Chen's POV**Computer Lab.**
Last subject ko na netong araw.
Habang nasa Computer Lab bigla ko napatulala at nakatingin lang ako sa monitor ng computer kung saan ako nakaupo. Sumagi sa isip ko ang nangyari nung isang araw sa Canteen. Yun bang ang nagsink in lang sa akin ay nung kinuha ni Jae ang kamay ni Raine na hawak ko at lumabas na sila sa Canteen at naiwan ako.
Naalala ko tuloy ang isa sa sinabi sa akin ni Raine ng makipaghiwalay ako sa kaniya.*tulala mode*
**FLASHBACK**
"Maghiwalay na tayo. Hindi na ako masaya!!. (>﹏<) "
Eto ang mga salitang naalala ko na nasabi ko kay Raine noon, 2nd yr college kami." Paksh*t ganito ka pala (-̩-̩__-̩-̩) !! Nangiiwan! Ang sakit naman eh! Ang sakit sakit maiwan! Bat ganyan ka??!"
Mga linya ni Raine na hanggang ngayon naaalala ko parin sa tuwing nakikita ko siya.**End of Convo.**
Hindi na ako sumagot pa nun sa sinabi niyang yun at iniwanan ko na siya habang umiiyak siya ng sobra sa gitna ng malakas na ulan.
Si Raine ang pinakamatagal kong naging gf. Ganun yata talaga siya pang-long term relationship. Magaling siya mag-alaga ng relasyon at gawing masaya ang pagsasama. Simula nung maghiwalay kami, hindi na tumatagal ang mga relasyon na napapasukan ko. Hindi na ako nagseseryoso at hanggang 3 months nalang ang pinakamatagal.
"Hoy Chen, wala ka bang balak tapusin yang ginagawa mo?"
Bulong sa akin ni Deejay.Bigla ako naalimpungatan at napalingon sa katabi kong si Deejay.
**back to reality**
"Oo nga pala. Tatapusin ko na malapit na to dude."
"Nga pala dude, tama ba ang dinig natin nung isang araw sa Canteen?"
"Tungkol saan?."
"Dating na daw ang Mr. LHU at ex mong si Raine?"
**usisero mode si Deejay**
"Hindi ah magkaibigan lang sila.! Hinding hindi magiging sila dude mahal parin ako ni Raine.!"
Pasigaw kong sagot sa kaniya.*glare*
Nang matapos ko na ang ginagawa ko, kinuha ko ang cellphone ko at di ako nagdalawang isip na itext si Raine. Oo tinetext ko siya kahit hindi na niya ako nirereplyan.
**asa mode magreply**
SMS
Write New Message
To: Raine
Raine? Usap tayo mamaya hintayin kita sa labas ng Main Gate, bago ka umuwi. Kayo na ba talaga ni Mr. LHU??? Sumagot ka naman oh plsss : (4:35pm Uwian na ng lahat. Dadating kaya si Raine mamaya? Haaay bahala na hintayin ko nalang siya.
Raine's POV
Yeahh. Uwian na. Oops naalala ko sa Music Room pa pala diretso ko. Kamoteng Jae to, meron naman siyang sariling Music Room sa bahay nila bat ba dito pa sa University niya naisipang magpractice lage para sa audition niya! -.-
*pout*
"Choi. ? Tara na sabay na tayo lumabas pero sa Music Room ako didiretso ulit ha."
Sabi ko kay Avee, habang nagsusuklay ako ng aking buhok.*suklay suklay*
"Ok ok. Lezzgo. Anyway kinikilig ako sa inyo ni Jae ヽ(♡‿♡)ノ hindi ko alam kung bakit. "
BINABASA MO ANG
UNSAID FEELINGS.. I Love You, No I Don't Love You (ON GOING)
Romance[ #415 in ROMANCE Highest Rank as of 10/16/17 ] First boyfriend ni Raine si Chen. Ngunit naghiwalay sila ng hindi alam ni Raine ang totoong dahilan. Samantalang si Jae naman ay kilala na si Raine mula noong 10yrs old pa lamang ito pero naging close...