Hello guys~! Nandito nanaman ako at hinahandog ko sa inyo ang pinaka unique story ko from my other editors~ Sana magustuhan nyo!! Hai~!
Gino Takinaga, isang lalaking napaka misteryoso tinatawag nya ang sarili nyang... The Collector. Kasama ang kanyang nag-iisang companion, ang kanyang aso na si Lucifer. Nakatira sila sa isang abandonadong bahay. Nababalitan ko na meron ding mga kakabalaghan ang bumabalot sa kanilang bahay. Maririnig mo daw and mga tahol ni Lucifer sa gitna ng napaka dilim na gabi at unti-unti daw itong magiging boses ng isang napakalaking lalaki. Habang si Gino daw ay laging nagsasama ng mga kababaihan sa loob ng kanilang bahay at wala ni-isa man dito ay nakakalabas ng ligtas sa panganib mula sa labas.
"Panu mo naman nalaman?" Tanong ni Anna kay Mimi.
"Kase nga sabi sa akin to ng isang babae, siya lang daw ang nakaligtas sa dalawa ngunit binabagabag pa daw siya ni Lucifer at ni Gino. Sabi nya wag ko daw sabihin sa iba kaso nangangati na yung dila ko eh..." Sabi ni Mimi habang nakatingin kay Rico at Marlo.
"Ano? Gagawin ba natin yung sinabi ni Marlo?" Tanong ni Rico kay Alexis at kay Melissa.
"Ilang taon na ba ang babae?" Tanong ni Melissa at ni Marlo.
Napa-isip si Mimi at bigla niyang kinuha ang palad ni Alexis. "Sabi nya makikita ko daw ito sa palad ng lima kong kaibigan..." Tinignan nyang mabuti ang palad ni Alexis at habang naghihintay ang iba sabi ni Mimi tignan daw nila ang kanilang mga palad kung may nakikita silang mga numero.
"Sa akin ay 6!" Sigaw ni Melissa.
"4.." Sabi ni Marlo.
"3.. Saan ba nang-gagaling ito?" Tanong ni Rico
"Parehas na 9 ang kanila Alexis at Anna!" Sabi ni Mimi.
"Pagsama-samahin natin!"
6+4+3+9+9= 31
"Wala sa itsura nya... Para syang mga 17..." Sabi ni Mimi.
"Puntahan kaya natin siya?" Suggest ni Rico.
"Sige... Bukas mga 2 pm sharp!" Sabi ni Mimi at nagsimula na silang umuwi sa kanilang mga bahay.
Sa hindi kalayuan may nagmamasid sa kanilang lahat.
"Master Gino... Ano na ang gagawin natin? Nag paplano silang pumunta sa loob ng ating territoryo..." Tanong ng taong aso na si Lucifer.
"Lucifer... Magagamit naman natin si Tsuki para hindi matuloy ang kanilang plano..." Sabi ni Gino at tumawa sya ng sobrang lakas at narinig ito ni Tsuki sa kanyang panaginip.
"Hindi..." Bulong ni Tsukiyoshi Nami Kousu.