Chapter 5 : The WANTED (part two)

33 0 0
                                    

Lahat nakaupo sa kani-kanilang upuan maging ako.

Tahimik lang kami at halatang kinakabahan sa paghintay ng oras.

Oras na kinakatakutan ng lahat pero sa ngayon mas kami ang natatakot dahil sigurado mamaya mangdiriwang na ang ibang estudyante.

Ganito pala ang feeling na nasa klase nyo ang wanted pero sa nakita ko dati sa mga ibang naging wanted walang nakialam maging ang klase na kinabibilangan ng nawanted.

Bilib na ako sa mga estudyante ng Class 4-3, bilib na ako sa mga classmate ko, ang tatapang nila handa silang harapin ang ibang klase para lang tulungan ang bago naming classmate.

Sa pagkakaalam ko kasi kapag may WANTED lahat ng Class na year level na kung saan kabilang ang WANTED sila lang ang may karapatang huntingin at gawan ng kahit na ano ang WANTED at desisyon na ng Class na kinabibilangan ng WANTED kung makikialam sila o hindi.

Kaya sa kalagayan namin ngayon buong 4th year level ang kakalabanin namin .

May 12 section ang 4th year so minus ang section namin ,11 section ang haharapin namin.

haist! sabi ko gagawin kong tahimik ang buhay ko sa school na ito eh, pero tignan mo nga naman ngayon ang laking gulo pa ang napasok ko, pwedi naman akong umalis ng room at hayaan na lang sila .

Pero hindi! hindi ko kayang iwan sila dito.

isang pamilya tayo

napangiti ako, naalala ko ang sinabi nila kanina isang pamilya kami kaya hindi ko talaga sila pweding iwan.

10 minutes!

ang bilis na oras 10 minutes na agad!!

"Angelica Jane umalis ka na! wag mo ng hayaan na maabutan ka nila dito!" tumayo si Danier , ang class president namin.

Tumayo na din ang mga boys at lumapit sa malaking cabinet sa likod - lalagyan yun ng mga paper works namin .

Ang mga babae nanatili lang nakaupo parang ang lalim ng iniisip nila.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko biglang may kakaiba sa kanila.

Parang sumeryoso silang lahat o baka dahil kanakabahan lang sila.

baka nga

at si Angelica Jane nakatingin pa rin sya labas ng bintana.

" ang tagal na rin nang huling nangyari ito "

napalingon ako sa likod kung saan ang mga boys.

Ganun na lang ang gulat ko na may hawak na silang baseball bat .

San nila nakuha yun? sa cabinet? nakita ko na yun dati at wala akong nakita na kahit isang baseball bat.

Lahat ng boys may baseball bat.

"5 minutes " si Gun - ang vice president .

Lahat kami napatingin sa orasan na nasa itaas ng white board.

Tumayo ang mga girls hindi ko alam kung tatayo din ako, bakit pakiramdam ko alam na alam nila ang gagawin nila.

Yung mga boys parang nagwawarm-up.

Yung iba parang pinapalo sa hangin ang baseball bat.

Mukha silang nagreready para sa mga mangyayari mamaya.

Nakita ko na dati kung ano-ano ang mga ginagawa ng mga estudyante sa WANTED pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat sa mga nakikita ko sa mga classmate ko, akala ko kilala ko na silang lahat pero mukhang hindi pa pala.

Ang astig ng aura ng mga boys ngayon , para silang mga gangster na handa ng makipagbasag-ulo.

"wala ng oras , umalis ka na " at hinila na patayo ni danier si Angelica Jane hawak ang braso nito.

" wala kayong dapat gawin , labas kayo dito " nakikita ko sa mga mata nya ang galit at lungkot.

nagiging emosyonal na naman sya, kapag ganyan sya mas madali ko syang nababasa.

" kahit anong sabihin mo damay pa rin kami dito !" inis na sabi ni danier , nakita ko na humigpit na rin ang hawak nya sa braso ni Angelica Jane.

Napatingin ako sa braso nya,, parang may...

"wag mo syang hawakan jan! nasasaktan mo na sya!" hindi ko napigilang hindi sumigaw.

Para namang napapaso si danier na agad napabitaw sa braso ni Angelica Jane.

Tama nga ang hinala ko may sugat sya dun at ngayon ay tumudugo na.

Pero wala pa ring bahid na sakit sa mukha ni Angelica jane.

"s-sorry "

umupo ulit si Angelica Jane.

"hindi mo naiintindihan .. delikado ka... at hindi ako papayag na mangyari...ulit" parang nahihirapan na sabi ni danier.

tumingin ako sa iba kong classmate.

may bahid na lungkot ang mga anyo nilang lahat.

parang may mabigat silang nararamdaman.

"please Angelica Jane umalis ka na dito " umiiyak na sabe ni Caddie

"one minute" muli tumahimik ang paligid , ngayon damang-dama ko ang tensyon.

" mukhang ayaw mo talagang makinig sa amin , sige kung yan ang gusto mo pero hindi ibigsabihin na hindi ka namin tutulungan , hindi ako papayag na maulit ang nangyari dati , kaya Angelica please STAY ALIVE"

STAY ALIVE?

parang ngayon lang nagsink-in sa utak ko na buhay sa buhay ang mangyayari mamaya.

"Hindi ako mamamatay , hindi ko hahayaan na mapatay ako ng iba , ako lang ang pweding pumatay sa sarili ko"

hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nya ,

bakit parang mas natakot ako sa idea na kaya niyang patayin ang sarili nya.

(kkkkrrrriiririrnnnngggggggg)

Lahat nahigit ang maghinga.

Dumating na ang oras.

tapos na ang class hour.

MISCHIEVOUS HIGH: when DEATH and ANGELICA metTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon