Nanatili kami dito sa room.
Nilock rin namin ang pintuan para masigurado na walang nakakapasok na taga ibang section sa loob.
Sabi kasi nila kasali na ang section namin sa punishment since nakialam kami kay Angelica Jane kaya hindi malabo na pati kami ay mapagtripan kung sakaling lalabas kami.
Class hour na ulit pero ang pinagtataka ko hindi pa bumabalik sila Danier at hindi pa tumutunog ang bell.
" Nagsimula na talaga , siguradong umuwi na ang lahat ng teacher "
Umuwi? Matagal pa ang uwian bakit sila uuwi?
" eto na yata ang pinaka matagal na punishment ah " natatawang sabi ni Lieas.
Lahat kami nakaupo sa mga upuan, naayos na namin sa dating pagkakahilera.
Maayos na ang loob ng room namin pwera na lang sa mga nagkalat ng bubog.
" Oo, mukhang nakabreak ng record si Angelica Jane ah " at nagtawanan silang lahat parang wala nangyaring gulo kanina.
" sa tingin ko nga, dati kasi nahuhuli agad ang wanted o hindi kaya umaalis na agad dito sa school bago pa mapagtripan o kaya naman namamatay "
Biglang lumungkot ang paligid.
Kitang-kita ko sa mga mukha nila.
" kung- kung tinulungan natin sya? tingin nyo hindi mangyayari sa kanya yun?" sabi ni Frencieas.
Nanatili lang akong nakamasid at nakikinig sa kanila.
" sa tingin ko, kung naging matapang lang tayo napagtangol din natin sya katulad ng ginagawa natin ngayon kay Angelica"
" Sinusumpa ko talaga ang araw na yun , araw kung saan sa kauna-unahang pagkakataon may maging wanted sa klase natin "
*Flashback*
( three months before dumating si Anniya)
" Ano ba nasasaktan ako! Bitawan mo ako ! " malakas na sigaw ng babae habang kinakaladkad sya ng lalaki na galit na galit.
Nanatili lang nakamasid ang bawat estudyanteng nadadaanan nila.
" ano ba ?! Bakit ka ba nagkakaganyan! Ano bang problema mo! "
naiiyak na sabi ng babae dahil sa takot.
Pabalibag na binitawan sya nito ng makarating sila sa soccer field, may mga makamasig pa rin sa kanila pero mga nagsisialisan na tila ayaw nilang madamay sa away ng dalawa.
Nanatiling nakaupo sa field ang babae habang hawak-hawak ang tuhod na nasugatan dahil sa magkakatungkod nito ng bumagsak sya sa field.
