"Bro... May nagugustuhan ka na ba?" Tanong nya sa akin. "Wala naman... E ikaw?" Tanong ko sa kanya pero nanahimik sya at hindi nya ako kinibo. "Bro?" Tinignan nya ako at naramdaman ko ang init na bumabalot sa kanyang buong katawan. Bigla nyang hinawakan ang aking kamay at hinila nya ako palapit sa kanya at unti-unting naglapit ang aming mga labi at biglang--
Wah! Ano ba to! Dahil sa nangyari kahapon ay hindi maalis-alis sa isipan ko ito! Hindi maaari! Kaibigan ko sya! Ano nalang ang sasabihin sa akin nila Melissa? "Gosh... Kadiri! Eew! So gay!" Nako naman! Nag ring bigla ang aking cellphone at dali dali kong tinignan kung sino ang nagtext.
Rico,
Pwede ba kita makausap tungkol sa nangyari kahapon? Sana okay lang sayo. Meet me at my house. Later!
Bro
Lagot! Ano na ang gagawin ko?! Gusto nyang pumunta ako sa bahay nya! At ang malala nito... Yung tungkol pa sa kahapon ang paguusapan namin! Galit siguro ang Dyos sa akin...
-Marlo's House-
Ano na ang gagawin ko?! Nandito na ako sa bahay nya... TULONG!!
Nakita kong lumabas si Melissa at nakabihis sya. "Oh! Hi Rico! Are you here for Marlo?" Tanong nya sa akin pero hindi pa ako nakakasagot tinawag nya na si Marlo. "He's coming. Well gotta go! Puntahan ko pa sina Anna!" Sabi nya at lumabas ma sya ng gate papunta sa kabilang bahay.
Pumasok na ako sa bahay ni Marlo at umupo sa sofa nila. Ang laki pala na bahay nila sa loob at labas. Anak mayaman eh. Pero bakit hindi man lang sila binibisita ng mga magulang nila?
Narinig kong bumaba ng hagdan si Marlo kaya napatayo ako at nung makita ko sya halos mapasigaw ako... Alam mo kung bakit? Well naka twalya lang sya at halos wala nang saplot, yun lang naman.
Tumawa sya dahil sa expresyon ko at halos matumba na ako. "Like what you see?" Tanong nya sa akin ngunit nilihis ko nalang ang tingin ko sa kanya.
"Tapusin na natin to. Ano ba ang gusto mong sabihin?" Tinignan ko sya at nagulat ako dahil may malaking simangot na makikita sa kanyang mukha.
"Ah... Oo nga pala... Yun lang ang pinunta mo dito..." Sabi nya ngunit hindi nya parin ako tinitignan... ha?! Bakit ko ba gustong tignan nya ako?! Mas maganda nga iyon hindi ako naiilang eh!
"I just wanted to say I'm sorry..." Bakit... Bakit ba ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit ganun?!
"Sana mapatawad mo ako about yesterday..." Bakit ba ang lungkot ng athmosphere? Ang weird... "Sana hindi ka nagalit sa akin..."
"Hindi ako nagalit sayo!" Lagot! Ano ba pinag sasabi ko?! Nanlaki ang mga mata nya at tumingin sya sa akin. "Hindi ko... Hindi ko kayang magalit sayo..." Lumapit sya sa akin at hinimas nya ang aking pisngi. "R-rico..." Lumapit syang muli hanggang isang manipis na papel nalang ang pagitan ng mga labi namin.
Hinawakan ko ang kamay nya na nasa aking pisngi at ako na ang sumira sa aming pagitan. Nagulat sya dahil hinalikan ko sya. Bakit? Anong masama dun?
Naging mainit ang katawan nya pero mas mainit yung akin. Sobrang init, nakakatunaw... Nadama ko na mas lalong lumalalim ang halik na ito. "Did you know... You can have some benefits just by kissing?" Bulong nya sakin at naramdaman kong pumula ang mukha ko. Hayss.... Kapalaran...
Nung marinig naming may kumatok sa pinto nila alam kong nagalit nun si Marlo. Tinignan namin kung sino yun. "Hi Tsuki! Hi Mimi..." Medyo parang may tono ang pagsabi nya ng pangalan ni Mimi. Ewan ko ba kung bakit...
Siguro magiging napaka haba ng araw ko nito....