"Huff... Huff... Huff..."
"Magaling ka... Pero... Hindi kasing... galing--"
"TUMIGIL KA!!!"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nabalot ng kadiliman ang buong paligid. Halos wala nang liwanag ang makakalusot sa kadilimang ito. "Nababaliw ka na..." Sabi ni Rico. Syang ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid, ang kapangyarihan nyang bumabalot sa kanyang katawan, puso at kaluluwa. "Ako ang syang tatapos sayo..." Bulong ni Rico sa kanyang sarili. Napangiti si Gino at inalis nya ang kanyang pang-itaas.
"Masakit mang isipin ngunit..." Pinikit ni Gino ang kanyang mga mata at unti-unting bumabalot sa kanya ang kadiliman mula sa buong lugar. Muli nyang idinilat ang kanyang mga mata na nabalot ng kulay lilang ilaw.
Hindi nagpakita nang anumang takot si Rico sa kanyang kalaban. Hindi sya susuko laban sa dalawang ito. "Sa tingin ko hindi ako mananalo laban sayo..." Sabi ni Gino at napa-isip ito saglit. Lumabas ang kanyang mga pakpak at sungay tsaka ito lumipad paitaas. "Kung nandito pa ang mga puso bale wala lang ang mga atake ko..."
Nanlaki ang mata ni Rico at hinigpitan nya ang kanyang mga kamay. "Huwag... mo silang... IDAMAY!!" Sigaw ni Rico at lumakas pa lalo ang ilaw na naggagaling sa kanya. Tumawa si Gino at humaba ang kanyang buntot para hulihin si Mimi. "Wah!!" Hinablot ni Gino si Mimi at hinigpitan nya ang buntot nya na nakapalupot kay Mimi.
"Sa tingin ko... Uunahin ko sya..." Sabi ni Gino at tsaka sya tumawa ng malakas. Biglang tumawa si Rico na ikinagulat ng lahat. "Bakit... Ka tumatawa?!" Hinigpitan lalo ni Gino ang hawak nya kay Mimi na halos hindi na makahinga ito.
Halos mapasigaw si Mimi at nanginig ang katawan nila Marlo nang makita nila ang mukha ni Rico. Ang mata nya ay nanlilisik at itim na itim ito. Meron itong pula na halos kakulay na ng dugo. Ang mga ngipin ni Rico ay tinubuan ng matatalas na pangil at may buntot at pakpak na tumubo sa likuran nya. Nabalot ng kulay itim at pula ang kanyang katawan at napunit ang kanyang pang itaas.
Hindi tumigil sa pagtawa si Rico at nawala sya sa paningin ni Gino.
"Boo..." Narinig ni Gino sa likod nya at bigla nyang naihagis si Mimi kanila Masato. Napatingin sa likod si Gino ngunit hindi nya nakita si Rico.
Narinig ni Gino na may mabilis na dumaan muli sa kanyang likuran at lumingon muli ito. Ngunit wala parin syang nakita. "Nasaan ka?!?!" Sigaw ni Gino. Hindi na sya mapakali dahil hindi nya hahayaan na matalo sya ng isang bata at hindi sya matatalo sa sarili nyang teritoryo.
Biglang may nadama syang hagin sa kanyang gilid. Ito ay isang buntot na matalas. Nakamamatay. Bigla nyang hinablot ang buntot bago ito makabalik kay Rico at binalibag nya si Rico sa simento.
Akala nya ay natalo nya na ito ngunit may narinig syang tumatawa.
"Hahaha... Nakaka-kiliti..."