Duguan na si keith.
Nasa gymnasium si keith at napapalibutan ng maraming estudyante , nakaupo ang mga ito sa mga benches na nandun , tila sayang-saya sa pinapanood na magpapahirap na ginagawa kay keith.
Dito dinala si Keith nila Savier ng kunin sya nito sa kanyang classroom.
Mapahiga si keith sa sahig sa sobrang panghihira .
May tumutulong dugo sa kanyang noo dahil sa natamong sugat ng hampasin sya.
Mahigpit nyang hawak-hawak ang baseball bat sa kanang kamay, nakuha nya ito sa isa sa pitong lalaking bumubugbog sa kanya.
Hindi sya basta-basta papayag na wala syang laban , hindi sya duwag.
Galit sya pero naiintindihan nya kung bakit hindi sya tinulungan ng inaasahan nyang mga taong akala nya hindi sya papabayaan, may dahilan ang mga ito yun na lang ang iniisip ni keith.
Muli siyang bumangon , kahit nanghihina at masakit ang buong katawan pinilit pa rin nyang makatayo. Ginamit nya ang baseball bat na tungkuran para makatayo dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"Matibay ka talaga , para sa isang babae napakatibay mo " natatawang sabi ni Savier , isa din itong anak ng mafia boss kaya sanay na itong magpahirap ng tao ng hindi nakukunsensya.
" mahihina kasi kayo !" May pang-aasar na sabi ni keith , hindi nya alam kung saan sa nakakuha ng lakas para pagsalitaan ng ganun si Savier , lalo na sa sitwasyon nyang yun.
