Chapter 8 - AKALA ko pa naman.
Kish: Oo na. Eh ewan ko ba kung bakit ka ba masyadong apektado eh!
Naku, nakakapang gilaiti itong si Marc. Gusto ko syang sabunutan, sapakin, buntalin, tirisin, sungangain at lahat lahat na! Pero wala, hindi na sya nakapag salita. Guilty ito panigurado.
Kish: Uyyy. Uwi na ako ha. Baka kasi hinahanap na ako sa amin eh. Hindi pa naman ako nagpaalam. Sinong uuwi na rin?
Wala man lang nagsalita. So sige, aalis na ako. Busy sila sa panonood ng ewan ko ba.
Kish: Hoi, aalis na ako ha. Sige, aalis na ako. Bye.
Aba. Wala man lang pumansin sa akin. Pero ayos lang. Eto na. Nakalabas na ako ng bahay nila Raine. Halos nasa kanto na ako. Hmm. Lalakarin ko na lang palabas ng village nila para makatipid ako sa pamasahe!
Teka, parang may sumusunod sa akin. Oh. Madilim pa naman! Teka, eto na binibilisan na ang pag lakad. *Sipol* May biglang humawak sa balikat ko.
Kish: (Tili) Waaaaag! Lumayo ka sa akin! Aaaaaaaaaaaa!!! (pikit mata)
Marc: Grabe ka naman kung makatili. Akala mo naman aswang ako. Hindi rin ako multo noh. At lalong wala akong balak rape-in ka o hindi rin ako holdaper.
Kish: Eh bakit andito ka?!
Marc: Eh naisipan ko nang umuwi eh.
Kish: O sinusundan mo lang ako?
Marc: Kapal mo ha!
Kish: Umamin ka na kasi, crush mo rin ako noh?
Tahimik lang ang loko. Hindi ko tuloy malaman kung oo sagot niya. Dba, SILENCE means YES. Pero wag muna ako dapat umasa. Pero pwede na rin kahit paano noh? Kasi bakit naman gusto niya pang sumabay sa akin eh alam naman pala nya kung saan nakatira si Raine. Isa pa, galit na galit sya sa akin kanina nung may INASIKASO pa ako na si Archie lang naman daw. Blahblah. Ngayon, sumasabay pa pauwi! Ano ba yun. Nakakaloka! Haha. ASAAAAAAAAA KAAAAAA PAAAA!
Marc: (BATOK) Hoy!
Kish: Grabe ka naman makabatok! Ano ba?!
Marc: Sasakay na po kasi tayo.
Kish: Pwede mo naman akong iwan dito dba?! Kaya ko naman umuwi mag isa!
Marc: O cge, bai.
Aba. Walang hiya itong taong ito! Iniwan ba naman ako dito! Maghihintay pa tuloy ako ng next jeep na pwede kong sakyan! Eh trapik pa naman dito tapos madilim na. Nakaka asar talaga yung taong yun. Isinusumpa ko! HINDI ko na sya crush. Pero joke lang yon! Pero talagang nakaka irita yung ginawa niya ha! Hindi sya gentleman! Letseee sa buhay!
Sa jeep.
Ano ba naman itong mag jowang ito. Napaka showy. PUBLIC transpo ginawang motel. Sosyal ha! Ay, ang beggar pala. Pwede naman sa Sogo Hotel o kaya naman sa isang magarang hotel, Manila Hotel pwede na.. HAHAHA. Ang sama ko na. Kasi naman, epekto ito ng pag iwan sa akin ni Marc sa gitna ng madilim na kanto na mga puro adik ang nakatambay. Buti na lang may mga ibang pasaherong nagaaabang sa mismong kanto rin na iyon. Buti walang masamang nangyari sa akin. Kundi.. sapok aabutin sa akin nung si Marc.
Aba, malapit na akong bumaba. Hindi ko na makikita itong mag jowang ito. Nakakasulasok. Feel ko nga lahat ng matatanda na nasa jeep eh gusto nang pagsabihan itong dalawang ito. Public Display of Affection. Hinding hindi ko gagawin ito. Kahit kailan. Joke. Pero hindi naman ganyan na ganyan noh. Ang harot.
Kish: Ma, pare ho!
Bingi ata itong driver ah!
Pasahero: Ma, para daw.
Kish: Manong, salamat po.
Pasahero: Anong manong? Mas mukhang matanda ka pa nga eh.
Kish: Ano? Kapal mo naman!
Pasahero: uy, ang ganda mo pala miss.
Kish: Bastos!
In fairness. Cute din naman itong lalaking ito. At dito lang sya nakatira sa subdivision namin. Wowowowow. Ang cool. One day mami meet ko rin yan.
Pasahero: Dito ka rin nakatira?
Kish: Paki mo?!
Nagpapakipot lang ang lola niyo. Baka isipin nya ang landi landi ko at first time to meet pa lang eh nakikipag usap na. At hindi naman tama talaga na makipag usap sa isang stranger.
--------- Kish! Hoy, Kish!
At sino naman nasa kalye eh pinagsisigawan ang pangalan ko ha? Grabe naman. Eto na, lilingon na. Lagot sa akin yung tumatawag sa akin! HMPF. Ipaglandakan daw pa kung sino ako, kulang na lang ikwento na buhay ko eh.
Lingon. Pshhhhw. Si Marc.
Bakit ba sa lahat ng pwede kong makita laging andyan si Marc?! Sinusundan kaya niya ako?! Bakit naman kaya. Lumapit sya.
Marc: Sino na naman yang kausap mo?
Akala mo tatay ko. Sige, bahala ka dyan. Iniwan mo ako sa kantong madilim iiwan kita dyan ngayon. Buti nga may street light dyan sa kinatatayuan mo eh!
Marc: Wag ka nang magalit, bumaba pa nga ako dito kasi concern lang naman ako baka kung anong mangyari sayo.
Kish: Utot mo! Bahala ka sa buhay mo..
Marc: Ihahatid na lang kita sa inyo.
Kish: Talaga?!
Marc: Oo, sige na bati na tayo ha.
Kish: Utot mo pa rin! Hindi naman tayo mag syota ha! Ano naman kung galit ako sayo at bakit mo naman ako ihahatid sa bahay namin?
Marc: Wangak ka ba? Classmates tayo! Kaya nga alalang alala ako sayo eh.
Kish: Wangak ka rin. Ganoon ba yon? Eh yung bestfriend ko nga hindi ako masyado inaalala katulad nyan ikaw pa kayang walang paki sa akin.
Marc: Ang drama mo naman.
Kish: Or talagang gusto mo ako? Noh?!
Hindi na naman sya sumagot. Hmm. Makalayas na nga. Sige lakad lang ako ng lakad. Pero super bothered ako kasi sumusunod pa rin sya sa akin. Ano bang gusto nitong si Marc? Malabo namang gusto nya rin ako. O talagang bilang "classmate" eh concern sya sa akin.
Marc: Kish...
BINABASA MO ANG
Maniwala ka sana sakin - ONGOING
RomanceHindi ko po ito story.. Trip ko lang po ipost kasi po nagandahan po ako.. hehe sana po kahit hindi po ito sakin sana po suportahan nio parin po.. Thank You Po!!!! <3