin. "Oy Zander hatid mo ko samin mamaya ha!"

Kotse kasi ginamit ni Jerick papasok kaya sumabay nalang si Austin sa kanya. Mga tamad magpadyak. -_-

"Gusto mo ngayon na?" Biro sa kanya ni Zander. "Tara na pre, maaasar na ako nitong dalawang 'to e." Sabi nya sakin, sabay walk out nya kaya sumunod nalang ako at nakasunod sakin yung dalawa.

"Pre, swerte mo kanina kay Zaiya ah?" Biglang pag oopen nya ng topic.

"Kaya nga e, parang may chance na manalo pa ako ah. Hahaha." Pagbibiro ko.

Pero totoo yon, nagkaroon ako ng pag-asa na maka-close siya dahil sa ginawa nya kanina.

"Wag ka muna umasa pre, masakit pag sa huli na bigo ka." Seryosong sabi niya kaya sumeryoso din ako.

'Di na ko nakapag salita dahil sa sinabi ni Zander. Napakaraming hugot sa katawan nitong lalaking 'to. -_-

Tama naman siya e. Baka ako lang nag-isip ng kung ano don sa ginawa nya.

Pagdating namin sa room naupo agad ako at kinalkal yung bag ko, nakita ko naman yung yellow pad na pinalit ni Zaiya kanina kaya napangiti ako.

"Mukha kang tanga Kent, tantanan mo 'yang kakangiti mo!" Pang aasar ni Austin.

"Wag mo kong tawaging KENT! FAUL!" Sigaw ko sa kanya at tinignan ako ng masama. HAHAHAHA Pikon!

Hindi ko na siya pinansin at hinanap ang earphone ko. Pagkakita ko sinalpak ko sa tenga ko at tinodo ang volume.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nagi-imagine. Biglang may lumapit samin na kaklase namin na grupo ng lalaki.

"Hey!" Tawag ng lalaking samin na nasa unahan nila. Di naman kami nagsalita at nakatingin lang sa kanila. "Ako pala si Hellion Bautista." Nakangiting pakilala nya at nakaabang ang kamay.

"Justy." Tipid na sagot ko at inabot ang kamay nya.

"Jerick."

"Austin."

"Zander."

"Welcome sa school mga pare, eto pala yung mga kaibigan ko, si Keith, si Charles---" Di nya na naituloy ang sinasabi nya dahil dumating na yung next prof namin. "Sige pare mamaya nalang, sabay tayo samin maglunch." Nginitian nya ako ng nakakaloko sabay tingin kay Zaiya tsaka tumalikod.

Iba talaga dating sakin nyang Hell na yan e. Mukhang kursonada pa si Zaiya ah. NapakaYABANG!

"Pre, nakita mo ba yon?" Tanong sakin ni Jerick, tinignan ko lang siya. "Kung makatingin kay Zaiya parang may gusto din sya."

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon