FIVE

7 0 0
                                    

Sumunod naman silang dalawa sa akin. Nagulat ako sa nakita ko sa mesa. May sinangag, may pritong itlog, hotdog, tocino at bacon. May orange juice pa. Nakaayos na rin 'yung mga plato sa hapagkainan.

"Naabutan kasi ako ng kuya mo na nag-aayos ng mesa. Tapos pinapunta niya ako sa salas at tinawagan ka niya." biglang lumitaw sa harap ko si Andrei.

"Ikaw nagluto ng lahat ng ito?" Tumango lamang siya sa tanong ko.

"'Yun naman pala! Kainin na natin 'yan! Pambawi mo sa kapatid ko!" Binatukan ko si Kuya Gino na nasa tabi ko. Napahimas na lang siya sa ulo niya.

"Bunso naman..."

"Siya... Sige! Kumain na tayo. Sayang naman itong nakahain na ito."

Nauna na talagang umupo si Kuya Gino sa upuan at nagsandok na agad ng kanin. Napailing na lang ako. Napatingin ako kay Andrei. Nakatingin siya sa akin at hindi pa umuupo.

"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Bagong taon?"

"Sabi ko nga." Umupo na rin siya sa tapat ko. Nasa gitna si Kuya Gino.

Tahimik lang kaming kumain. Siguro nga pare-parehas kaming gutom.

"May kaibigan ka pala noong college ka, bunso. Wala ka manlang naikukwento."

"Ano namang ikukwento ko?"

"Siyempre 'yung mga bonding moments niyo." tumaas-taas pa 'yung kilay niya. Natatawa naman si Andrei pero halatang pinipigilan niya lang.

"Tumigil ka nga, Kuya."

Tumawa lang siya at tumayo na.

"Tapos na ako. Salamat sa libreng almusal, brad. Ikaw na bahala d'yan sa kapatid ko! Ingatan mo 'yan!" Sabi niya kay Andrei.

"Saan ka pupunta?"

"May pasok pa ako sa pinagtatrabahuhan kong kompanya. Mauna na ako."

"Sige, kuya. Ingat ka."

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!" Hinampas ko ang kamay niya pero lalo lang siyang tumawa.

"Sige na, alis na ako."

Tumango lang ako. Naiwan kami ni Andrei rito sa kusina.

"Pasensiya na kagabi. Ang laking abala pala ng ginawa ko sa iyo." Basag niya sa katahimikan.

"Ayos lang 'yon. Huwag mo na lang ulitin sa susunod."

"Masyado lang kasi akong nalasing. Hindi ko alam bakit ako napunta sa harap ng radio station na pinapasukan mo. Basta alam ko umuulan tapos 'yun na."

Tumango lang ako. "Sige. Nand'on nga pala sa kuwarto 'yung damit mo kagabi. Nalabhan ko na. Pwede mo nang isuot. Kung maliligo ka, may banyo rito. May extra towel na rin sa loob." Tinuro ko ang isang banyo rito sa labas.

"S-sige. Salamat."

Katahimikan ulit. Wala na akong ibang masabi. Gusto ko magtanong kung bakit siya nagkakaganoon pero wala naman akong karapatan para magtanong. May kanya-kanya kaming buhay.

"Wala ka nang kailangan pa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na."

"Sige. Ako na ang magliligpit ng mga pinagkainan para makapag-ayos ka na." Hindi siya kumibo kaya tumayo na ako at inayos ko na ang mga plato namin.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatigil ako sa pag-aayos ng mga plato.

"A-ang tagal nating hindi nag-usap ah. It's been... A year and a half?" ngumiti siya nang tipid. "Kumusta ka na?"

Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita. Unti-unti kong binawi 'yung kamay ko sa kanya. Tumikhim ako at dinala ko 'yung mga plato sa lababo.

"H-ha? Ako? Okay naman. Nakahanap naman ng trabaho matapos makagraduate. 'Yung pangarap kong trabaho, nakuha ko naman..." Inumpisahan ko na hugasan lahat ng plato. Nakatalikod ako
sa kanya. "Ikaw, k-kumusta?"

Nilungon ko siya saglit. Nakatingin siya sa akin kaya binalik ko ulit ang tingin ko sa hinuhugasan kong mga plato.

"I'm okay, I guess?"

"Bakit parang hindi ka pa sigurado?"

"'Cause everything's fucked up. Fuck this life."

Napailing na lang ako.

"Hindi pa rin nagbabago 'yang pananalita mo. Cursing machine ka pa rin." Nagulat ako sa sinabi ko. Ano ba 'yan, Georgina! Bakit bigla-bigla ka na lang nagsasalita nang ganyan!

Natahimik siya kaya natahimik din ako. Maya-maya, tumawa siya nang bahagya.

"Cursing machine? Naalala mo pa pala 'yun?" Narinig ko ang pagtayo niya sa upuan niya. "Oo, mas lalo yata akong lumala simula nang mawala ka sa buhay ko..." Lumapit siya sa tabi ko. Nahigit ko ang hininga ko sa ibinulong niya.

"Namiss kita."

5 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon