Chapter 5

9.4K 126 7
                                    

CHAPTER FIVE
DALA ng pagkaburyong ay pinili ni Atasha na magbasa ng libro habang komportableng nakahilata sa sofa sa sala. Buti na lang at may nabitbit siyang mga paborito niyang pocketbook sa bahay nila Drew, kung hindi ay baka nagmamaasim na rin siya katulad nito. Kaya siguro masyadong suplado at uptight ito dahil sa sobrang boring ng mga ginagawa nito sa buhay.
She shrugged her shoulders off and continued reading her favorite novel. Nasa kasagsagan na siya ng pagbabasa, at kasalukuyang kinikilig sa binabasang eksena nang mapansing may dumaan sa gilid niya. Hindi niya iyon pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
But then, someone broke the silence inside the house. Her brows furrowed when she saw Drew standing in front of her. Nakahalukipkip ito habang nakatunghay sa kanya.
“What are you doing?” kunot-noong tanong nito.
“Reading,” bale-walang sagot niya.
“I can obviously see that,” anito.
“Eh, bakit ka pa nagtatanong?” sarksatikong turan niya. Sira-ulo ba ito? Alam naman pala nito na nagbabasa siya tapos magtatanong pa. Kailangan pa nitong istorbohin ang pagbabasa niya. Kung kailan naman enjoy na enjoy na siya sa scene na binabasa niya.
“You’re here to work, remember?” his brow arched.
“Naman! Ilang araw na akong nagbubungkal ng lupa. Iyong maid nga may day-off at nakakapag-date, tapos ako, kaunting pagbabasa lang, bawal pa?” nandidilat na tugon niya.
“Ano ba 'yang binabasa mo?”
Napangiti siya. Pinakita niya rito ang cover ng binabasa niyang pocketbook at binasa naman nito ang title niyon. She almost giggled while imagining the sweet scenes in the book. Kung sana lang ay ganoon rin ang nangyayari sa totoong buhay. Napakahirap na talagang makakita ng lalaki na matino at wagas kung magmahal. Palibhasa, puro na lang kalaswaan ang alam ng mga ito. Men preferred women with big boobs rather than big brains. Pababa ng pababa ang standards ng mga kalalakihan.
“Ano naman ang makukuha mo d'yan? It’s a fiction, which means it will never come true,” pagkuwa’y sambit nito.
She glared at him. Panira talaga ito kahit kailan. “Iyon na nga, eh. Ang hirap hanapin ng happy ending sa realidad, kaya sa libro na lang ako kumakapit.”
“That’s absurd,” napapailing na saad nito.
Bigla siyang naasar rito. Ano ba ang pakialam nito kung magbasa siya ng ilang dosenang libro? Hindi naman niya pinapakialaman ang mga trip nito sa buhay. Ginagawa naman niya ang kayang trabaho sa farm nito. She wanted to tell him to keep his nose away from her. Kung hindi lang niya iniisip na baka iyon ang maging mitsa ng buhay niya.
“Trip ko 'to. Gawin mo ang trip mo at hayaan mo akong magpaka-absurd dito,” nakasimangot na turan niya.
“You’re here in my house. I can’t just let you do anything you want,” matigas na wika nito.
Doon na naputol ang pisi ng pasensiya niya. “Yes. I’m here because you want me to be here. Dahil gusto mo akong alilain. I know we had a deal. At ginagawa ko naman ang dapat kong gawin. Ginagawa ko naman halos lahat ng gusto mo. Pero kung ganitong pati pagpapahinga ko ay ipagdadamot mo, hell, I’m backing out!” naaasar na sambit niya at saka bumangon pagkatapos ay tinalikuran ito. Dere-deretso siya sa kanyang kuwarto. Bahala ito kung magagalit man ito sa kanya. Wala talaga itong magandang-asal. Ano ba naman iyong hayaan siyang magpahinga kahit saglit lang? Mabuti sana kung sinusuway niya ito. Buwisit!
NANLALATANG umupo si Shasha sa sofa sa sala. Katatapos niya lang sa pagtatanim at hindi niya akalain na ganoon pala iyon kahirap at nakakapagod. Ilang araw na niyang ginagawa iyon ngunti tila hindi pa rin sanay ang katawan niya sa ganoong gawain. Mabuti na lang at hindi niya pinangarap na maging katulad ng binata. And speaking of that guy, ang pesteng Andrew na iyon ay hindi man lang siya tinulungan sa buong durasyon ng pagbubungkal niya ng lupa! Noong una ay nagdududa pa lang siya na baka may galit talaga ito sa kanya, ngunit nitong huli na ay sigurado na siya. Walang-duda, malaki talaga ang galit nito sa kanya. Siguro ay iniisip pa rin nito ang ginawa niya sa palengke na paninira sa mga pananim nito. Idagdag pa ang pagsagot-sagot niya rito kahapon.
“Suko na?” nang-aasar na tanong ni Drew sa kanya nang madaanan siya nito.
“Puwede na bang sumuko?” balik-tanong niya rito.
“Hindi.”
Pinigil na lamang niya ang sariling sumagot dito. Alam niyang sinasadya nito na asarin siya kaya hindi niya ito pagbibigyan. Pagkatapos ng sagutan nila kahapon ay hindi na niya ito pinansin pa. Hindi niya alam kung napansin iyon ng mommy nito at nanatili lamang na tahimik. Wala na siyang pakialam. Kanina nga habang siya ay nagbubuwis buhay sa pagtatanim ng mga alaga nito ay prente lamang itong nagmamasid sa kanya. Kung makautos rin ito at maka-reklamo sa kanya ay daig pa niya ang may tinatanggap na suweldo kada-buwan!
“Hey, guys,” bati sa kanila ng ina nito na kararating lang galing sa shop. Humalik sila rito nang tuluyan itong lumapit. “O, hija, bakit parang pawis na pawis ka?” nagtatakang tanong nito sa kanya. Sa ilang araw na pagbubungkal ng lupa ay ngayon lamang siya nito naabutan na ganoon ang hitsura. Malamang ay daig pa niya ang ni-rape ng sampung herodes sa sobrang harassed ng mukha niya.
Inalila po kasi ako ng walang-hiyang anak niyo. Gusto niya sanang sabihin pero hindi naman niya ginawa.
“Sinubukan niya kasing magtanim, Mom,” maagap na sagot rito ni Drew.
“What? Hinayaan mo siyang magtanim at magbilad sa araw? Ano ka ba naman, Andrew!” sita nito sa anak. Pasimple niyang binelatan ang lalaki na ikinakunot naman ng noo nito.
“What can I do, Mom? She insisted. She said, she always wanted to be a farmer since she was a kid,” nakangising saad naman ng binata. Muntik na siyang mapanganga nang marinig niya iyon. Talagang sinusubukan nito ang pasensiya niya. At mukhang bumenta naman ang palusot nito sa ina dahil nakita niyang tumango ang ginang. Ang galing talagang lumusot ng kumag.
“Oh, okay. Pero, hija, huwag ka masyadong magpapagod. Baka mapano kayo ng baby mo,” baling nito sa kanya.
Gusto niyang mapangiwi sa sinabi ng ina nito ngunit pinili na lamang niyang tumango  para hindi na humaba pa ang usapan nila tungkol sa ‘baby’ niya.
“Siyanga pala, bakit hindi ka na lang doon matulog sa kuwarto ni Drew, Shasha? Tutal naman ay ikakasal na kayo tapos magkakaroon na rin kayo ng baby”, bigla ay suhestiyo ng ginang sa kanya.
Napamulagat siya sa sobrang gulat. “P-po? Naku, okay lang M-mommy. Komportable naman po ako sa guest room,” she almost fainted with the thought. Magse-share sila ng kuwarto ni Drew? No way! Mga pinsan pa lamang niya ang nakasama niyang matulog sa iisang kuwarto, at wala rin siyang balak na makasama ito. Ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak niya kapag nalaman ng mga ito na tumabi siya sa isang lalaki na hindi naman niya kaano-ano? At paano kung gawan siya ng masama ng binata habang natutulog siya?
Asa ka pa, Sha. He was so clear about that matter, remember? patuyang turan ng isip niya.
Ah, kahit na ba sinabi nito na hindi siya nito hahawakan o gagalawin. Lalaki pa rin ito at wala siyang tiwala sa mga lalaking kagaya ni Andrew Mercado.
“Mas magiging komportable ka sa kuwarto niya,” pamimilit pa rin ng matandang babae.
“Mom, huwag niyo na pong pilitin si Shasha,” sabad naman ng binata.
“But I insist, Andrew. Paano na lang kung biglang may kailangan si Shasha sa hating-gabi? Mas mabuti nang nandoon ka sa tabi niya para pagsilbihan siya. Pack her things and transfer it to your room later,” mariing utos nito bago pa man sila makapagreklamo.
She let out an exasperated sigh. This is going to be disastrous.
Nakasimangot na tiningnan niya ang lalaki. “Sa sahig ka matutulog!” nandidilat na asik niya rito bago pumasok sa sariling kuwarto. Nagparoo’t parito siya pagkapasok niya sa sariling silid. Handa na ba siyang matulog sa kuwarto kasama ang binata? Paano kung may gawin itong masama sa kanya? Naalala na naman niya ang pangako nitong hindi siya gagalawin nito kailanman. Sigurado na siya ngayon na hindi nga siya nito pagsasamantalahan. Pero paano naman, kung siya ang matuksong pagsamantalahan ito? Kaya niya kayang pigilan ang sarili niya? Mukhang kailangan na niyang simulang ipunin ang lahat ng self-control niya!
KATULAD nga ng utos ng mommy ni Drew, hinakot nito ang mga gamit niya sa guest room at inilipat sa kuwarto nito pagkatapos nilang maghapunan. Unang beses niyang makapasok sa kuwarto ng binata. Mas malaki iyon kumpara sa guest room na pinagpahingahan niya nang nakalipas na araw. Halatang lalaki ang may-ari niyon dahil sa pagkakadisenyo at kulay. Kung may napansin man siya sa bahay na iyon ay mahilig ang may-ari sa mga bintana. Katulad ng nasa kuwarto niya, ay may mas malaking bintana sa silid ng binata. Tiyak niya na makikita mula lagi roon ang paglubog ng araw.
“Mauna ka ng maligo kung gusto mo. Nasa isang cabinet ang mga tuwalya,” narinig niyang turan ni Drew. Mula pa kanina ay hindi niya pinapansin ito. Tahimik lamang siyang kumuha ng mga damit at tuwalya pagkatapos ay pumasok na ng banyo.
Habang naliligo ay naiisip niya ang set-up nila. Pumayag na ito kanina na sa sahig matulog basta raw huwag siyang mangialam ng mga gamit nito sa loob ng silid. Ano naman kaya ang gagawin niya sa mga gamit nito? Ibebenta sa palengke? As if naman mapapakinabangan niya ang mga iyon.
Ilang araw na siya sa bahay na iyon at kasa-kasama ito pero wala pa rin yata siyang alam tungkol sa binata. Well, except from the fact that he was a legendary monster. Hindi niya naman makuhang magtanong dito dahil lagi na lang itong nagsusungit na nauuwi lagi sa bangayan nila. Daig pa nila ang aso’t pusa sa dalas ng pagsasagutan nila. She could just imagine their marriage life. Siguradong basag lahat ng gamit nila sa bahay kapag ito ang mapapangasawa niya. Shucks! Nais niyang kilabutan sa kanyang naisip.
Lumabas siya ng banyo na nakabihis. Nakahanda na siyang humiga nang makita niya namang pumasok ng banyo ang lalaki. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na ito. Nakasando lamang ito at pajamas. Amoy na amoy pa niya ang sabong gamit nito na ginamit rin niya. Pasimple niyang inamoy ang sarili. Bakit ganoon? Parang mas mabango iyong amoy nito kaysa sa kanya? 'Yan pala ang feeling ng kinikilabutan, Sha? Her inner goddess was mocking her.
“Which do you prefer? Lights on or off?” maya-maya ay tanong nito sa kanya.
“Off,” matipid niyang sagot.
Pagkatapos nitong patayin ang ilaw ay naramdaman niyang pumuwesto na rin ito sa comforter na inilatag nito sa sahig. May ilang minuto na rin yata siyang pabiling-biling pero hindi pa rin siya makatulog. Mukhang hindi siya sanay sa kuwartong iyon, o baka naman sa presensiya ng lalaking nakahiga sa sahig hindi siya sanay.
Hindi na yata niya mabilang ang pabiling-biling niya sa kama nang marinig niya itong magsalita.
“Will you stop that?” asik nito.
Natigil siya sa ginagawa. “Hindi ako makatulog, eh,” nakaingos na sagot niya.
Wala na siyang narinig na sagot mula rito. Maya-maya pa ay tahimik na ulit silang dalawa. Pinigilan na lamang niya ang sariling bumiling ulit. Mukhang hanggang umaga siyang dilat nito samantalang ang kasama niya ay mahimbing ng natutulog.
“Hindi ka pa rin makatulog?” bahagya siyang napapitlag nang magsalita ulit si Drew. Akala niya ay kanina pa ito sleeping beauty.
“Hindi, eh,” tugon niya.
“Magkuwento ka na lang kung ganoon. Hindi rin ako makatulog, eh,” anito.
“Ano naman ang ikukuwento ko?”
“Cinderella’s story, kung gusto mo.” He sounded sarcastic but it made her smile. Wala namang nakakatuwa sa sagot nito, pero tila biglang naglaho ang lahat ng pagkaasar niya rito.
Napalatak siya. “Hindi ko alam na mahilig ka pala sa story ni Cinderella,” tukso niya rito.
“Gusto ko rin 'yong kay Rapunzel,” sambit nito na nagpatawa sa kanya ng tuluyan.
“Inggit ka sa buhok niya, 'no?” patuloy niyang tukso rito.
“Oo. Parang shinampoo lang sa lambot.” Kung anu-ano pang kalokohan ang mga pinag-usapan nilang dalawa. Tawa lamang siya ng tawa dito. Hindi niya akalain na may itinatago rin pala itong kakulitan sa katawan. Bigla na naman silang natahimik na dalawa pagkaraan ng ilang sandali.
“Drew, tulog ka na?” tanong niya dito.
“Oo,” muli siyang napangiti sa sagot nito.
“Puwedeng magtanong?”
“Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na 'yan, Atasha Belle?”
Binato niya ito ng isang unan sa pang-aasar nito sa kanya. The man chuckled. She liked the sound of his laughter. Dapat talaga ay tumatawa ito ng madalas para hindi siya nito pag-initan palagi. She wondered who took those smiles and laughters from him. Was it Melody? Ano kaya ang ginawa ng babaeng iyon at ganoon na lang kaasim ang mukha nito lagi? Hindi pa naman yata huli ang lahat para dito. If Melody took everything from him, then she would share her smiles and laughter for him.
Nakanaks naman, Shasha! Saan nanggaling iyon? Kung magsalita siya ay parang natututunan na niyang magustuhan ito.
“Ano na 'yong tanong mo?” untag nito sa kanya.
“Huwag na lang. Pang-asar ka, eh” ingos niya rito.
“Dali na, habang hindi pa ako inaantok,” anito.
“I’ve heard from Jester that your father died when you were just fifteen...” her voice trailed off. Hindi niya alam kung dapat ba niyang buksan ang paksang iyon. Baka kasi pagmulan na naman iyon ng away nilang dalawa. Seriously, napapagod na siyang makipag-argumento rito araw-araw. It’s not the life she wished for, but since it already happened, she thought she just might have to enjoy it.
“It’s not even a question,” he said.
She cleared her throat. “What happened after he left you and your mom?”
Pigil niya ang kanyang hininga habang hinihintay ang sagot nito ngunit ilang sandali na ay wala siyang narinig. She was close to giving up and aplogizing for the intrusion when he decided to speak.
“When Dad died we almost didn’t make it. Naalala ko nasa school pa ako noong araw na iyon nang biglang pumasok ang isang teacher ko. She said she had urgent news for me. Nang mga sandaling sinasabi niya ang nangyari kay Daddy, para lamang akong tuod na nakatingin sa kanya. I didn’t cry even how much I wanted to. Isa lamang ang naiisip ko nang mga oras na iyon. Si Mommy. She was so devastated when she heard the news. Alam ko kung gaano niya kamahal si Daddy. Pero kailanman ay hindi ito nagpatalo sa lungkot at alam ko kung bakit. Dahil alam niyang mas kailangan ko siya. That’s why I did everything to lessen the burden. Kung alam ko namang makakaya ko ang problemang pinagdadaanan ko, hindi ako agad lumalapit sa kanya. My Mom is a strong woman but she needs to be protected also. And I’m the only person that’s able to do that. Mula noon, naging sandalan na namin ang isa’t isa,” mahabang kuwento nito sa kanya. She could sense the sadness in his voice. Parang gusto niya tuloy na bumaba sa kama at yakapin ito. Hindi niya alam na ganoon pala kahirap ang mga pinagdaanan nito. Kaya siguro masyado itong uptight dahil sa malaking responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito.
“I... I’m so proud of you, Drew,” she croaked.
Salit itong natahimik. “Thank you,” tugon nito. “Matulog ka na, Sha. Maaga ka pa bukas,” he dismissed her. Pero ayos lang iyon para sa kanya. She had learned more than enough that night. Tama na iyong nagkuwento ito sa kanya tungkol sa buhay nito.
“Okay. Goodnight, Drew,” aniya.
“Goodnight, Atasha Belle.”
Napangiti siya sa paraan ng pagkakasabi nito ng pangalan niya. Pakiramdam niya ay napaka-espesyal niyon.
Ngayon ay mas naiintindihan na niya ito. He had lived a life that almost no one could survive. Kung ibang bata iyon ay malamang na nag-rebelde na, ngunit hindi basta-bastang bata lamang ang isang Andrew Mercado. He was tough enough to face his own trials.
Sana ang susunod na ikukuwento nito ay tungkol naman kay Melody. Ano ba talaga ang nangyari sa mga ito? Ano ba talaga ang ginawa ng babaeng iyon kay Drew para maging malungkutin ang huli? Mahal pa kaya ito ni Drew hanggang ngayon?
Parang may biglang kumurot sa puso niya sa isiping iyon. Hindi nababagay para sa binata ang isang babaeng mananakit lamang sa damdamin nito. He deserved to be loved. He deserved someone better.  Someone like whom, Atasha? Someone like you?
She shook her head inwardly. Love? Masyadong maaga pa para sa bagay na iyon. Ngayon pa lang niya ito nakikilala ng lubusan para sabihing mahal na kaagad niya ito. She was just fascinated by him because of the things he told her. Humahanga siya sa katatagan nito sa buhay. Hindi araw-araw na nakakatagpo siya ng tao na kasing-tibay nito. But to say that she’s in love with him already? The idea was just too absurd to think about.
“Sha...” pagkuwa’y paanas na tawag nito sa pangalan niya.
She smiled in the midst of darkness. “Hmm?”
“'Sorry about yesterday,” anito.
Nagulat siya. Hindi niya inaasahang hihingi ito ng paumanhin sa ginawa nito. In fact, she already forgot what he had done.
“Ayos lang. Ayoko lang talagang naiistorbo kapag kinikilig na ako sa binabasa ko,” magaang tugon niya rito.
He chuckled. Oh, how she loved hearing his laughter. “Matulog ka na. Good night, Sha.”
“Good night, Andrew.”
KINAUMAGAHAN, hindi pa man tumitilaok ang mga manok ay gising na si
Atasha. Mukhang naninibago pa rin siya sa kanyang kuwarto kaya hindi siya masyadong nakatulog.
She sat up on Drew’s bed. Nang maalala ang binata ay bumaling siya sa direksiyon kung saan ito nakapuwesto. Mahimbing pa rin itong natutulog hanggang nang mga sandaling iyon. Looking at him right now, napakalayo nito sa lalaking nakaharap niya sa mga nakalipas na araw. He looked so vulnerable during his sleep.
Nagawi ang kanyang tingin sa katabi niyang bedside table. There were stacks of books on it. Nang abutin niya ang isang libro ay hindi niya napigilang mapangiti. May nakadikit kasing maliit na note doon.
"I may not understand why you read these kind of books, but I hope you enjoy my peace offering gift. - Drew"
Hindi niya mapigilang kiligin sa ginawa nito. Nakangiti pa ring inisa-isang tingnan niya ang mga libro na binigay nito. All of it were romance novels from her favorite author. Mukhang napansin kaagad nito ang librong binabasa niya kahapon.
Padapang humiga siya sa kama habang nakatunghay sa guwapong mukha nito. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinaplos niya ang mukha nito?
Napangisi siya sa naisip na kalokohan. Using her index finger, she traced the corner of his face. His brow and the contour of his aristocratic nose. Napatigil siya nang makita ang mamula-mulang mga labi nito. Siguradong hindi kailanman nasayaran ng kahit na kaunting nicotine ang mga labi ni Drew. Ang sabi kasi ng iba, maitim raw ang mga bibig ng mga taong naninigarilyo.
“Alam mo, guwapo ka sana, eh. Kung hindi ka lang ubod ng suplado. You’re a tease in my patience, Andrew Mercado,” pabulong na sambit niya sa nahihimbing na binata.
Bahagyang gumalaw ang mga labi nito at napalunok siya. His lips were so enticing; she was tempted to kiss it.
Ngunit bago pa man niya magawa ang masamang binabalak niya ay unti-unti itong nagmulat ng mga mata. His sleepy eyes looked directly ar her. Mabilis na binawi niya ang kanyang kamay at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Syemay! Nahuli kaya niya ako?
“'Morning,” she heard his husky voice. Pati boses nito ay sexy sa pandinig niya. Isinubsob niya lalo ang kanyang mukha sa matress. Ano ba naman, Atasha Belle? Ang aga-aga, kamunduhan na ang naiisip mo!
“'M-morning,” atubiling tugon niya.
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang bumangon ito at iniligpit ang comforter na ginamit nito. Hindi siya makatingin ng deretso rito sa takot na baka nahuli siya nito na hinahaplos ang mukha nito kanina. Kung anu-ano kasing hangin ang pumasok sa utak niya at talagang naisipan pa niyang pagnasaan ito habang mahimbing na natutulog.
“Bumangon ka na d'yan. Magluluto ako ng almusal,” wika nito bago tinungo ang pinto. Nag-angat siya ng tingin at nakitang papalabas na ito. Naka-sando ito at pajamas, pero daig pa nito ang hubo’t hubad sa sobrang seksi. Umiwas siya ng tingin nang huminto ito at tumingin sa direksyon niya.
When she gazed up at him, he was already smiling seductively. “I didn’t know I’m being a tease to you. Don’t worry, I’ll behave from now on,” he grinned widely before leaving the room. Naiwan siyang nakanganga sa kawalan ng masabi. Anak ng syokoy! Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Oh, bed, please swallow me now!

Just Make Believe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon