Parang automatic na napahinto ang paghinga ko nang marinig ko ang bell.
Lumingon ako sa mga classmate ko.
Sa anyo nila mukhang handa na sila , ako handa na ba ako? Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko eh.
Lumingon ako kay Angelica Jane, kalmado pa rin sya.
Mukhang wala talaga syang balak gawin, sabagay huli na rin naman ang lahat tapos na ang class hour siguradong palabas na ang mga estudyante sa kani-kanilang room.
"Class 4-3" napatingin kaming lahat kay danier.
Napakaseryoso ng anyo nya.
" gawin natin ang lahat, dalawang araw lang ,kaya natin ito"
Oo, tama dalawang araw lang ang tinatagal ng punishment.
Sa dalawang araw kailangan manatiling buhay ang wanted ng hindi umaabsent sa dalawang araw na punishment o nagdadrop-out sa school at kapag nagawa yun dun lang titigil ang lahat ng estudyante sa pagpapahirap sa WANTED at pati na rin sa kung sino ang tumulong dito.
pero ganun pa man maraming pweding mangyari sa loob ng dalawang araw makaya kaya namin yun?
" wag natin hayaan na maulit ang mangyari dati"
Dati? Ano ba kasi meron dati?
Para tuloy gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari dati dahil mukhang malaki ang naging epekto nun sa kanila.
*BLAG*
Lahat kami napatingin at halatang nagulat ng pabalibag na bumukas ang pintuan ng classroom namin.
Nagsipasukan ang mga kalalakihan na kung di ako nagkakamali ay mga estudyante ng class 4-4.
Lahat sila ay may nakakatakot na aura.
Oo nga't mga gwapo sila pero nakakatakot pa rin sia.
Agad lumapit ang lahat ng officer ng klase namin sa mga lalaking nagsipasok syempre kabilang dun sila Danier at Gun na mas mauunang naglalakad.
" May nakapagsabi sa akin na nasa klase niyo ang wanted"
Sabi ng lalaking kulay abo ang buhok, matangkad ito higit sa mga kasama pero kasing laki lang ni Danier , hindi kaputian pero hindi yun nakabawas sa angking kagwapuhan nito.
" Pag-usapan na lang natin ito, Hunt" kalmado lang na sabi ni Danier.
Halos lahat naman sila kalmado lang, ako lang yata ang kinakabahan.
" so nandito nga talaga sya ." Sabi ni Hunt at walang ano-anong nilagpasan si Danier at ang ibang officers na nakaharang sa aming nasa likurang bahagi ng room.
Isa-isa kaming tinignan ni Hunt halatang hinahanap niya kung sino sa amin ang Wanted.
Nakita kong ngumiti sya ng mapunta ang tingin nya sa left side - kung saan nakaupo si Angelica Jane.
Alam ko na nakita na nya ang hinahanap nya.
Akmang lalakad na sya palapit kay Angelica Jane agad namang humarang si Danier.
" hindi ako papayag na kunin niyo sya Hunt!" Galit na sabi ni Danier.
" Alam mo ba ang pinapasok mong gulo Danier? hindi papalagpasin ni Death ang pakikialam mo na ito kaya kung ayaw mong mauna pang mamatay sa babae na yan umalis ka na sa daraanan ko! "
Ramdam na ulit ang tensyon sa loob ng room.
Ang mga babae nanatili lang nakamasid habang ang lalaki parang nag-aabang ng go signal para sumugod.