Ako si Masato Sanamese, isa akong mensahero sa isang kompanya. Ako lamang ang pinaka tahimik sa aming barkada noong... Magkakasama pa kami. Malabo na maulit ang mga sandaling iyon. Hindi ko kayang mawala sila sakin ngunit... Ayoko nang balikan kung ano man ang nangyari sa amin.
"Mr. Sanamese... Pinapatawag po kayo ni Manager." Sabi ng isang babae kay Masato.
Kinuha nya ang lahat ng mga sulat para sa kanyang boss at pumunta sya sa opisina nito. Kinatok nya ang pintuan at tsaka sya pumasok.
"Anong kailangan mo?" Sabi ni Masato ng walang respeto at malamig na titig sa kanyang boss.
Napa talon ang lalaki nang makita nya ang nakakatakot na titig sa mata ni Masato. "A-ano... eh... Kase... Ah... Kase... Ano..." Sabi ng nerbyosong boss. Hindi sya makapagsalita dahil sa takot.
Nakita ni Masato ang kaba sa boss nya at dali dali nyang binato ang mga mesahe sa boss nya. "Para sayo..." At binuksan nya ang pintuan ng opisina.
"You're fired!!" Sigaw ng boss nya ay dali dali itong nagtago sa ilalim ng desk nya. Nanatiling nakatayo si Masato sa tabi ng pinto at walang kibo. Naganahan ang boss at sa tingin nya ito na ang tamang panahon para gumanti. "Haha! Na fire din kita! Oh ano na gagawin mo ngayon?!"
Nagsimulang nerbyosin ang boss ng biglang tumawa si Masato. "Magaling... Anong gusto mong prize? Gold star?" Sabi ni Masato ng hindi gumagalaw. Hawak nya parin ang door knob at bigla nya itong hinigpitan at biglang nasira ang door knob.
"Security!! Wah!!" Sigaw ng boss. Nagmadali ang mga pulis na pumunta sa opisina ng boss at hinawakan nila si Masato.
Ngumiti si Masato at bigla syang tumingin sa isang pulis. "Officer... Hinarass nya ako tapos friname-up nya ako... Officer... Ang sakit sa damdamin na... Ako pa... ako na naharass... Ang huhulihin ninyo..." Sabi ni Masato at dali dali syang umiyak sa harapan ng mga pulis.
Tumingin ang lahat sa boss at binitawan nila si Masato na tumakbo paalis habang umiiyak ng peke.
"Keri mo ang pag arte mother~" Sabi ni Ace noong makita nya si Masato.
"Tumahimik ka... Baka mahuli tayo!" Sabi ni Masato. "Umaarte lang ako na bakla ngayon lang to!"
"Ayan na si papa!" Sabi ni Ace nang makita nya ang binatilyo na target nila. "Ay~ May kasamang mga chaka... Pero yung isa maganda ah~ Pwede na sayo!"
"Hey~ Are you Ace?" Tanong ng binatilyo. "Ako nga pala si Marlo at sila nga pala yung mga friends ko."
"Pamilyar ka..." Sabi ni Tsuki kay Masato. "Marlo san mo sila nakilala?" Tanong nya.
"Sa mall lang!" Sagot ni Marlo sabay tawa.
"Ate Tsuki!" Sigaw ni Mimi. "Ingat!!" Napatingin si Tsuki sa likod nya at may isang motor na palapit para hagipin sya. Nang biglang hinablot sya ni Masato at napayakap sya dito.
Narinig nya ang tibok ng puso ni Masato. Pamilyar nga ito...
"Okay ka lang...?" Ang kanyang boses... Mapayapa... "Mukhang pamilyar ka din eh... wan ko kung san kita nakita..."
"Dr. Sanamese?" Tanong ni Tsuki. Nanlaki ang mata ni Masato at tinignan nya ang mukha ni Tsuki.
"Hindi maaari..." Nanginig ang kamay ni Masato at niyakap nyang muli si Tsuki.
"Ikaw nga... Ikaw yung anak ng mensahero na nagpapadala sakin ng gamot gamit ang mga alaga mong kalapati..." Natuwa si Tsuki at bigla syang napa-iyak.
"Ate Tsuki... Sya ba ang kaibigan mo?" Tanong ni Melissa.
"Oo... Sya ang mensahero ko..."