CHAPTER FOUR
KINAGABIHAN ay kinatok si Shasha ng mama ni Drew sa kanyang kuwarto para maghapunan. Tahimik lamang siyang kumakain, habang panaka-naka namang nag-uusap ang mag-ina tungkol sa farm at negosyo ng mga ito. Narinig niya ring sinabi ng binata na pansamantalang na-postpone ang pakikipag-deal nito sa kaibigang si Lyle dahil nagkaroon daw ang huli ng malaking problema.
“Siyanga pala, hija, paano ang trabaho mo?” untag sa kanya ng ginang.
“Kumuha po ako ng dalawang linggong bakasyon,” tugon niya.
“By the way, Mom, may hindi pa pala kami sinasabi sa inyo ni Shasha,” saad naman ni Drew na nakapagpaangat uli ng tingin niya. Nagtatanong naman ang mga matang bumaling ang mama nito rito.
“We’re getting married,” pahayag ng lalaki.
Hindi niya alam na hindi pa pala nito sinabi sa ginang ang totoong sitwasyon nila. Tiningnan niya ang ina nito na mukhang nagulat talaga sa nalamang balita. Pero maya-maya lamang ay tumayo ito at malapad ang ngiting lumapit sa anak.
“I’m so happy for you, Drew!” niyakap nito ang huli. At bago pa siya makapagprotesta ay niyakap na rin siya nito. “So when is the wedding?” excited nitong tanong. Sabay pa silang nagkatinginan ni Drew sa tanong na iyon.
“Ahh… h-hinihintay pa kasi namin ang parents ko na dumating, Tita,” ngumiti siya rito ng alanganin.
“Yeah. In two weeks’ time ay uuwi ang parents ni Shasha dito sa San Carlos, Mom,” wika naman ng binata.
“Oo nga naman, kailangan rin nating mamanhikan,” masayang turan ng ina nito. Ngumiti na lamang siya rito dahil hindi na niya alam ang sasabihin. Nang tingnan naman niya ang lalaki ay naaaliw na nakatingin lamang ito sa ina. “Kailangan kong ibalita ito sa mga amiga ko!”
“Mom, you’re not going to throw a party for this,” nagbabantang saad ni Drew rito.
Umingos ang ina nito. Muntik na siyang mapangiti kung hindi lang din siya nag-aalala sa nagbabantang pagsasapubliko nito sa plano nila ng binata.
“Why not? Minsan ka lang ikakasal, dapat lang na malaman ng lahat ng kakilala natin 'yon.”
“Eh, Tita, wala pa nga po kasi ang parents ko,” sabad niya.
Hangga’t maaari ay gusto sana niyang i-sekreto muna ang bagay na iyon. Pero kapag nagpa-party ang ginang ay malamang hindi pa sumisikat ang araw, dadagsain na siya ng mga tawag at texts galing sa pamilya niya, lalong-lalo na sa mga pinsan niya. Nakikinita na niya ang sarili na sinasabunutan ni Lace dahil hindi niya sinabi rito ang nangyayari.
“Then, we’ll just throw another one, once they arrived,” pinal na turan nito.
She shifted her gaze at Drew, almost begging to stop her mother from being overjoyed.
“Mom, hindi puwede,” pigil ng binata sa ina nito.
“Bakit ba hindi puwede?” Mukhang anumang oras ay magtatampo na ito kapag patuloy nila itong pigilan.
“Because…” tiningnan muna siya ng binata bago ibinalik ang tingin sa ina. “Shasha’s pregnant.” Sabay pa silang napasinghap ng ina nito sa sinabi ng lalaki. Kung may kinakain lamang siya nang mga oras na iyon ay malamang kung hindi siya nabulunan ay naibuga na niya iyon rito. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng isipin na alibi ay iyon pa ang naisip nito!
“You’re pregnant?” nanlalaki ang mga matang tiningnan siya ni Tita Lucy. Hindi niya alam ang isasagot. She was terrified with the idea that she was pregnant. How could she be if nobody ever touched her since birth?
Nakita niyang napakamot ng sentido si Drew. She glared at him. Lagot talaga ito mamaya sa kanya.
Muli siyang bumaling sa matandang babae at dahan-dahan tumango. At daig pa niya ang binugbog ng kanyang konsensiya nang makitang tila ilang sandali pa ay papatak na ang mga luha nito.
“Tita, bakit po kayo umiiyak?” nag-aalalang tanong niya rito.
“Why shouldn’t I? I’m going to be a granny. Oh, pinasaya ninyo talaga ako ngayon,” naluluhang sambit nito.
Drew cleared his throat that got their attention back. “Kaya Mom, hindi ka puwedeng magdaos ng isang party at i-announce sa lahat ang engagement namin. Isipin niyo na lang ang sasabihin ng ibang tao kay Atasha kapag nalaman nilang buntis na ito bago pa man kami ikasal,” mahinahong paliwanag nito sa ina.
Maya-maya pa ay tumango-tango ang ginang na parang naiintindihan na nito ngayon ang sitwasyon.
“Okay, I understand. Wala ng party na magaganap,” ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. Ginantihan naman niya ito ng nagpapasalamat na ngiti.
“Thank you po, Tita,” puno ng sinseridad na pasasalamat niya.
“Mom. Tutal ikakasal na kayo ni Drew, then you better start calling me mommy also,” her misty eyes filled with joy.
She felt like someone grppied her heart. Probably her conscience. Gawd! How could she lie to this old woman?
“Thank you, M-mommy,” nauutal niyang sabi.
Niyakap siya nito uli ng mahigpit. She was now a certified liar. Hindi na niya alam kung paano itatama ang lahat ng mga kasinungalingang hinabi nila, o kung maitatama pa ba nila ang mga iyon. Hindi na siya magugulat kung balang araw ay nakalimutan na niya kung sino talaga siya dahil natabunan na siya ng sarili niyang mga kasinungalingan.
“BAKIT iyon ang sinabi mo sa mommy mo?” sumbat ni Atasha kay Drew nang mapag-isa na lamang sila. Nauna nang magpaalam ang mommy nito dahil napagod raw ito sa shop kanina. Nasa labas sila ng bahay ng mga ito, nakahalukipkip siyang nakaharap rito habang ito naman ay kaswal na nakasandal sa pader.
“What do you want me to say instead? That she can’t throw a party because you don’t want others to know that you’re getting married?” kunot-noong tanong nito sa kanya.
“Ang dami naman kasing puwedeng idahilan, bakit iyon pa?”
“Marami ba? O, bakit hindi ka agad nakasagot kanina nang tanungin ka ni Mommy?”
Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Ang totoo hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin kanina. Pero hindi talaga niya matanggap ang binigay nitong rason sa ina nito. Siya, buntis? Eh, kulang na nga lang ay tawagin siyang tigang sa tagal na hindi siya nahalikan ng isang lalaki. When was the last time she was kissed by a guy? Three or four years ago? Tapos ngayon, buntis na siya! My gawd!
“It was the best option para pumayag si Mommy. Kita mo nga at hindi na ulit siya nagreklamo pa,” wika nito maya-maya.
Napabuntong-hininga na lamang siya. “It’s just that… lumalaki na masyado ang kasinungalingang ginagawa natin, Drew. Paano kung hindi natin 'to mapanindigan?” nag-aalalang tanong niya.
“Kailangan lang naman natin na i-prove sa parents mo na you are really getting married. After that puwede nating sabihin na naghiwalay tayo. And the baby? Sabihin natin nalaglag ka sa hagdan sa sobrang depresyon dahil iniwan kita at nakunan ka,” nakataas ang labing wika nito.
“Napaka-henyo mo talagang mag-isip,” saskastikong wika niya at inirapan ito.
“Thank you,” his lips quirked up. “Matulog ka na. Maaga ka pang magbubungkal ng lupa bukas,” paalala nito.
“Ewan ko sa'yo. Ang baho mo!” asik niya rito.
“Talaga? Kaya pala inaamoy mo ako kanina,” nakangising tugon nito. Sukat sa sinabi nito kanina ay biglang pumasok ulit sa isip niya ang nangyari. Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha. Mabuti na lamang at medyo rin ang ilaw doon, kundi baka nakita na nito ang pamumula ng pisngi niya.
“Heh! Matutulog na ako!” sabay martsa papasok ng bahay. Narinig niyang tumawa ito. Minsan na nga lang niyang marinig na tumatawa ito, iyon pang kahihiyan naman niya ang pinagtatawanan nito. Bwisit na lalaki iyon!
UNTI-UNTING idinilat ni Atasha ang kanyang mga mata. Kaagad na kumunot ang noo niya nang mapagtantong hindi iyon ang kuwarto niya. She felt the panic inside her chest but eventually it dawned to her that she was now living at Drew’s house. Tumayo na siya at nag-inat. Pumasok siya ng banyo, nagmumog at naghilamos. Nagpalit rin siya ng damit na angkop sa gagawin niyang pagbubungkal ng lupa. She took her earphones and started listening on her MP3.
Lumabas siya ng kuwarto at hinanap si Drew. Nakita niya ito sa kusina na naghahanda ng almusal. Hindi siya marunong magluto, iyon lang yata ang hindi naituro ng mama niya sa kanya. Naaamoy niya ang niluluto nitong tapa. Sa mesa ay naroon naman ang isang plato ng itlog at kanin. Mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil lumingon ito sa gawi niya.
“Good morning,” bati nito.
“Good morning,” ganting bati niya rin dito.
“Umupo ka na. Tatapusin ko lang 'to at kakain na tayo,” wika nito bago hinarap ulit ang niluluto. Habang hinihintay itong makatapos ay sinimulan naman niyang ilibot ang paningin sa nakatalikod na katawan nito.
Napaka-useful mo talaga, Shasha. His hair was quite long, tanned skin; he has broad shoulders, a lean body built, and a yummy butt. Muntik na siyang matawa sa huling naisip pero pinigil niya ang sarili nang humarap na ulit ito sa kanya. Nilagay nito sa mesa ang pinggan ng tapa. Kumuha ito ng isa pang pinggan at nilagyan ng kanin at ulam. Kukuha na rin sana siya ng sa kanya nang ilapag nito ang pinggan sa harap niya. Hindi niya inaasahang pagsisilbihan siya nito. Mula kasi nang makarating siya sa bahay ng mga ito ay hindi pa yata siya napapakitaan nito ng kabutihan. Except when his mother’s around.
“Salamat,” wika niya. Tumango lamang ito at muling nagsalin ng kanin at ulam sa plato para sa sarili nito.
“Saan pala ang mommy mo?” tanong niya rito.
“Maaga siyang umalis. May aasikasuhin daw siyang importante,” sagot nito.
Tahimik na ipinagpatuloy niya ang pagkain pagkatapos ng maikling usapan nilang iyon. Siya na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan nila. Nagpaalam naman itong may kukunin lang sa kuwarto. Pagkatapos maghugas ng mga plato ay umupo muna siya sa sofa na nasa sala. Doon niya ito hinintay. Ilang minuto ang nakakaraan ay nakita niyang bumaba ito. Mamasa-masa pa ang buhok nito kaya sigurado siyang bagong ligo ito.
“Ready?” tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng simpleng tango.
Sabay na silang lumabas ng bahay. Itinuro nito sa kanya ang mga gagawin. Hindi pala ganoon kasimple ang pagbungkal ng lupa at pagtatanim. May mga techniques rin pala kung paano mo itatanim ang isang halaman. Kaya siguro laging namamatay ang mga itinatanim niya dati dahil hindi niya ginagamitan ng tamang paraan sa pagtatanim. O, baka wala lang talaga siyang green thumb na katulad ni Drew.
Nagsimula na siyang magbungkal ng lupa sa gawing gilid ng bakuran nito. Doon daw muna siya magsimula, dahil kung sa farm na raw agad siya nito dadalhin, ay baka mawalan daw ito ng mapagkakakitaan kapag nagkamali siya. Ang kapal talaga ng mukha nito.
Sinunod niya ang sabi nito na huwag daw masyadong malalim ang pagbungkal sa lupa. Dapat daw ay tamang-tama rin ang layo ng mga butas sa isa’t isa. Hindi masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo.
Tutok na tutok na ang atensiyon niya sa pagbubungkal nang may biglang bumagsak sa ulo niya. Napatingala siya at nakita niya ang isang brimmed hat. Napatingin siya sa kamay na may hawak niyon.
“Tumataas na ang araw,” turan ni Drew sabay abot sa kanya ng malamig na bottled water. Bago pa man siya makapagpasalamat ay tumalikod na ito at bumalik sa kaninang puwesto.
Napangiti siya. Another good deed. Alam niyang ito ang nag-utos sa kanya na gawin ang bagay na iyon, but knowing that he also cares for her felt nice. Parang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Inayos niya ang sinuot nitong brimmed hat sa ulo, uminom ng tubig at maganang ipinagpatuloy ang ginagawa.
PASIMPLENG tiningnan ni Drew ang babae sa hindi kalayuan. Kung makikita lamang siya ng mommy niya ay malamang piningot na siya nito sa tainga. Lalo pa at ang alam nito ay ‘buntis’ ang babae. Naalala pa niya nang sinabi ng dalaga na huwag daw niyang hingin ang puri nito, tapos ngayon ay buntis ito. Napangiti siya sa tumatakbo sa isip niya.
He remembered the first time he saw her. Nakatalikod ito sa direksiyon niya kaya inakala niyang si Melody ito.
Inilibot ni Drew ang tingin sa paligid ng park. He was currently waiting for his girlfriend, na obviously ay late na naman sa usapan nila. Last week pa nakaplano ang lakad nilang iyon. They were going to celebrate their second year anniversary together, but he’s starting to have doubts about it. Ang usapan ay uuwi ito sa probinsiya nila, pero nang nakaraang gabing ti-next niya ito ay hindi naman ito nag-reply. Still, he went there, hoping she’d show up.
He let out a sigh. Sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang itong magbago sa kanya. Hindi na rin ito masyadong nagko-communicate sa kanya kagaya ng dati. She would always say that she’s busy with work. Executive manager ito sa isang malaking kompanya sa Maynila. Naiintindihan niya na may sarili rin itong buhay, ngunit nang mapansin niyang halos wala na rin itong ganang makipag-usap sa kanya, doon na siya nagsimulang magduda. Na palagi na lang ay pinagmumulan ng away nilang dalawa. Kapag sinusubukan naman niya itong kausapin kung may problema ba, ang lagi nitong sagot ay wala at pagod lang talaga ito. He loved her so much, even if it already hurts.
Abala siya sa pagtingin sa paligid nang bigla siyang mapatayo. Mula sa 'di-kalayuan ay nakita niya ang pigura ni Melody. Nakatalikod ito sa kanya habang may kinakausap na babae.
Napakunot-noo siya. Inuna pa nito ang pagkausap sa iba kaysa magpakita sa kanya? She was really testing his patience, he thought. Mabilis siyang naglakad sa direksiyon nito. He was torn between missing her and strangling her pretty neck.
He was so caught up with his emotions that he didn’t notice the change in her voice. Nang hawakan niya ang braso ng dalaga at pinaharap sa kanya ay pareho silang natigilang dalawa. The woman wasn’t Melody. Ngayon niya lang din napansin na mas maliit ito kaysa sa nobya niya.
“Do I know you?” kunot ang noong tanong nito sa kanya.
Hindi siya kaagad nakasagot nang makasalubong niya ang singkit na mga mata nito. Her stares were overflowing. Her beauty was mesmerizing.
Naipilig niya ang kanyang ulo. What was he thinking? May girlfriend na siya, at kailanman ay hindi siya tumingin sa iba.
Ngayon lang, dagdag ng isang bahagi ng isip niya.
“I’m sorry. I thought you’re someone I know,” hinging-paumanhin niya rito.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya pagkatapos ay tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso nito. He loosened the grip and let her go. Wala sa loob na tiningnan niya ang kanyang kamay. He could still feel her warm skin on his hand. Darn. He should be worrying where the hell Melody was, not wasting his time with some random girl.
Melody... Bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Sa pagbabalik tanaw niya ay muli na naman niyang naalala ang lahat ng sakit na dulot ng dating nobya sa kanya.
She was his girlfriend for three years. Nililigawan na niya ang babae nasa kolehiyo pa lamang sila. After they graduated, she gave him the most wonderful gift in his whole life. She said, yes. Naging masaya ang pagsasama nila sa mga naunang taon. But she started to change when they reached their two years of relationship. Dati-rati ay umuuwi ito every month sa kanila sa San Carlos para makita lamang siya. But then suddenly, she stopped coming back. Hindi na rin ito masyadong nakikipag-communicate sa kanya, until one day, he totally lost her. Hindi na ito nagtext o tumawag pa. Nagpalit na rin ito ng numero nang minsang tawagan niya ito.
He was devastated, her mother could attest to that. Napabayaan niya ang farm. Gabi-gabi ay alak at beer lamang ang kaharap niya. Hindi niya matanggap kung bakit siya nito iniwan. Hanggang ngayon itinatanong pa rin niya ang sarili kung may pagkukulang ba siya rito para iwan siya nito nang ganoon na lang.
Ayaw na niyang bumangon noon sa pagkakalugmok. Patuloy niyang hinintay ang pagbabalik ng babaeng mahal niya. Patuloy siyang umasa. Ngunit nang aksidenteng makita niya ang mommy niya na umiiyak habang kausap ang larawan ng daddy niya, parang may biglang sumampal sa kanya ng katotohanan. Hindi na babalik pang muli si Melody. And that he was just wasting his time waiting for someone who doesn’t deserve to be waited. Kaya pinilit niyang bumangon. Humingi siya ng paumanhin sa mommy niya na agad naman nitong tinanggap. Tinulungan siya ng mga kaibigan na makabangon ulit. Inasikaso niya ang farm na ipinangako pa niya sa kanyang lolo na hinding-hindi niya pababayaan. That moment of his life, he promised himself, nobody could ever wreck him again. Lalong lalo na ng isang babae lang.
He looked at the woman who was still busy digging the soil few feet away from him. Then suddenly, he felt like a part of him wanted to disobey that promise.
Nah. Hindi maaari.
BINABASA MO ANG
Just Make Believe (Completed)
RomantikDahil sa pagiging manipulative ng parents ni Atasha, she came up with something that's unnecessary. Gusto ng mga magulang niya na ipakasal siya sa isang taong hindi niya man lang kilala. They said she needed it. But she thought otherwise. Wala pa si...