Thirdy's Birthday

12 5 2
                                    

Justy's POV

..Friday Morning..

Maaga ako nagising 7am pa lang 1pm pa pasok namin dahil isang subject lang naman. Yung mga kasama ko dito tulog pa ako lang ang gising na kaya bumaba na muna ako.

Nag luto na ko ng iaagahan namin para pag gising nila makakain na kami.

Habang hinihintay ko sila gumising nag coffee na muna ako. Sa gitna ng pag mumuni ko tumawag si Mommy.

"Hello anak?" Bungad ni mom

Hindi ako nag sasalita kasi mukhang nag mamadali din naman sya.

"Kamusta ka na? May kasama ka ba dyan? Baka maextend kami ng daddy mo ng 2 months pa" aligagang sabi nya.

Nakikinig lang ako kasi 'di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Si ate nasa dorm umuuwi lang sya tuwing wala na syang allowance.

"Hello?" Sabi pa ulit ni mommy dahil hindi ako nag sasalita.

"Mom." Yan lang ang tangi kong nasabi.

"Sige na anak mag papahinga na muna kami ng daddy mo ha? Bye" at binaba na nya ang tawag.

Pumikit na lang ako habang nakaupo sa sofa at may nag notif sakin. Pagkakita ko inaccept na ko ni Iya kaya napangiti na lang ako. Nag Hello ako at biglang dumating si Zander.

"Ikaw nag luto?" Bungad nya sakin.

"May iba pa bang gising dito?" Tanong ko sa kanya at hindi na sya sumagot

"HOY GUMISING NA KAYO NAGUGUTOM NA KO!" Sigaw ni Zander para magising na yung dalawa.

"MAUNA KA NA!" Sagot naman sa kanya ni Jerick at Austin.

"UUBUSIN KO TO PAG 'DI KAYO BUMABA!" Sigaw ulit sa kanila ni Zander.

"NAPAKA PG MO TALAGA!"

Grabe nag eeco yung sigawan nila dito sa bahay. Nag hain na si Zander at baka gutom na talaga sya. Bumaba naman na din yung dalawa ng nakabusangot.

"Umupo na kayo o baka gusto nyo pa subuan ko kayo ng kamao?" Banta sa kanila ni Zander

Ako tumatawa lang dahil para silang mga tanga sa ginagawa nila eto naman kasing dalawa parang mag jowa.

Habang kumakain kami nag kukwentuhan din kami.

"Gusto nyo ba mag stay dito ng 3 months?" Tanong ko sa kanila.

"Baka naman mag kasawaan na tayo sa pag mumukha natin nyan pre!" Sagot ni Zander

Mukhang ayaw nila kaya na nila ng ganon ka tagal.

"Bakit?" Tanong ni Austin..

"3 months na daw sila mommy don e." Seryosong sagot ko.

"At baka palayasin na din kami ng magulang namin pag 3 months na kami dito." Sabi ni Jerick

Sabagay may point naman sila don.

"Kung gusto mo samin ka na lang matulog next month?" Alok ni Zander sakin.

"Bahala na pre, tara kain na para makapag ayos na tayo." 'di ko na talaga alam gagawin ko.

Pag tapos namin kumain lumabas na muna ako para ilakad si Melon yung aso ko.

"Lakad ko muna si Melon ah." Sabi ko sa kanila.

"Melon? Wala mo ko iiwan ha?" Parang tanga kong kinakausap si Melon habang nag lalakad kami.

Nag punta kami sa park malapit dito sa Village.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Till I Hear You Say, "I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon