Prologue

23 6 0
                                    

"There's always One Person you had feelings for, since you first met them."

Matagal kong pinaniwalaan 'to. Dahil na in-love ako sa isang babaeng may mahal namang iba, unang araw palang ng klase.

Hindi ako malandi o bakla, nag mahal lang ako yun nga lang hindi ako ang mahal. Pero ako yung klase ng tao na hindi basta bastang sumusuko hanggang kaya ko pa.

Sobra akong nag pakatanga sa taong hindi ko naman kilala. Kaya kong tumulong kahit ako ang dehado para lang sa kanya.

Naranasan ko lang namang mag pagamit sa kanya, para sa sarili nyang kaligayahan. Naniwala din ako na pag nag panggap maaaring maging totohanan. Lahat ng paniniwala ko? Ako lang pala ang naniniwala.

Ako yung tipo ng tao na gusto ng mala-fairytale ang lovestory yung laging Happy Ending. Kahit masabihan lang ako ng I love you mula sa kanya umasa ako ng sobra.

Pero sa huli ako pala ang susuko, dahil hindi ko na kaya. At 'yon ang hindi ko pinagsisihan.

----

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon