SIX

8 0 0
                                    

"Okay ka lang ba?" Bulong niya sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Nagcoconcentrate ako magsagot sa long quiz namin.

"Pst. Bakit hindi mo ako sinasagot?" Sinamaan ko siya ng tingin para sabihing tumahimik na lang siya.

"Buti naman nakapagpalit ka."

Hindi ko na siya nilingon. Bahala siya. Akala ko, natigil na siya sa pangungulit pero hindi pa rin.

This time, kinalabit niya ako.

Tumingin ako sa kanya. "Ano ba-"

"Ms. Mendez and Mr. Camello? Anong ginagawa niyo?" Lahat ng estudyante napatingin sa amin. Maging ako ay nagulat nang banggitin ng professor namin ang pangalan namin.

"Sir, m-may tinatanong-"

"In the middle of your quiz? Nagtatanong ng sagot sa'yo, Ms. Mendez?"

"N-no, sir-" Hindi na natuloy ang pangangatwiran ko dahil sa galit niya.

"I'm warning the both of you. Kapag nahuli ko pa kayo, automatic singko ang grado niyo. Maglayo kayo ng upuan."

"Yes, sir." Ang ginawa ko, pumunta na lang ako sa likod at doon pumwesto. Sinamaan ko siya ng tingin. Leche. Muntik na akomg mapahamak dahil sa kanya.

Natapos ko naman nang maaga ang quiz kaya nakapagpasa na ako agad. Kinuha ko na ang bag ko at aalis na nang may humatak sa akin bago ako makalabas ng pinto.

"Sorry."

Alam ko na kung sino 'yun. Siya lang naman ang nangungulit sa akin.

"Pwede ba, kung magtatanong ka ng mga ganoong bagay, dapat pagkatapos na lang ng quiz."

"Pasensiya na talaga."

Tiningnan ko lang siya at umalis.

"Hello? Earth to DJ Heart?!"

"H-ha?"

"Ang sabi ko, round mo na! Kanina ka pa nakatulala d'yan!" sabi ng susundan kong DJ. Si Charo Tierra.

"Pasensiya na. May iniisip lang ako," sagot ko sa kanya.

"Sus, 'wag mo na isipin' yon. Mahal ka no'n!" Sagot niya sabay tawa nang malakas.

Napailing na lang ako at napangiti sa banat niya. Inayos ko na ang sarili ko at ako na ang sasalang.

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Pagkatapos niyang sabihin 'yon, natahimik lang ako. Muntikan ko pa ngang mabitiwan yung plato na hinuhugasan ko.

Nakaramdam siguro siya na nabigla ako kaya naman umatras siya at nagpaalam na maliligo na. Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang paghuhugas pero nanginginig ang mga kalamnan ko. Ewan ko ba.

Nagpasalamat siya sa ginawa ko sa kanya at umalis na dahil papasok pa raw siya sa trabaho niya na hindi ko na tinanong kung ano. Sabi niya babawi raw siya sa akin pero hindi na ako umaasang magkikita pa kami ulit. 'Yun pa! Dakilang drawing siya.

"Okay, so welcome back mga ka-pusolungs. Nandito na namang muli ang inyong DJ Heart! And welcome sa ating Heart to Heart segway!"

Napansin ko na may caller na agad, hindi ko pa nasisimulan ang pag-eendorse ng number ng segway ko.

"Woah, may caller na agad ako ha? Medyo kailangan yata ng advise ng mga tao ngayon. Dahil ba magpapasko na? Hmm. Okay sige, pagbigyan na natin itong caller na ito na kanina pa pala tumatawag..." So sinagot ko ang tawag at kinonect on air para marinig ng listeners.

5 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon