The Asleep

33 0 0
                                    

Ako si Tsuki... Simula pagkabata kinamuhian na ako ng mga magulang ko... Noon hindi ko alam kung ano ang dahilan. Sabi nila... Ako daw ang... The Asleep...

"Hindi maaari to..." Sabi ni Tsuki at bigla bigla syang bumangon mula sa kanyang kama at nagmadaling magbihis nang marinignya ang doorbell ng kanilang bahay. "Sino yan?" Tanong nya bago nya buksan ang pinto. "Oh.. Ikaw pala Mimi..." 

"Hello po~ Napadalaw lang po dahil gusto daw po kayong makilala ng mga kaibigan ko!" Sabi ni Mimi at tinawag nya sila Melissa na bumaba ng kotse. 

"S-sino ang lalaki na iyon...?" Tanong ni Tsuki at sinara nya ng kaunti ang pinto noong makita nya si Rico. "Bakit sya... N-nandito...?" 

Tinignan ni Mimi si Rico at pinalapit nya ito ngunit sumigaw si Tsuki noong nasa tabi na ni Mimi si Rico. May naaalala sya sa itsura ng lalaki. "Gino..." Nagulat si Mimi sa sinabi ni Tsuki nakita nya ang kamay ni Tsuki na palapit sa kamay ni Rico. 

"Akin na ang kamay mo..." Sabi ni Tsuki.

Nabighani si Rico sa kagandahan ni Tsuki. Masyado bata ang itsura nya para maging 31. "Ah! Opo!" Sabi ni Rico nang makita nya si Tsuki na naghihintay. 

"A-ang Jar..." Sabi ni Tsuki at tinignan nyang mui ang palad ni Rico. "Ikaw ang Jar..." Tinignan nya si Rico at sabay bigla nyang hinalikan si Rico na ikinagulat ng binatilyo. 

"A-ano... Eh?!" Napalakad pa-atras si Rico at nagulat sya. "Miss, maganda ka nga pero masyado pa ako bata para dyan!" Sigaw ni Rico. Nagulat sina Marlo pero hindi sila nagsalita.

"Lima... Limang puso... Ang nasa Jar..." Tinignan ni Mimi si Tsuki at tinanong nya kung anong ibigsabihin nya. "Ang puso ninyong lima... Ay nakay Rico na... Eto, isuot ninyo!" Binigyan ni Tsuki sina Mimi, Marlo, Melissa, Alexis at Anna ng mga kwintas na hugis puso. 

"Alam ko ang plano ninyo..." Pinapasok ni Tsuki ang anim sa loob ng kanyang bahay para maipaliwanag nya ang mga nangyayari.

"So.. Ano itong mga sinasabi mo na Jar at Puso? At yung si Gino?" Tanong ni Melissa habang tumungo ang iba at tinignan si Tsuki.

"Wait... Well, ito kasi yun..." Nagsimula nang mag kwento si Tsuki.

"Ang pagiging Jar ay napapasa kung ikaw ay nagkaroon ng relasyon sa isang Jar ngunit hindi nagtagal dahil namatay ang Jar. Kaya ipapasa nya ito sa isang taong malapit sa kanya." Sabi ni Tsuki at biglang nabaling ang atensyon nya kay Rico. "Kanino ka ba nagkaroon ng relasyon?" Tanong nito.

"K-kay... Angel..." Sagot ni Rico.

"Isang napaka tandang Jar... Sya ay 17 years old na... Nung mamatay sya hindi ba?" Tanong ni Tsuki.

"Panong? Napaka tanda?" Tanong ni Rico.

"Siya ay 17... At the Jar calendar ang edad nya ay 1700..." Sabi ni Tsuki. Napansin nya na namutla silang lahat pero nagbuntong hininga si Tsuki. "Hindi pa sya mamamatay, puso ang buhay ng mga Jar. Kung madami sya nito mahaba pa ang buhay nya. Si Angel... Iisa lang ang meron sya at yun ang kay Rico ngunit mas matakaw sa life source ang Jar kaya hindi ito nakayanan ng iisang puso lamang... Walang kaibigan si Angel..." 

"Ang sabi nya ako lang daw ang meron sya..." Sabi ni Rico habang tinatapik sya sa likod ni Marlo. 

"Rico hindi ka ba nakakaramdam ng anu mang sakit sa dibdib?" Tanong ni Tsuki.

"Minsan..." Sabi ni Rico at tumingin sya kay Mimi at kay Melissa. "Nakita nilang dalawa yun. Sabi daw nila hinimatay ako at hindi na daw tumitibok ang puso ko kaya akala nila patay na ako..." Kwento ni Rico habang tinignan nya ang nakapukaw ng atensyon nya. Isa itong picture frame. 

"Sino sila?" Tanong ni Anna na nakakita din nung picture. 

"Sila ang mga kaibigan ko... Nilayo sila ng mga magulang nila sakin dahil..." Napapikit si Tsuki nang mabalik sa kanyang alaala ang mga nangyari noong bata pa siya. "Masato..."

Tumunog ang alarm ng kotse ni Marlo at agad agad sila pumunta sa labas. "Oh no..." Bulong ni Marlo. "How did this happen?! Papatayin ako ni dad kapag nakita nya ito!!" Sigaw ni Marlo.

Nakita nila ang kotse na halos maubos na ang mga parte. Parang may kumagat dito. Nakarinig sila ng isang malakas na alulong sa likod ng bahay ni Tsuki at pinuntahan nila ito. Nakakita sila ng isang itim na aso at halos mabalot na ng pula ang mata nito. 

"Lucifer! Ano ang ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Tsuki.

Naglaho bigla ang aso at nag-iwan ito ng isang mensahe. "Huwag ninyong gagambalain ang aming teritoryo." Sabi ni Alexis. Nakita nya ang isa pang mensahe sa likod ng papel. "Gino Takinaga..." 

Jar Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon