Rico P.O.V.
Ngayon na ang araw kung kailan kami magpaplano na pumasok sa loob ng bahay nila Gino Takinaga. Pumayag si Masato na sumama sa amin kaya meron kaming source ng mga gamit at mga nalalaman tungkol sa bahay ni Gino. Kasama din namin si Tsuki, sya ang nakaka-alam ng mga pwedeng pasukan nang hindi nabubuko sa bahay na iyon. "Rico, Marlo at Mimi... Sila lang ang sasama..." Sabi ni Masato sa ibang mga kasama namin.
"What?!" Sigaw ni Melissa. Tinignan nya si Anna at Alexis tsaka sya sumigaw muli. "Anong ibig sabihin mo?! It's unfair!! Why do my brother have the chance to come but not me?!"
Kinuha ni Anna ang bag nya at may kinuha sya na isang piraso ng papel. Ibinigay nya ito bigla sa akin. Tinignan ko sya at ngumiti pero sya ay nakatingin sakin na parang galit. "Anong problema?" Tanong ko sa kanya.
"Masato..." Bulong nya sakin at bigla syang umalis. Kinuha bigla ni Masato sa akin ang papel at nilagay nya sa bag nya. "Mensahe para sa patay..." Sabi ni Masato at bigla nyang kinuha ang kamay ni Tsuki. "Ikaw? Alam ko meron ka..." Sabi ni Masato pero tumawa si Tsuki. Nagulat ako dahil hindi ito masyado masaya. Kinuha kong palihim ang black picture o ang itim na litrato.
Tinapat ko kay Tsuki kaso nagulat ako sa nakita ko. Napatalon ako at napatingin silang lahat. "Rico...?" Tanong ni Mimi, gulat na gulat sya sa ginawa ni Rico kaya napatayo sya at napa lakad patalikod. "Anong nangyari?" Tanong nya muli.
"W-wala..." Sagot ko habang patago kong nilalagay sa bag ang litrato, ngunit hindi ako nakaligtas kay Masato.
Tinignan nya ang hawak ko at dali-dali kong sinara ang bag ko. "Rico..." Tinignan nya ako ng masama pero hindi ko dapat ibigay ang litrato sa kanya!
Normal P.O.V.
Dali daling tumayo sa kinauupuan nya si Rico at umalis. Sinundan sya ni Marlo at ni Masato para maka-usap nila ito. "Sandali lang Rico..." Sabi ni Masato. Hindi tumigil si Rico at binilisan nya pa hanggang sa tumatakbo na sya. Gusto nyang mapag-isa, gusto nyang mag-isip, gusto nyang malaman ang totoo...
"Kailangan ko ng kasagutan..." Sabi nya at pumasok sya sa isang liblib na lugar. Isang mansyon, at ang mansyon na ito... Ay pagmamay-ari ni...
"Gino Takinaga..."
Isang mala demonyong ngiti ang kumalat sa labi ni Gino habang tinititigan nya sa mata si Rico.
"Maligayang pagdating, Jar..."