Nakahinto na ang tatlong lalaki sa harap ni Angelica Jane.
Lahat ng nasa room ay tahimik lang at nakamasid sa tatlong lalaki at kay Angelica Jane na ewan ko kung napansin ba nya na may tao sa harap nya dahil nakatingin lang ito sa labas ng bintana.
"sumama ka sa amin" nagsalita ang isa sa mga lalaki.
Matangkad ito, maputi , blonde ang buhok nito at may singkit na mata.
hindi pa rin nagrereact si Angelica Jane.
ano ba naman tong babae na ito !
"tumayo ka jan! "
*gasp*
nagulat kaming lahat ng sumigaw ang isa sa mga tatlong lalaki.
Naiiba ito sa dalawang lalaki na kasama nito na may maamong mukha.
Kung titignan ,nakakatakot ito kahit gwapo .
Napatingin ako kay Angelica Jane.
Ganun pa rin ang ayos nito.
wala ba syang naririnig , kung ako sa kanya tumayo na sya at sumama na lang ng maayos, tingin ko kapag di nya ginawa yun kakaladkarin kasi ng mga lalaki na ito palabas.
Gaya ng inanasahan ko.
Hinigit ng sumigaw na lalaki si Angelica Jane patayo.
At sa wakas tumingin na si Angelica Jane sa tatlo.
" sa tingin nyo ... kapag ba tumalon ako mula dito hanggang sa ground floor mabubuhay pa kaya ako?"
huh?? ano ba sinasabi ng Angelica Jane na ito??
"kanina ko pa kasi iniisip kung sapat na ba ang 6th floor na taas para mamatay ako"
huh ??? mamatay?? may balak syang magpakamatay...???
"wala akong pakialam sa sinasabi mo ! ang gusto kong mangyari ngayon ay sumama ka sa amin!!" makikita ang galit sa mukha ng lalaking nakawak pa rin sa braso ni anglica jane.
nakatitig lang sa kanya si Angelica Jane.
walang makikita na kahit anong emosyon sa mukha nito.
"pano kung ayaw ko sumama ? ano ang gagawin mo?" nakangiting sabi ni Angelica Jane.
Humigpit ang hawak ng lalaki sa braso ni Angelica Jade.
Siguradong masakit yun, pero walang pinagbago ang expression ng mukha ni Angelica Jane, nakangiti pa rin ito..
Nakakakilabot talaga sya kapag nakangiti.
"Ano? may magagawa ka ba kung hindi ako sasama?"
talagang tinanong nya ulit?
"Oo. mamamatay ka! kapag di sa akin sumama ng maayos . MAMAMATAY KA!"