Chapter 1 :

79 0 0
                                    

" Lady Anniya nakahanda na po ang kotse" driver ko yan.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay.

Paglabas ko nakapila ang lahat ng maids at body guards ko at sa dulo nila , ang kotseng sasakyan ko papuntang school.

Kung titignan masasabi na agad na mayaman ako.

Oo mayaman, pero hindi ako , ang lolo ko actually .

Simula ng mamatay ang mga magulang ko noong 5 years old ako, sya na ang bumuhay sa akin, nagpakain, magbigay ng maranyang buhay at lahat ng bagay na kailangan ko.

Hindi ko sya kasama dito sa bahay nasa spain sya, tanging mga maids ,bodyguards at ang butler ko lang ang kasama ko pero ayos lang sa akin nasanay na kasi ako na nag-isa.

"Lady Anniya nandito na po tayo."

Tumingin ako sa labas ng bintana.

Nasa harap ko ngayon ang isa sa pinakamahal at pinakamalaking school dito sa pilipinas.

Mula dito sa kinauupuan ko nakikita ko ang pagpasok ng iba't-ibang mamahaling sasakyan sa malaking gate ng school na ito.

Sa gitna ng gate nakaukit ag initials ng school.

"MH" O MISCHIEVOUS HIGH.

kahit sinong makakita ng logo ng MISCHIEVOUS HIGH na nakasuot sa isang tao ay malalaman agad na hindi ito basta-bastang tao kundi isang mayaman, makapangyarihan at pwedi ring mapanganib na tao.

Dahil ang mga nag-aaral dito ay galing sa mga mahaharlikang pamilya, mga anak ng mga mayayamang negosyante at ang iba kabilang sa mafia.

Lumabas na ako sa sasakyan at pumasok na sa loob ng school.

Isang mahabang hallway ang lalakarin bago ko marating ang malaking building.

Isang building lang ang makikita sa school na ito pero sobrang malaki nito.

Nakakasabay ko sa paglalakad ang mga estudyante walang ginawa kundi magpayabangan ng mga mamahaling gamit.

Bago lang ako sa school na ito , dalawang buwan pa lang.

Tinansfer ako dito ni lolo, kung ano ang dahilan, yun ang hindi ko alam pero sanay na ako ganyan sya lagi, hindi ko na nga mabilang kung ilang school na ang nalipatan ko.

Kahit na bago pa lang ako dito nakilala ko na ang ugali ng mga taong nandito, sa totoo lang magaling akong magmasid at kumilatis ng tao at yan ang rason kung bakit wala akong kaibigan dito, at wala rin naman akong balak makipagkaibigan dahil panigurado aalis din ako agad sa school na ito.

"Whooo! Hahaha! Ohh yeah!!! "

Napatigil ang mga naglalakad at tumingin sa kanan. Malaking espasyo lang yon --- daanan papapuntang parking lot.

Nakita ko ang isang kotse na mabilis ang takbo, sa likod nun may lalaking nakatali na pilit binibilisan ang takbo para hindi makaladkad ng sasakyan.

Hindi na ako nagulat sa nakita ko dahil araw-araw naman nakakakita ako ng ganito.... mga binubully ng mga tao na maghahari-harian dito sa school. Walang sinuman ang nagtatangkang sitahin sila dahil sa takot na sila naman ang pagdiskitahan ng mga ito.

Mga mayayabang!

Naglalakad na ulit ako, sa totoo lang sa school na ito walang sinuman ang pumapansin sa akin , hindi ko nga alam kung alam nila na nag-eexist ako eh.

Dahil siguro mukha akong nerd dahil sa salamin ko, ang mahaba, pula, kulot kong buhok ay laging nakatali, napasimple ko kung titignan parang hindi ako bagay sa school na ito na puro mayayaman na tao.

MISCHIEVOUS HIGH: when DEATH and ANGELICA metTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon