The Demon

36 0 0
                                    

"Kunin mo ang Jar..." 

"Sir...?" 

"Ang Jar..."

"Sir... A-ano po?"

"ANG JAR!!!"

Dumalak ang dugo sa loob ng opisina ni Mr. Tamoyo at maririnig ang sigaw ng isang babae na sobrang tinis. 

"Rico! Catch!" Sigaw ni Mimi at binato nya ang isang napaka puting libro. Maputi ito kaso mukhang luma na ang mga pahina. "Galing kay Tsuki." Sabi ni Mimi at napakamot sya ng ulo. "Sabi nya may kailangan syang puntahan." 

Tinignan ni Rico ang libro at may nakita syang litrato. "*Kuro..." Bulong ni Rico. "Unti-unting... mawawala... ang lahat..." Tinignan nya si Mimi na busy sa pag hawak sa isang pusa. Nakita nya ang pahina kung saan nya nakuha ang litrato. Ginawa nya ang mga instructions kung papaano gagamitin ang itim na litrato tinapat nya ito kay Mimi at doon nya nakita ang katotohanan.

"Isa sya sa mga... mawawala... 1..." Nakita nya ang binti ni Mimi na may mga numero. "12:00..." Binaba ni Rico ang litrato at tsaka nya tinignan ang kanyang relo. "11:45..." 

"Mimi!" Sigaw ni Melissa. Pagkalingon ni Mimi biglang nahagip ang kanyang binti ng isang bisikleta. "Gosh!" 

"Aray!!" Halos mapa-iyak na si Mimi sa kakasigaw at nang makita nya ang binti nya halos mamutla na sa kawalan ng dugo. Nahuli ni Marlo ang biker at nalaman nila na nilalagyan nya ng mga bubog ang gulong ng bike nya. 

"12:00..." Nakatayo lang si Rico doon at pinapanood sila na mag panic. "Huh...?" Nakita ni Rico ang kwintas ni Mimi. "Kuro..." Nanikip ang dibdib ni Rico nang makita nyang unti-unti na wawasak ang kwintas ni Mimi. "T-tu...long...." 

"Jar...." 

"Sino ka?!" 

"Jar...." 

"Nasan ka?! Anong kailangan mo sakin?!" 

"Rico! Wake up dammit!!" Sigaw ni Marlo habang naiyak sya habang yakap yakap si Rico. "Bro... Wake up, you dumbass..." 

"Mar... lo..." Bulong ni Rico at unti-unti syang tumayo. "Okay... lang ako..." Medyo hinahabo pa ni Rico ang kanyang hininga pero nakakapagsalita parin sya ng tuwid.

"Bro!!" Napatalon sa tuwa si Marlo dahil sa pag gising ni Rico. Napangiti si Rico pero natakbo parin sa isipan nya kung sino ang natawag sa kanya.

"Sa ngayon... Tatawagin ko syang... The Demon..." Sabi ni Rico sa sarili nya.

Jar Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon