Chapter 20 - Sawagad.

19 0 0
                                    

Chapter 20 - Sawagad.

Umuwi na agad si Marc nung dumating sila Mama kasi nahihiya siya. Eh kahit naman ako kinakabahan eh. Haha. Sino ba naman hindi kakabahan non? Nahuli ka may kasama kang lalaki sa bahay niyo tapos super gabi na. Sabi ni Marc, hindi daw siya galit pero obvious naman eh. Bakit kaya?

Papa: Kailan mo pa yon manliligaw?

Hindi ako makasagot. Anong sasabihin ko? KANINA? Gano'n? Eh di sinapok ako niyan. Baka sabihin kanina lang ako nagpaligaw tapos andito na sa bahay tumatambay. Ayaw ba nila ng gano'n?

Mama: Tinatanong ka, sumagot ka.

Kish: Uhm, kanina lang. Nag mall nga kami kasama yung bata niyang kapatid eh.

Mama: Huh? Ikaw hindi ka man lang nagpaalam. Iniwan mo pa si Meryl dito.

Kish: Ma, tapos na eh.

Mama: Nameet mo na ba parents non?

Kish: Nagpapaligaw pa lang ako noh.

Papa: Patigilin mo na yon.

Kish: Ay nako! Tigilan niyo nga ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Ano naman tripping ni Papa at gusto niyang patigilin si Marc? Eh kasi naman eh bakit si Richard pwede. Pati na rin si Archie. Ano ba naman yon. Kung sino pa mas gusto ko yon pa yung aayawan niya. Kay Mama naman ata okey eh.

*Tok.Tok.Tok.*

Sino naman yon?!

Si Mama. Kakausapin na naman ako nito.

Mama: Kishii,

Kish: Bakit?

Waw, ang respectful ko. Hihi. Pero kasi naman eh nakakaasar kasi eh. Ano ba naman talaga trip nun ni Papa?

Mama: Okey na kay Papa yon. Tinetesing ka lang. Gano'n din naman dati dba?

Kish: Eh Ma, gusto ko kasi talaga siya eh.

Mama: Okey na ba ikaw dun sa nangyari dati kay Richard?

Kish: Nakikipag balikan nga sa akin yon eh kaso ayoko ito na to! Haha.

Mama: Naku, gusto kasi ni Papa mo si Richard.

Knwento ko sa kanya about dun sa pakikipagbalikan ni Richard pero inexplain ko talaga sa kanya na wala na. WALA nang PAGASA. Ngayon pa ba talaga ako aatras?

Well. Umalis na si Mama dito sa kwarto ko. Matutulog na daw siya kasi sobrang pagod siya sa byahe. At ako rin, pagod sa nilakad ko ngayon.

Text. Text. Magtetext ako kay Marc.

Kish: Marc, okey naman kayla Papa yung sa atin eh.ü

10:52pm ako nagtext sa kanya. Naglaro muna ako ng game sa cellphone ko. Ilang round din nilaro ko pero hindi pa tumunog yung phone ko ng text message tone ko. Baka tulog na siya. Makatulog na nga.

Sabado. Hindi pa siya nagrereply. Wala akong ginawa. Sobrang boring.

Jared: Morning. Gimik daw later. Sama kayo!

Merced: Hoi! Sama ka mamaya? 7pm?

Hindi na siguro. Bakit, gusto ko kasama si Marc. Eh hindi eh. Wag na lang.

Bakit kasi hindi nagtetext si Marc? Baka nagsasawa na?

Maniwala ka sana sakin - ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon