Kiefer's POV
Its been 3 days since nagkita kami ni Alyssa sa isang Mall. Medyo nagulat ako pero masaya dahil sa katagal tagal ng panahon nagkita narin kami. Pero ang masakit ang makitang may anak na pala siya sa iba at siguro nga May pamilya na syang masaya di tulad ko nag iisa parin pilit na kakalimutan ang narardaman ko para sa kanya.
Yung mga social media accounts ko! Super busy dahil sa kanya mga photos na nagkalat dahil nga andyan na siya. Gusto ko siyang makita! kamustahin kung okay lang ba sya kung anong nangyari sa kanya for the past 6 yrs. pero nawala lahat yun nang makita kung may anak at sariling pamilya na siya.
Siguro panahon na para kalimutan ko siya ng tuluyan at mag focus sa mga bagay na mas mahalaga sa akin.
Manong? tara! pasyal tayo sa Ateneo! ' anyaya sakin ni Thirdy.
Ikaw nalang may gagawin pa ako e!' sagot ko naman.
Sus! manong alam kung wala kang gagawin kasi off season pa yung PBA ngayon! kaya tara na punta muna tayo dun. tingnan natin sila Dani. 'sabi niya ulit.
Alam kong si Bea yung sadya mo dun e! kaya ikaw na ang pumunta! 'sagot ko sa kanya.
Alam ko manong na may pinagdadaanan ka kasi alam kung nakabalik na si Ate Ly. tyaka wala kanang chance don kasi may sarili ng pamilya. Imbis na mag mokmok ka dyan pumunta na tayo. 'pangungulit ulit sakin ni thirdy. Wla akong magawa kaya sumama nalang ako sa kanya at pumunta na kami ng ateneo.
Pagdating namin sa Ateneo nakakapanibago lang madalang nalang kasi akong pumupunta dito dahil narin busy ako. At nasasaktan lang ako pag pumupunta ako dito dahil narinsiguro sa mga memories namin ni Ly dito.
Manong ? ano? dyan ka nalang sa labas di ka papasok dito sa loob ng gym.? 'sabi sakin ni thirdy.
Mauna kana mag lilibot libot muna ako.'sabi ko at tuluyan nang magsimulang maglakad.
Nakakamiss ang mga lugar dito sa Loob kung saan lagi kami ni Ly sa Gonzaga caf. sa secret Libray naming dalawa sa upuan kung saan para sa amin lang talaga. at sa Gesu kung saan Sinagot niya ako ng matamis niyang OO.
Papasok na sana ako ng Gesu para magdasal pero tinawag ako ni thirdy na maglaro muna kami sa BEG kasi nandon ang BE. kaya tumalikod ako at nagdasal sa labas at umalis agad.
Pagkapasok ko sa BEG naalala ko na naman yung Sanang Surprise ni Ly sakin nong pabalik ako. aaaargh! Erase erase' wala na yun past na yon.
Tinoon ko nalang atensyon ko sa paglalaro medyo ginanahan na ako kya napasarap laro ko at nasiko ako ng unggoy kung kapatid medyo sumakit yung baba kaya nagpahinga muna ako at nakita ko yung dugo.
Hala! Manong Soory! Hahaha! Okay lang yan Sanay ka namang Masaktan! 'sabi ni thirdy at tumawa. Gago talaga yang batang yan double meaning yata yun ee!
Medyo masakit talaga kaya napag desisyonan ko nalang pumuntang Clinic sa Ateneo para malagyan ng gamot tong nguso ko. medyo sumasakit na talaga.
Sakto namang Open pag punta ko. Sabagay Sabado ngayon malamang may Dr. dito o nurse man lang. Pagbukas ko walang tao
Tao po! May tao ba dito.? 'sigaw ko . lumabas naman si Dra.Lim galing med.room
oh! kiefer! hijo! kamusta kana? 'Sabi ni dra.Lim
Dra. Okay lang po! kayo po? matagal ko kayong di nakita aah.!
sabagay di naman po ako masyado dito e! Hahaha' sabi ko naman.Nako kief! Galing akong Europa don ako naka base nang anim na taon kasi nga kinuha akong dra. doon natapos lang yung kontrata ko nung nakaraang linggo so nakauwi na ako dito at pinili ko ng bumalik ng ateneo. Kahapon pa nga ako nakasimula ulit ee! 'sabi ni dra.
Ganon po ba? nako mabuti po yun kasi po kayo naman talaga ang magaling na Dra. dito sa Ateneo e!'sabi ko.
Nako kief! nambola ka pa! oh! ano ba nangyari ? nasiko ka no?' tanong niya.
Opo e! siniko ako ni thirdy. 'paliwanag ko.
Oo nga namamaga na nga eeh! pero Okay lang yan! Ako na bahala! Halika maupo ka dito!'sabi niya at sinunod ko naman si Dra.
Habang ginagamot ni Dra yung nguso ko kwento naman sya ng kwento sa buhay niya sa Europa. ako naman nakikinig lang.
Oh! kief? ikaw naman mag kwento ka naman! jusko! wala na akong upadate sa mga nangyayari dito sa ateneo medyo matagal tagal din yung pagka wala ko dito. 'sabi nya
Po? okay lang naman po ako tyaka! wla na po akong balita dto sa ateneo po e! kasi minsan lang akong bumisita. Nag lalaro po kasi ako sa PBA kami ng kapatid ko. 'sabi ko.
Ay! Oo nga pala graduate kana! So kamusta naman kayo ng Pamilya mo?'tanong ulit ni Dra. grabi diko alam Q and A pala to diko napag handaan Hahaha pero sinagot ko nalang kasi alam kong matagal din nwala si Dra. dito!
Okay naman po si mama at papa inenjoy lang ang buhay kami ni thirdy naglalaro pari ng Basketball sa PBA si Dani yung Bagong Captain ng Ateneo Lady Eagleas ngayon sa Volleyball. 'paliwanag ko naman.
Ah! Ganon ba? Pero ikaw yung pamilya mo kamusta kayo? 'sabi ulit niya.
Medyo nalito ako kaya sinabi niya ulit.
Po? 'litong sagot ko.
Ay nako! Kiefer yung sa inyo ni Alyssa kamusta na kayo! oy! siguro malaki na yung anak nyo ngayon no! Sus hijo naalala ko non nung nahimatay si Alyssa at dinala dito yun pala buntis at tuwang tuwa siya kasi may Baby Phenom na kayo! Sabi nga nya sakin non Na isekreto muna kasi isusurprisa ka niya kasi dadating ka daw non galing states yata. Basta yun yon! Hay! ang Ganda siguro ng pamilya nyo ngayon no? Ang bilis ng panahon parang anim na taon na ang nakalipas. 'sabi ni doktora na nakangiti pa habang ako tulala na katingin sa kanya.
Kiefer hijo? Okay kalang ba? Kiefer? woooy? 'nagisng ako sa pagka tulala ng paluin ako ni dra.
Ay upo! dra. Okay po! ako. ahm Dra 6 yrs yung last na punta ni Ly dto tapos buntis sya!? 'tanong ko.
Oo! bakit? 'tanong ulit ni Dra.
Aah! Wala po! sige po mauna na po ako! Paalam po! sabi ko at umalis na at Dali daling sumasakay sa kotse. Di ako mapakali para bang lumulutang ako sa tuwa na may anak kami ni Ly at anak ko yung nakita ko noong nakaraang araw kaya pala feeling ko ang gaan gaan ng loob ko sa bata anak ko pala yun. Pero bakit nilihim sakin ni Ly Bakit nilihim niya sakin ng Anim na taon?
Ang daming tanong sa isip ko pero diko alam ang mga sagot! Alam ba ito ng mga kaibigan niya nila denden nila ella? teka? alam ba to ni Dani? Mababaliw na ako sa kakaisip Kailangan kung makita si ly kay langan ko syang makausap.
