"Sumuko ka na!!!" Sigaw ni Rico. Tumawa nalang si Gino at patuloy-tuloy syang binubugbog ni Rico. "Sumuko ka na!!!" Patuloy - tuloy din nya sinasabi ang mga katagang ito. Pilit na pinipigilan nila Marlo si Rico ngunit parang hindi sila naririnig nito.
"Rico... Maaaring natalo mo ako... Ngunit..." Nagsuka ng dugo si Gino at nagpatuloy ito. "Ngunit huwag ka munang... Magdiwang..." Tumawa si Gino at tumayo palayo si Rico hingal na hingal sa pagod at galit. "Rico... Mercer... Humanda ka... Sa simula... ng katapusan..." Unti unting naglaho si Gino ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang isang aso na nakatakas.
Tumawa ito at tumakbo paalis.
"Rico! Tapos na!" Sigaw ni Mimi at napayakap sya dito. Tumawa si Rico at napaupo sa lapag. Lumapit si Marlo sa kanya at ngumiti ito. "Talagang di ka papatalo, ha." Sabi nito at tinulungan nyang tumayo si Rico. "Syempre! Ako pa..." Sabi nya at sya'y umakbay kay Marlo. "Masakit nga lang sa katawan..." Nawala na ang kulay itim at pula sa kanyang katawan at nanumbalik na ang kanyang normal na itsura. Ang mga pakpak at ang kanyang buntot ay naglaho na rin.
"Bro..." Tinignan ni Rico si Marlo. "Salamat..." Nanlaki ang mga mata ni Marlo nang marinig nya ang sinabi ni Rico. "B-bakit?" Tanong ni Marlo. "Kase... Lagi kang nandyan..." Biglang huminto si Marlo na ipinagtaka ng iba. Biglang tumawa si Marlo na ikinagulat ni Rico. "You're acting like a girl, bro!" Tumatawa parin si Marlo at halos matumba na ito.
"Halika na nga! Mag lalaro pa tayo ng DotA hindi ba?" Sabi ni Marlo.
Tumawa si Rico at umakbay syang muli kay Marlo. "Oo nga..." Ngunit kahit parang sobrang saya... Bumabagabag parin sa kanya ang sinabi ni Gino. "Humanda ka... Sa simula... Ng katapusan..."
-----------------------------------------------------------------------
"Tsuki..." Bulong ni Masato.
"Alam ko..." Sabi ni Tsuki. "Nakatakas si Lucifer..."
"Sa tingin mo ay gagamitin ka nilang muli?" Tanong ni Masato at hinawakan nya ang kamay ni Tsuki.
"Maaaring ganun na nga..." Sabi ni Tsuki at tinignan nya si Masato.
"Hindi ko papayagang mangyari ito..." Sabi ni Masato.
----------------------------------------------------------------------
"Rico..." Bulong ni Mimi sa kanyang sarili. "Bakit... Bakit parang ang lapit ng loob mo kay... Kay Marlo?" Tinignan nya nang masama si Marlo at nang lumingon ito sa kanya nagpeke sya ng ngiti at tsaka kumaway.
"Mapapasakin din si Rico... Marlo... Huwag mo syang aagawin..." Bulong nyang muli.
----------------------------------------------------------------------
Sinugod agad ni Melissa si Marlo at niyakap ito. "Brother~! You're okay~!" Sigaw nya at nakita nyang sugatan si Rico "Gosh... What happened?" Tanong nya. Tumawa si Rico at tinignan nya sina Alexis at Anna. "Kamusta na kayo?" Tanong ni Rico sa kanila.
"Maayos naman." Sabi nila ang tono nila ay malayo sa maayos.
"Anong problema?" Tanong ni Rico. "Wala naman..." Sabi nila muli.
"Rico..." Sabi ni Melissa halos mangiyak ngiyak na. "Namatay... Kanina... Ang... ang..." Hindi napigilan ni Melissa at umiyak na sya.
Nagulat si Marlo at niyakap nya ang kanyang kapatid. "Sis.. W-what's wrong?"
"Kanina... Kanina..." Tinuro nya ang bahay nila Alexis at Anna at nakita nilang halos sira na lahat ng nasa labas ng bahay na ito. Lumapit sila at nakita nila ang mahabang linya ng dugo na papunta sa loob ng bahay. Halos masuka si Mimi sa nakita nya at nilihis nya nalang ang kanyang tingin sa dugo.
"May aso... sa... sa bahay..." Sabi ni Melissa at tumakbo ang tatlo paalis. "ALEXIS!! ANNA!! MELISSA!!" Sigaw ni Mimi at sinundan nya ang mga ito.
"Shit..." Sabi ni Marlo nang may marinig syang alulong ng isang aso. Nagtinginan silang apat at nag disesyong papasok silang lahat. "Rico... You're coming with me..." Sabi ni Marlo at hinila nya si Rico kasama nya.
Tumingin si Marlo kay Tsuki nang hindi napapansin ng iba at ngumiti sa kanya si Tsuki. "Kaya mo yan!" At umalis na sila.
------------------------------------------------------------
"Marlo! Bilis!" Bulong ni Rico at nagtago sila sa loob ng isang aparador. "Shh..." Sabi nya kay Marlo at umusog sya palapit kay Marlo. "Paupo lang Bro! Ang sikip eh..." Bulong muli ni Rico. Hindi makapaniwala si Marlo at sobrang lapit nya kay Rico. Parang pinaulanan sya ng himala ng langit. "Shit... Is this a reward or a punishment?!" Tanong nya sa sarili nya at nagulat sya nang tila mapasigaw ng onti si Rico. "Bakit?" Tanong nya.
"Akala ko... Nandyan sya... Hays..." Binuksan nya ang aparador at nakita nila sina Mimi. Nang tumingin sya kay Mimi ay naka ngiti nga sya ngunit ang mga mata nya... Malayo sa masaya para sa kanya.
----------------------------------------------------------
Natapos na ang araw at nagsimula na silang umuwi sa kanilang mga bahay. Sumabay si Marlo kay Rico dahil sa bahay sya ni Rico matutulog. "Guys! Bili lang ako ah!" Sabi nya kay Mimi at Marlo. Nang maka-alis na si Rico biglang nagsalita si Mimi. "Sabihin mo nga sakin... May gusto ka ba kay Rico?" Tanong nya kay Marlo na tila galit na galit. "What are you saying?! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya?!" sabi nya kay Mimi medyo ninenerbyos sa pangyayari.
"Akin sya..." Sabi nya at natigil ang kanilang usapan nang marinig nila si Rico na pabalik na. "Bumili lang ako ng kandila, brownout daw e... Nakakahiya naman sayo Marlo." Sabi ni Rico at nilihis nya ang tingin kay Marlo. Mas lalong nagalit si Mimi at bigla syang umalis. "Mauuna na ako!!" Sabi nya at iniwan nyang nagtataka si Rico at ang nakangiting Marlo.
--------------------------------------------------------
Author's Note: Well, well, well, meron nang mga couple at love triagles~! Tignan natin kung sino ang magkakatuluyan! :D -Derp~!
Warning! Next chapter may contain Boy x Boy Scenes If you don't like it please skip it.