Chapter4

23 6 3
                                    

Wein's POV

Pag-uwi namin sa bahay, nakatingin sila agad sakin. Pero 'di ko sila pinansinin at umakyat.

Magbibihis muna ako bago magkwento. Alam ko naman yon yung hinihintay nila. Kaya nagbihis ako ng mabilis.

'Pag baba ko nakaupo na sila sa harap ng lamesa at may nakahain nang pagkain. Sanay kasi kami na pagkauwi namin ay kumakain kami ng kanin.

"Mag kwento ka na dali!" Excited na sabi ni Janna pagka-upo ko.

"Pagkatapos nang kumain, leche! Abang na abang?" Sabi ko sa kanya, kaya binilisan nila kumain at ako ang nahuli. Niligpit ko muna yung pinagkainan namin. At pagtapos ko dumeretso ako sa sala.

"Kwento mo na!" Sabi ni Jaliya. Kaya kinuwento ko na sa kanila lahat.

"Ahhhh! Kaya pala galit na galit siya kanina?" Tanong ni Yannie.

"Oo Hahaha, buti nga kabisado ko yung lugar sa field papuntang canteen e." Sabi ko sa kanila nang may kayabangan pa. Kaya tinignan nila ko ng masama.

'Okay, ang KJ n'yo!'  -_-

"Alam mo bang 'di pa yata kumakain yung tao non para lang sundan ka?" Inis na tanong ni Yannie.

"Bakit sinabi ko bang sundan niya ko?" Parang siya pa kaibigan nito'ng mga 'to ah. -_-

"Hindi, pero nakakaawa naman si Justy no!" Sigaw ni Janna sakin.

"Baka nakakalimutan n'yo ng may usapan tayo, dahil may gusto na kayo sa kanila." Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Kaya inirapan ko lang sila at umakyat na sa kwarto ko.

'Di ko din naman sila masisisi, dahil gwapo naman talaga yung apat at mukhang mabait pa.

Pero galit lang talaga ako sa mga gwapo.

Bakit?

....Flashback....

2nd anniversary namin ngayon ni Tyrone. Kaya nagpe-prepare na ko dahil may date kami mamaya.

Nakablack T-shirt tsaka white jeans, naglipstick ng light and face powder lang kaya mabilis ako natapos.

"Wein, anak nandito na si Tyrone." Sabi sakin ni Mams sa pinto ng kwarto ko.

"Opo Mams, pababa na!" Excited na sagot ko kay Mams.

Pagbaba ko nakita ko si Tyrone na naka-upo sa sofa, ang napaka-gwapo kong boyfriend.

Nginitian niya ko pagkababa ko tsaka tumayo. "Tita, alis na muna po kami." Paalam niya kay Mams. At nginitian lang siya tsaka tumingin sakin.

"Anak mag-ingat kayong dalawa ah? At mag-enjoy." Paalala ni Mams at nginitian ko nalang din siya.

"Ihahatid ko nalang po siya mamaya tita, alis na po kami." Sabi ni Tyrone.

Lumabas na kami ng bahay at nakita ko yung kotse niya na nakaparada sa tapat ng gate. Natatae ako, hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako o naeexcite.

Inalalayan niya muna ako sumakay bago siya pumasok sa kotse.

"Ready?" Nakangiti naman siya kaya nginitian ko din.

"Yes, let's go." Sabi ko sa kanya, kaya umalis na kami.

Tahimik lang kaming bumabyahe, pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan mo gustong pumunta?" Biglang tanong niya, napatingin naman ako sa kanya at sa daan lang siya nakatingin.

"Ikaw na bahala." Nakangiti naman ako pero parang wala talaga ko sa mood bigla e.

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon