CHAPTER NINE
NAPAGDESISYUNAN ni Atasha na sumunod na sa mga magulang niya sa Dubai. Naglilibot siya kahapon para maghanap ng mga DVD nang mahagip ng tingin niya ang dalawang magkapareha sa isang restaurant. Parang tinarakan ng patalim ang dibdib niya nang makita niyang nagyakapan sina Drew at Melody. Bigla siyang namanhid. Kung iyon lagi ang masasaksihan niya sa lugar na iyon ay mas mabuti na nga sigurong manirahan siya sa ibang bansa. Isipin pa nga lang na nagkabalikan na sina Drew at ang babaeng raccoon na iyon ay parang nilalatigo na siya, how much more seeing them happy together? Baka siya na mismo ang maglatigo ng sarili niya.
She took the first flight she got after she called the airport. Hindi na siya nagpaalam pa sa mga kaanak, bagkus ay nag-iwan na lamang siya ng note. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon as early as possible.
Napabaling siya sa ng pansin nang may marinig siyang komosyon sa bandang gate ng airport. Parang may mga pinipigilan ang mga guards na isang lalaki. Nagkibit na lamang siya ng balikat nang maisipang baka masamang loob iyon.
Pumipila na siya para magcheck-in nang marinig niyang may sumigaw. She turned her gaze at him. Muntik pa siyang matumba nang may isang babaeng akala mo ay tatakbo ng marathon na dumaan sa gilid niya. Nakita niya itong tumakbo patungo sa sa direksyon ng lalaki na sumisigaw. Biglang nagyakapan at naghalikan ang dalawa sa gitna ng airport. Sa harap ng ilang daang mga tao.
Awtomatikong napaismid siya. Yeah, right. How sweet. She said sarcastically. Parang nasa loob lang siya ng mga pocketbook na binabasa niya kung saan hinahabol ng lalaki ang babaeng mahal nito para huwag umalis. She remembered Drew again. Gagawin rin kaya nito iyon kung nalaman nitong umalis siya?
Mahal ka ba niya?
She let out a sigh. Iyon ang isang tanong na hindi niya kayang sagutin. O posibleng alam niya ang sagot, ngunit natatakot lamang siyang harapin iyon.
NANLULUMONG napaupo sa isang bench si Drew. Hindi na niya naabutan pa ang dalaga. Ayon sa napagtanungan niya sa information desk ay kaninang alas otso pa raw ng umaga ang flight patungong Dubai. He checked his watch. It’s almost 10:30.
Kanina nang puntahan niya ito sa bahay nito ay wala ng taong sumasagot. He immediately went to Jester’s house, pero wala rin doon ang kaibigan niya. Nang pauwi na siya ay nakasalubong niya ang isang pinsan nitong si Lace. Ito ang nagsabi na umalis na ang dalaga patungong Dubai. Parang sinipa siya ng sampung kabayo sa lakas ng impact niyon sa kanya. Bigla siyang natakot nang maisip na baka magpakasal ito sa iba. She said that her parents wanted her to marry someone. Paano pala kung kasabay ng pagtuntong nito sa ibang bansa ay ang pagpayag rin nito sa gusto ng mga magulang nito? Mababaliw na yata siya.
Napalingon siya sa matandang lalaki na nagbabasa ng diyaryo na katabi niyang nakaupo nang magsalita ito.
“Pangalawang lalaki ka na na sumigaw rito sa airport. Kanina ay may isang lalaki rin na naglakas-loob mag-eskandalo dito para pigilan ang babaeng mahal niya. Luckily he had stopped her from boarding the plane. 'Guess, you’re not so lucky today,” tinapik siya nito sa balikat bago tiniklop ang diyaryo at tumayo.
Sinundan niya ito ng tingin at bumuntong-hininga. Mukhang tama nga ito. It was definitely not his lucky day.
“ANG sabi mo hindi mo siya bibitawan, then what the hell are you doing now, Andrew Mercado?” nanggagalaiting sita sa kanya na mommy niya. Kasalukuyang tumutungga siya ng beer nang pumasok ito sa kuwarto niya para manermon. Ano pa ba ang dapat niyang gawin? The woman he loved left her! Wala na siyang magawa doon.
“Mom, you don’t understand. She left me,” matigas niyang wika rito.
“And you exactly knew where you can find her. Pero imbes na sundan mo siya, heto ka at nagpapakalango sa alak!”
“Bakit kailangan ko siyang sundan? Siya ang lumayo. Siya ang nang-iwan. Lahat na lang sila iniiwan ako!” tinabig niya ang mga nakahilerang bote sa paanan niya. Masamang-masama ang loob niya. Nagpatung-patong na ang lahat na halos hindi na niya kaya pang ipagpatuloy ang mga nasimulan niya.
When he came back from the airport and realized that he was really too late, he felt his world crumbled. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman niya. Napagtanto niyang palagi na nga lang siyang iniiwan ng mga taong mahal niya. Melody. His dad. And now, Atasha. He started asking himself if something was wrong with him. Ano nga ba ang mali sa kanya? Why couldn't the people he love stay beaide him? Ano ba ang kulang? Kaya naman siguro niyang punan kung ano man ang mga iyon.
Nilapitan siya ng ina at hinagod ang kanyang braso. “She’s different from Melody, hijo,” anito.
“How could she be different? Pareho lang naman sila ng ginawa sa akin,” pinahid niya ang namuong luha sa mga mata. Goodness! How many times does he have to cry over a woman!
“She doesn’t know you love her. She didn’t know that you feel miserable right now. If you are going to think about it, Shasha is just also a victim from all of this. At kung gusto mong malaman niya 'yang nararamdaman mo, you should go and tell her,” paliwanag ng ina niya.
Gusto na talaga niyang sumuko. Paano kung pagpunta niya sa Dubai ay malaman niyang hindi pala siya nito mahal? That she was already engaged with someone else? Magmumukha lang siyang tanga. He remembered he promised himself not to be stupid again over a woman.
“Anak, hindi ba nang hinabol mo siya sa airport, ang gusto mo lang namang sabihin sa kanya ay mahal mo siya. Gusto mong malaman niya ang nararamdaman mo at kung susuwertehin ka, baka mahal ka rin pala niya. Walang pagkakaiba iyon kung puntahan mo siya ngayon kung saan man ito naroroon at sabihin iyang nasa puso mo,” itinuro pa nito ang kanyang dibdib. Nag-angat siya ng tingin rito. He saw her smile. Kaya pa nga ba niya?
You have to. Kung gusto mo talagang mapasaiyo ang babaeng mahal mo, udyok ng isip niya.
Tama ang mommy niya. Kung lagi niyang hahayaang mawala ang mga taong mahal niya sa kanyang buhay, ay siguradong wala talagang matitira. When Melody left him, he just let her. Oo sinubukan niyang itong tawagan nang napakaraming beses ngunit hindi man lang niya sinubukang hanapin ito. Siguro nga may kasalanan din siya kung bakit naiiwan siya palaging mag-isa. Kaya siguro siya miserable ngayon kasi masyado siyang nagpapadala sa takot na baka huli na ang lahat. Na baka wala na siyang puwang sa puso ni Atasha. He should start taking risks. Especially if it would Atasha he was risking for.
Sinubukan niyang tumayo para sana umalis na pero natumba lamang siya. Dammit! Kung bakit nga ba ang hilig niyang maglasing kapag nabibigo?
“Mukhang hindi mo kakayaning magbiyahe ngayon. Magpahinga ka na lang muna at ako na ang bahala sa mga kakailanganin mo papuntang Dubai,” tinapik siya ng kanyang ina sa pisngi bago tumayo.
Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung wala ang mommy niya? “Thanks, Mom,” pagpapasalamat niya rito bago pa man ito makalabas ng kuwarto.
“Utang 'to. Kailangan mo akong bigyan ng apo para sa kabayaran,” nakangiting turan nito bago siya iniwan sa kuwarto. His Mom had given and loved him so much. Ngayon pa ba niya ito bibiguin?
Napangiti siya. Don’t worry, Mom, ibibigay ko sa’yo ang na-postponed ninyong apo.
KINABUKASAN ay pinuntahan ni Drew ang kaibigan niyang si Jester. Nais niyang tanungin ito ng address ng dalaga, pero wala pa rin ito sabi ng ina nito. Saan naman kaya pumunta ang lalaking iyon? He decided to go to Lace’s house. Ito nalang ang natitirang pag-asa niya para makita si Atasha. Kailangan niyang makuha ang simpatya nito kundi hopeless na talaga ang labas niya.
“Bakit ko naman ibibigay sa’yo ang address ng pinsan ko, aber?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Lace. Mukhang bad shot pa siya rito kahit hindi naman niya alam kung ano ang kasalanan niya.
“I just need to talk to her. Please, Lace,” pagmamakaawa niya.
“Ano naman ang pag-uusapan ninyo?” Kung hindi lang talaga ito ang last resort niya ay kanina pa niya ito sinungitan. Tama nga ang pagkaka-kuwento ni Atasha tungkol rito. Ubod ito ng kulit!
Ayon kay Jester, nang subukan niyang tawagan ito, bukod raw dito ay kay Lace lang ibinigay ng dalaga ang address ng parents nito. Kaya kailangan niyang kalmahin ang sarili at kumbinsihing mabuti ang maliit na nilalang na nasa harap niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ito muling tiningnan.
“I wanna tell her how I feel,” aniya.
“What do you feel ba?” hirit pa rin nito.
“That I love her! Okay? Satisfied?” nauubos na talaga ang pasensiya niya. Kailangan na niyang mapuntahan ang dalaga at baka kung ano na namang kabaliwan ang gawin nito. Like marrying someone she shouldn’t have.
“Okay lang,” bale-walang tugon nito. “Sige, ibibigay ko na sa'yo ang address ni Shasha,” pagkuwa’y wika nito. Bigla siyang nabuhayan ng loob.
“Talaga? Saan?” Kinuha niya ang dala-dalang notebook at ballpen sa bulsa.
“Uh-oh. Hindi pa ako tapos, Mamang hardinero. Ibibigay ko sa'yo ang address ni pinsan, sa isang kondisyon,” umiling-iling pa ito sa harap niya. Napakunot-noo tuloy siya. Parang pinaglalaruan yata siya ng babaeng ito. At tinawag pa siyang hardinero!
“Anong kondisyon?” usisa niya.
“Bigyan mo ako ng trabaho!” nakangiting turan nito.
“Trabaho?” Nang makita niya itong tumango at mukhang seryoso sa kondisyon nito ay napahugot na lamang siya ng malalim na hininga. Saka na niya iisipin ang tungkol sa bagay na iyon. In the meantime... “Okay! Deal! Isulat mo na ang address kung nasaan si Atasha at ako na ang bahala sa trabaho mo,” sabi niya. Naalala niyang nangangailangan ng tulong ang dalawang kaibigan niya tungkol sa pinsan ng mga ito. Lace could surely handle it.
“Talaga? You’re the man, Andrew!” natutuwang turan nito. Nakita niyang may isinulat ito sa notebook na ibinigay niya. “Diyan nakatira si pinsan ngayon. Good luck! Iyong trabaho ko ha? Huwag mong kalilimutan,” paalala nito sa kanya.
Pumara na kaagad siya ng taxi papuntang airport nang maghiwalay sila ng landas ng babae. Yes, he has to go now. Mabuti na lamang at talagang inasikaso ng mommy niya ang lahat ng kailangan niya. Bitbit na niya ang kanyang passport at plane ticket nang pumasok siya sa airport. This time, he would definitely get his girl. Hindi na siya maniniwala pa sa malas. Pero bago pa man siya makapag-board ay may narinig siyang nagsalita sa tabi niya.
“You again?” nakita niya ang matandang nakatabi niya noong huling punta niya sa airport. “Are you going to get your girl now?”
Ngumiti siya rito at tumango. “Yes, I’m going to get my girl now.”
Nakita niyang napangiti rin ito. “That’s my boy. Don’t come home unless she’s with you, okay?” turan nito bago lumayo sa kanya. Ang weird ng matandang iyon para pagsabihan siya. Pero tama rin ito. Hinding hindi siya tatapak uli ng Pilipinas hangga’t hindi niya kasama ang babaeng mahal niya.
Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating rin si Drew sa bansang kinaroroonan ni Atasha. Wala na siyang panahon para i-appreciate ang paligid. Dumiretso na kaagad siya sa address na ibinigay ni Lace sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang sabihin ng mga magulang nito na wala raw doon ang babaeng hinahanap niya. Saan na naman kaya ito nagpunta?
“Ano ba ang kailangan mo sa anak namin, hijo?” tanong ng ina nito.
“Gusto ko lang po siyang makausap, Tita,” aniya.
“Tungkol saan?” sabad ng papa nito.
“I promised you that I would take care of her. I came here to fulfill that promise, Sir,” prangkang sagot niya rito.
"Why? Everything was just a pretend, right?" anang ama nito.
"It was. Until I fell in love with your daughter," seryosong sagot niya rito.
Nakita niyang saglit na nagtinginan ang mag-asawa. Sana lang kung alam man ng mga ito kung nasaan ang anak ng mga ito ay sabihin na lamang sa kanya at huwag na siyang pahirapan pa. Unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng pagod at antok dala ng mahabang biyahe. Hindi rin siya nakakain ng maayos kanina habang nasa flight sa pag-iisip ng mga posibleng nangyayari kay Atasha.
“Iwan mo na lamang ang pangalan ng hotel na tinutuluyan mo, hijo, para kapag umuwi na si Shasha ay alam namin kung saan ka kokontakin,” wika ng mama ng dalaga.
“I can't," mabilis niyang sagot na ikinakunot naman ng noo ng mga ito. "Eh, kasi po, hindi pa ako nakakapag-check in sa isang hotel. Dito po kasi agad ako dumeretso,” paliwanag niya. Minasahe niya ang batok sa naisip na problema. Bakit nga ba hindi niya naisip na kumuha muna ng kuwarto? Masyado siyang nadala ng pagkasabik na makita ang babaeng mahal niya.
“Ganoon ba? Naku, tamang-tama pala. May ini-reserve kasi itong si Ben sa isang hotel at hindi naman niya magagamit dahil na-cancel ang meeting nila. Doon ka na lamang tumuloy, Drew,” suhestiyon ng mama ni Atasha.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. “Talaga po? Okay lang ba 'yon, Sir?” bumaling siya ng tingin sa asawa nito. Lumingon muna ito sa asawa bago tumango sa kanya. Binigay ng matandang lalaki ang pangalan ng hotel at tinuruan rin siya ng direksiyon papunta doon. Buti na lamang at mukhang sinusuwerte pa rin siya. Latang-lata na ang katawan niya dahil sa biyahe.
HINDI malaman ni Atasha kung bakit bigla na lamang siyang pinatalsik ng mga magulang niya sa bahay ng mga ito. Basta ang sabi ng mama niya ay sa hotel na raw muna siya tumuloy at may gagawin silang importante.
Hindi naman kaya gagawa sila ng magiging kapatid ko? Napangiwi siya sa naisip. Masyado ng matatanda ang mga magulang niya para sa ganoong bagay. At tiyak niya naman na nag-menopause na ang mama niya.
Pumasok na siya sa isang kuwarto na kinuha niya. Sa hotel muna siya tutuloy ng ilang araw. Humiga siya sa kama at sinikap na makatulog. Ayaw na niyang mag-isip. Pagod na siya para gawin iyon. Dala ng sobrang pagod ay madilim nang nagising si Atasha. Bumangon siya at pumasok ng banyo para maligo. Naisip niyang lumabas para kumain ngayong gabi. Kinuha niya ang kanyang iPod at earphones at sinuksok iyon sa tainga. Pumuwesto na rin siya sa bath tub na puno ng tubig at bula. Pina-alarm muna niya ang kanyang cell phone ng thirty minutes bago pumikit. Maya-maya lamang ay na-relax na ng tuluyan ang isip at katawan niya.
ANDREW never thought that searching for the woman he loves could be this tiring! Pumasok na siya sa kuwartong itinuro ng bellboy. Ilang minuto muna siyang nahiga sa kama bago naisipang libutin ang loob ng kuwarto. Lumabas siya ng terasa para tingnan ang nagkikislapang mga ilaw ng bansa.
Atasha Belle, kung nasaan ka man, magpakita ka na. Parang awa mo na.
Pumasok ulit siya ng kuwarto nang makaramdam ng panlalagkit ng katawan. Lumapit siya sa kama habang naghuhubad ng damit. Kumuha siya ng isang pares ng pajamas para isuot pagkatapos maligo. Tinungo niya ang isang rack kung saan nakalagay ang mga tuwalya sa kuwartong iyon. At dahil malapit lang naman iyon sa banyo ay hindi na siyang nag-abala pang magtapi. Nag-iisa lang naman siya sa kuwartong iyon. Akmang pipihitin na niya ang door knob nang biglang bumukas iyon. Sa sobrang gulat ay hindi niya naibalanse ang katawan at padapang bumagsak sa kanya ang isang malambot na katawan. He was shocked. Parang may daan-daang sensayon na bumalot sa kanya nang dumampi sa balat niya ang balat ng kung sino mang nakdagan sa kanya. Shit! Mukhang magkakasala pa siya.
Bigla siyang napatingin sa nakayukong mukha na nasa ibabaw niya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapagsino iyon.
“Atasha?!”
“Drew?!”
Magkapanabay na sambit nilang pareho sa pangalan ng isa’t isa. Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa, ngunit bigla rin iyon napalitan ng pagkataranta. Sa sobrang taranta ay sabay silang napatayo ngunit dahil basang-basa si Atasha ay muli lamang silang bumagsak sa sahig at napahigang dalawa. Kulang na lamang ay gumapang ang dalaga para lamang makalayo sa katawan niyang nagsisimula na ring mag-init sa kaninang posisyon nila. Nakita niya itong patakbong tinungo ang kama at ipinulupot ang kumot sa buong katawan nito.
“What the hell are you doing in my room?!” malakas na sigaw nito sa kanya habang nakatalikod.
Her room? Oh, shit! He has been played!
BINABASA MO ANG
Just Make Believe (Completed)
RomanceDahil sa pagiging manipulative ng parents ni Atasha, she came up with something that's unnecessary. Gusto ng mga magulang niya na ipakasal siya sa isang taong hindi niya man lang kilala. They said she needed it. But she thought otherwise. Wala pa si...