Chapter 14 - Dizizit part.o3

32 0 0
                                    

Chapter 14 - Dizizit part.o3

Kish: Bakit naman ako magagalit? May gano'ng factor na rin?

Jared: Oo, bkit? Kilig ka?!

Kish: Medyo. Pinatigil ko na si Richard para sa kanya. Haha.

Jared: Oh? Sira ka.. Parang nung isang month lang, sabi mo pa ayaw mo na ng boyfriend. Loka!

Loko naman si Jared. Hinuli pa ako. Sinabi ko ba talaga yon? Haha. Oo nga. Naalala ko. Pero ibang usapan na ito. Marc na eh. MARC na ito! Wala nang atrasan. Wahahaha.

*Toooooooooot.Toooooooot*

Marc: Kish, may gagawin ka tomorrow?

Kish: Wala eh. Bkit?

Marc: Punta ako dyan, okey lang?

Kish: Sureü.

Marc: I'll bring my sister, pwede?

Kish: Meron kang sister?ü

Marc: Yep, 6 yrs old.ü

Waaaaaaaw. I love kids kasi so parang super pinasaya niya na ako nun. Naeexcite na ako! Wahooo!

Nakatulog ako noon kakaisip. Nakalimutan ko pang magreply kasi super iniisip ko talaga yon. Sinulat ko pa sa diary ko.

Grabe! Naeexcite na ako. Bukas pupunta si Marc dito. Pinatigil ko na si Richard sa panliligaw kasi nagets ko na yung gustong ipahiwatig ni Marc sa akin. Waw, ang deep ng tagalog ko. Haha. Syempre, naiinlabb eh. Anyways, dadalhin ni Marc dito yung younger sister niya buka--

Friday. 6:30am

Kish: Ate! May bibisita sa akin dito mamaya ha. Si Marc pati yung kapatid niyang bata ha! Papasukin mo na lang. Sa taas lang ako.

Kasambahay: Eh pano ko malalaman kung sino yung Marc? Hindi ko naman kilala yon eh.

Onga noh. Pero si Marc lang naman pupunta dito eh.

Kish: Basta, siya na yon! Hihi. Thanks Ate!

Akyat akyat na ako. Excited na talaga ako! YES! YES! YES. MAliligo na ako. Gagamit ako ng mabangong sabon. Sisimulan ko na para maayos na lahat.

*Diiiiiiiing Doooooooong*

9am.

Syamers! Sila na ata yan. Excited na ako. Dito lang ako sa taas para hindi obvious na excited ako. Pero dapat ako sumalubong dba?

Kish: Ate, ako na lang magbubukas!

Baba. Bilis. Bilis. Baba. Bilis.

Eto na. Eto na. Eto na. Waaaaaaaaa.

Bukas pinto.

Toink? Ano ito? Teddy Bear?

Kish: Oi??

Malene: Hi Ate Kish..

Kish: Hi, anong name mo?

Malene: Malene po. Sister ako ni maic

Ang cute niya! Supeeeeeer.

Ang sweet pa ni Marc. Laki ng teddy bear. Pink! Sana siya na talaga para sa akin.

Maniwala ka sana sakin - ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon