Okay na siya habang ikaw, hindi pa.
Masaya siya habang ikaw, pilit mo pa ring binubuo 'yung puso mo.
Isa ka na lamang alaala sa kanya samantalang ikaw, nakakulong pa rin sa alaala niyong dalawa.
Minahal ka na lang niya pero ikaw? Patuloy mo pa rin siyang minamahal.
Hanggang kailan na lang ba ganyan? Hanggang kailan ka iiyak? Masasaktan at aasa na babalik pa kayo sa dating kayo? Hindi ka pa ba nagsasawa?
Gusto kitang tulungan. That's why I gave you this five steps.. Pero, imbis na hilahin kita pataas sa pagkahulog mo sa kanya, bakit....
Bakit ako ang nahulog sa'yo? Sino ba dapat ang gumamit ng five steps?
Ikaw?
O ako?