No prologue... Sorry poh!
==============================
CHAPTER 1 - Ang umpisa
Eto na naman. Papasok na naman ako.
Jesus, salamat po sa pagising niyo at pagbuhay niyo sa akin ngayon araw na ito at sa pagbantay niyo sa mga pinabantayan ko rin po sa inyo kagabi (Lalo na si Marc). Amen.
Oo, nagdadasal ako habang nagbubuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. At sa pagbuhos ko ng tubig, iniisip ko yung crush ko. Ang weirdo. Crush pa lang pero parang mahal ko na. LOYAL eh. Term ko yan sa sarili ko.
Simula ba naman nung naging crush ko si Marc eh tumino na yung buhay ko. Hindi na ako ganun kaingay sa klase. Tinigilan ko na mga bisyo ko na lakwatsa lakwatsa - kung minsan sa school na lang at least pag doon, nakikita ko pa rin sya sa practice nila ng basketball. Varsity kasi sya eh. Ang galing nya nga mag basketball eh. Grabe, idolo ko.
Mama: Kish! Malelate ka na sa school! Tanghali ka na nga gumising, ang tagal mo pa dyan sa banyo. Bilisan mo! Natatae na papa mo!
Ang weirdo talaga. Dapat sa amin yung separate yung paliguan at yung yung ihian o taehan. Dba? Para hindi istorbo sa pag ligo ko pero baka mabatukan ako pag hindi pa ako lumabas dito.
Kish: Oo na. Eto na.
Bihis. Kain. Bihis ng uniform.
Aalis na ako. Asan na ba yung susi ko? Hmm. Ah eto. Ako kasi nagsasara at nagbubukas ng bahay namin. Minsan pag walang pasok ate ko siya nagsasara pero isang beses lang yon sa isang linggo. Wala naman akong reklamo dun eh. Nakwento ko lang.
Habang naglalakad ako. Iinisip ko sya sya at sya na naman. Malamang yung crush ko. Gusto niyo ba malaman kung pano ko sya naging crush? Kasi ganito yon..
***Flashback***
Klase namin sa Filipino. Walang quizbooklet, walang quiz!
Hala! Hala! Epal naman kasi nitong teacher na ito eh. Meron nga akong quizbooklet nasa locker lang hindi pa pinakuha. Hmpf. Kailangan ko makapag quiz.
Kish: Hui, penge nga ng papel.
No choice ako. Kailangan ko ito. Dudugasin ko na lang. Hindi naman nya iyon malalaman eh.
Marc: Huh? Teka.
Ano bang hinahalungkat niya sa bag niya? Papel lang hinihingi ko eh pwede naman sya pumunit sa quizbooket niya, dba? Ang weirdo.
Marc: Oh eto. Eto na lang gamitin mo.
YESSSSS! Quizbooklet. Hindi naman lalong mahahalata na wala akong quizbookelt diba? Hindi naman bubungkalin ng teacher namin isa isa kung may pangalan o wala, dba? At hindi nya naman maiisip yung ganun kaya swerte!
*** END ng Flashback ***
Yun na yung kwento kung bakit ko sya naging crush. Isa pa pala ako napabilib, nagwawax pala itong batang ito. Nagulat lang ako. Nung minsan kasi magrereport sila para sa Filipino eh napansin ko nakaayos yung buhok niya. Nasabi ko tuloy kay Jared yung napansin ko. Nasabi niya ngang bumibili pa ng wax si Marc para lang sa buhok niya. Vain ang lolo niyo. Ang unusual lang sa isang katulad niya - o weird lang talaga pagiisip ko? Pwede namang usual yon dba? Weirdo.
Andito na ako sa tapat ng school namin. Ayun si Marc! Pababa ng jeep. (Actually, walking distance lang kasi yung school mula sa bahay.) Kilig to the max ako. Todo ngiti.
Chloe: Hoi. Cake!
Ayoko lumingon. Nahihiya ako. Hindi naman si Marc yung tumatawag sa akin eh. Si Chloe. Kahit na, baka isipin ni Marc tinitignan ko sya. Aaaaargh. Eh kasi naman, todo iwas sya sa akin eh dati naman hindi ganoon diba? Friends friends pa kami tapos - tapos.. WAAAAAAAAAAAAAA! Tapos hindi na niya ako kinakausap. Ako lang naman hindi niya kinakausap. Kailangan ako pa manguna.
Chloe: HOY!
Sabay tapik.
Kish: Grabe ka naman makatapik!
Chloe: Si Marc oh!
Kish: Kaya nga ayaw ko lumingon eh. -- Good morning cup!
Chance ko na ito para makapag good morning kay Marc! Haha!
Kish: Good morning Ma---
In-overtakan ba naman ako? Hayup naman yon. Tipong basted sa kanya. Akala mo ako yung lalaki eh noh? Tama bang tarayan ako?
Nakakainis noh? Kung kelan nakakaroon ng pagkakataon para mapansin ko sya bigla nawawala yung pagkakataon. Oh baka naman talagang iniiwasan niya ako? Ang ingay kasi nila Eric eh! Arrrgh talaga. Ayan tuloy. Bistado na ang pag ka crush ko dun sa kaibigan nilang isnabero! Nakakalungkot talaga ng ganoon. Kung pwedeng itigil ko nang pagka crush ko sa taong yan eh. Matagal ko na sanang ginawa.
Lumingon si Marc..
===========================================
Hindi ko po story ito.. Triip ko lang poh iPost haha maganda kaseee :))
-Tjhay
BINABASA MO ANG
Maniwala ka sana sakin - ONGOING
RomanceHindi ko po ito story.. Trip ko lang po ipost kasi po nagandahan po ako.. hehe sana po kahit hindi po ito sakin sana po suportahan nio parin po.. Thank You Po!!!! <3