Chapter 6

8.4K 114 0
                                    

CHAPTER SIX
ISANG linggo na rin si Atasha sa bahay ng mga Mercado at habang lumilipas ang mga araw ay mas nagkakalapit silang lalo ng mommy ni Drew. Heto nga at magkasama na naman sila ngayon. Sinama siya nito sa shop para naman raw hindi puro pagmumukha ng binata ang makita niya.
Aaminin niyang mas gusto niya ngayon ang relasyon nila ni Drew. Hindi na siya nito sinusungitan katulad ng dati. Seryoso pa rin naman ito, pero paminsan-minsan ay nagbibitiw na rin ito ng mga simpleng biro.
“Kapag nagpakasal na kayo, hindi mo na poproblemahin pa ang make-up artist, hija. Ako na mismo ang magpapaganda sa’yo,” turan ng mommy nito sa kanya na ikinangit niya.
“Magiging magkasing-ganda pala tayo nito, Mommy. Hala! Baka ikaw pa ang mapagkamalang bride niyan,” nakangising biro niya rito.
The old lady laughed. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako masyadong magpapaganda para sa'yo,” pagsakay naman nito.
Nagkatawanan silang dalawa. Habang tumatagal ay nakakasanayan na niya ang pagtawag dito ng mommy. Hindi na rin siya naaasiwa kapag napag-uusapan nila ang tungkol sa kasalan na magaganap, pati na rin ang pagbubuntis niya. Naisip niya tuloy, paano kung malaman nito na hindi pala totoo ang lahat ng iyon? Posibleng kamuhian siya nito. Sometimes, she couldn’t stop herself from thinking all the possible things that would happen once they figured out her secret. Nangangamba siya sa magiging reaksiyon ng ina ni Drew. Naging napakabuti nito sa kanya para lamang lokohin niya ito.
Tapos nariyan pa ang problema niya sa kanyang mga magulang. Sa isang linggo na uuwi ang mga ito sa Pilipinas. Noong nakaraang araw lang ay tumawag na naman ang mga ito sa kanya. Noong una ay ayaw pa rin ng Papa niya na maniwala na magpapakasal na siya pero nang kausapin ito mismo ni Drew ay hindi na rin ito nagreklamo pa. Magkita na lamang raw sila sa susunod na linggo. Napabuntong hininga siya. Sana lang ay maging maayos ang kalalabasan ng lahat ng sinimulan niya.
“Okay ka lang ba, hija?” nag-aalalang mukha ni Mommy Lucy ang bumungad sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti at itago ang pagkabahala sa kanyang mukha. “Okay lang po ako. Medyo nahihilo lang po,” pagdadahilan niya.
“Naku, umupo ka na muna. Teka, at tatawagan ko si Drew na sunduin ka. Mukhang maselan pa yata ang pagbubuntis mo,” nag-aalala pa rin nitong turan. Hinayaan na lamang niya itong tawagan ang lalaki. Medyo masama rin talaga ang pakiramdam niya ng araw na iyon. Mukhang papalapit na ang araw ng dalaw niya.
PAGKARAAN ng ilang minuto ay nakita niyang lakad-takbong lumapit sa kanila si Drew. Nakita pa niya kung paano ito tingnan ng mga kadalagahan sa iba’t ibang stalls. Pati nga mga customer ng mommy nito ay napapalingon rito. Hindi na rin naman nakakagulat pa iyon. Sa gandang lalaki nito, kahit na magsuot ito ng sako ay mahuhumaling pa ring ang mga babae rito. He was just too gorgeous to be ignored.
“Are you okay?” worried na tanong nito sa kanya.
“Yeah, nahilo lang ako kanina,” wika niya habang pinipilit na ngumiti.
“Iuwi mo na lang si Atasha, Drew. Pagpahingahin mo sa bahay,” anang ina nito.
“Let’s go,” inalalayan siya nitong makatayo pagkatapos ay nagpaalam sa ina nito. Ganoon rin ang ginawa niya. Habang papalabas ito sila ng mall ay binalingan siya nito.“What happened?” agad na usisa nito.
“Mukhang paparating na ang dalaw ko,” nakangiwing saad niya rito.
“Dalaw?” kunot-noong tanong nito.
Bahagya siyang lumapit rito at bumulong. “Monthly period,”
“Oh,” tanging nasambit nito na muntik na niyang ikatawa. Para itong tanga kung maka-react sa sinabi niya. Lumapit rin ito sa kanya at gumanti ng bulong. “Kailangan na ba nating bumili ng, ‘you know’?”
Hindi na niya napigilang tumawa. Hinampas niya ito sa braso. “Para kang baliw!” natatawa pa ring wika niya.
“Nagtatanong lang naman, eh,” parang batang nagkamot ito ng ulo.
“Hindi pa naman yata siya darating kaya sa susunod na lang tayo bumili ng ‘you know’ na sinasabi mo,” kantiyaw niya rito.
“Okay. Sabi mo, eh” nakangiti naman nitong turan sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. They were holding hands while walking towards the exit. Naalala pa niya dati, ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya ng mga naging boyfriends niya sa kamay. She felt awkward. But with Drew, it felt right. It’s as if her hands were made perfectly to be fitted by his.
Malawak na nakangiti siya habang naglalakad. Hindi na lamang niya pinansin ang mga matang nakasubaybay sa kanila. Siguro ay iniisip ng mga ito na napakasuwerte niyang babae para magkaroon ng kasingguwapo nitong fiancé. She suddenly felt proud of herself.
Naglalakad na sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Drew nang may marinig silang tumatawag sa pangalan ng huli. She turned around and she saw a woman, probably with the same height like hers, looking straight to Drew. Hinintay niyang magsalita ang kasama niya, pero wala naman itong sinabi.Then she felt Drew stiffened. Napalingon siya rito.
“Melody...” sambit nito sa pangalan ng babae.
Lumingon ulit siya sa babaeng humabol sa kanila. So, ito pala si Melody. The woman who broke Drew’s heart. Unconsciously, she gripped his hand as tight as she could. Tila doon siya humuhugot ng lakas para manatiling makatayo. It was her way of telling him not to get closer with her.
Niyuko siya ng binata. She met his gaze. Mukhang napansin nito ang pagkabahala sa mukha niya dahil naramdaman niya ang masuyong pagpisil nito sa mga kamay niya. Like he was reassuring her that everything would be alright.
With a deep sigh, she let go of his hand. Tiningnan niyang muli ang babaeng nakatayo sa kanila sa 'di-kalayuan. She almost glared and told her to back off, but she took all her might to calm down. Wala siyang karapatang gawin iyon. Sad but true.
HINDI inaasahan ni Drew na makikita pa niyang muli si Melody. Dalawang taon na rin kasi niyang hindi nakikita ito. Out of courtesy ay inanyayahan niya itong magkape. Marami itong kuwento tungkol sa sarili, kung anu-anong mga adventures ang ginawa nito. She kept on acting like she didn’t drop him like a hot potato few years ago. Parang hindi rin nito alintana na kasama niya ang fiancée niya.
And speaking of his fiancée, kanina pa niya napapansin na tahimik lang sa isang sulok si Atasha. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Ipinakilala niya si Melody rito kanina bilang kaibigan but the woman introduced herself as his previous girlfriend. Nakita niyang tumango lamang kanina ang dalaga. After that, she had been quiet the whole time.
“Hey, are you okay?” tanong niya rito nang mapansing hindi nito ginagalaw ang in-order na pagkain.
“Yeah,” sagot nito at ngumiti. Ngunit hindi man lang umabot iyon sa mga mata nito.
Nakaramdam siya ng pagkabahala. Maybe she’s not feeling well. Ang sabi nito kanina ay nahilo na lang ito bigla. She should get some rest. Pero ayaw naman niyang paunahin ito sa pag-uwi. Baka mamaya ay kung ano ang mangyari rito sa daan. He won’t take any chances.
“So, you’re getting married,” agaw ni Melody sa pansin niya.
Bumaling siya rito. Walang masyadong nagbago sa babae ngunit hindi na ito ganoon kaganda sa paningin niya. Tila biglang nag-iba ang taste niya sa babae. At some point in his life, he used to worship her beauty. But everything changed all of a sudden.
He turned to the woman beside her and he immediately smiled when she looked at him also. Beautiful.
“Yes. I’m finally getting married,” he answered without even breaking the eye contact between him and Atasha. Then he saw her smiled again. The same smile that could make his heart flutter like it’s in chaos. Mukhang delikado na ang pangakong binitiwan niya ilang taon na ang nakararaan. But what made him confuse was the fact that it didn’t bother him a bit this time.
Nakarinig siya ng malakas na tikhim na nakapagpalingon sa kanya. May kasama pa pala sila, muntik pa niyang makalimutan.
“So, kailan ang wedding?” interesadong tanong ng kaharap niya.
“Hindi pa namin napag-uusapan. Hinihintay pa kasi namin ang parents ni Shasha na dumating next week,” sagot naman niya.
“Oh. Just make sure to invite me,” nakangiting turan ni Melody.
“Sure.” Kung makasagot siya ay parang siguradong-sigurado siyang may kasal nga na mangyayari. Kung magkataong mayroon man, he wouldn’t mind inviting his ex-girlfriend.
“Okay, then. Mauuna na ako sa inyo. Marami pa kasi akong pupuntahan. It was nice meeting you again, Drew. Sana ay makapag-usap tayo ulit,” makahulugang sabi nito.
“Sige,” bale-walang sabi niya at marahang tumango. Sinundan niya ito ng tingin hanggang makalabas ito ng tuluyan sa coffee shop. Gusto niya rin namang makausap si Melody. Marami rin siyang mga katanungang ito lamang ang makakasagot, but aside from that, wala na silang dapat pang pag-usapan. Their relationship ended when she abandoned him. He had waited for her but she didn’t come back. Now that he had finally moved on, he would never go back to that pathetic Drew he left few years ago. Napabuga siya ng hangin sa naisip.
“Buti naman at humihinga ka pa pala,” napalingon siya nang magsalita ang dalagang katabi niya.
“Of course. Hindi pa ako puwedeng mamatay. Magpapakasal pa tayo, 'di ba?” pabirong sambit niya.
Namula ang mga pisngi nito. Oh, how he loved seeing her blush like that.
“Tse! Halika na nga,” asik nito sa kanya na ikinatawa lamang niya. Kung may babae man siyang sunod na mamahalin, hindi na si Melody iyon. It would definitely the woman he’s with at this very moment.
DALAWANG araw ng namimilipit sa sakit ng puson si Atasha. Mukhang nagkamali siya ng kalkula sa pagdating ng bisita niya. Kinagabihan kasi nang araw na makita nila si Melody ay dumating rin ang dalaw niya. Napasugod tuloy si Drew sa grocery kahit gabi na. Hindi kasi ito puwedeng bumili ng sanitary napkins sa mga tindahan roon at baka mabuko sila. Buti na lang at may naabutan pa itong bukas na mini-store.
Hindi siya halos makatayo nang araw na iyon. Ganoon siya lagi kapag dumarating ang monthly period niya, kaya lagi siyang uma-absent kapag natataong may trabaho siya.
“Bakit ba kasi ayaw mong uminom ng gamot?” naiiritang tanong ni Drew sa kanya. Kanina pa siya nito pinipilit na uminom ng gamot pero ayaw nga niya. Hindi niya nakasanayan na dumepende sa gamot, kaya kahit sobrang sakit ay tinitiis niya.
“I’m okay,” pinilit niyang ngumiti rito para hindi ito masyadong mag-alala.
“Okay? Namumutla ka na, paano kang magiging okay?” nandidilat na saad nito. “Please, uminom ka na ng gamot, babe. Kahit ngayon lang,” pakiusap nito sa kanya. Habang tinitingnan niya ito nang mga sandaling iyon, napansin niyang tila ito pa ang hirap na hirap sa sitwasyon niya. Napansin niya rin na tatlong pack ng sanitary napkins ang binili nito. Ang paliwanag nito ay hindi raw nito alam kung ano ang kukunin kaya dumampot na lamang ito ng kahit na ano. Dumaan din ito ng pharmacy kahit na hindi niya sinabing bumili ito ng gamot. She could just imagine how rattled and confused he must be while buying those stuff. It made her smile and her heart swelled with his gesture. Hindi niya tuloy maiwasang umasa na may espesyal din itong nararamdaman sa kanya sa mga ginagawi nito. Idagdag pa na para na rin itong na-rape ng ilang babae sa sobrang stressed ng anyo nito habang nakatunghay sa kanya kaya sa huli ay pinagbigyan na lamang niya ang hiling nito na uminom ng gamot. Mukhang hindi na rin naman niya kakayaning tiisin pa ang dysmenorrhea niya.
Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng antok dala siguro ng sakit at pagod. She closed her eyes and let herself dozed off to sleep.
Nang magising siya ay tanghali na. Lumabas siya ng kuwarto at hinanap si Drew ngunit hindi niya ito makita. Noon naman niya narinig na may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon at ang nakangiting mukha ng pinsan niyang si Jester ang bumungad sa kanya. Bigla niya itong niyakap na ginantihan naman nito ng mas mahigpit. Namiss niya ang pinsan niyang iyon.
“Kumusta ka na?” tanong nito sa kanya nang maghiwalay sila. Hindi niya akalain na sa loob ng one week na hindi niya nakita kahit anino ng mga ito ay mamimiss niya ang mga ito ng sobra. Lalo na si Lace. Kumusta na kaya ang babaeng iyon? Ang huling balita niya ay ini-immune ito ni Tita Vernie ng isda sa umaga, tanghali at gabi.
“Okay lang. Ikaw? Kayo? Ikakasal na ba kayo ni Yuki?” sunud-sunod na tanong niya rito.
Natatawang ginulo nito ang buhok niya. “Tsismosa ka pa rin. Okay lang kami. Hinahanap ka na ni Lace pero sabi ko sa kanya sa susunod na linggo ka pa uuwi galing sa Mars. Hinahanapan mo pa 'kako siya ng mapapangasawang alien,” natawa siya sa kuwento nito. Siguradong walang katapusang asaran na naman ang nangyari sa dalawang pinsan niya. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapaluha. Nasa iisang barangay lang naman sila pero hindi niya puwedeng makita ang mga ito.
“Ano ba naman 'yan, Atasha, huwag ka ng magdrama diyan. Alam kong namimiss mo na kami at namimiss ka na rin naman namin, pero kailangan mo itong gawin, 'di ba?” pinahid nito ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. “Kaunting tiis na lang,” dagdag pa nito.
Yeah. Kailangan niyang kayanin ang lahat ng pinagdaraanan niya ngayon. Hindi na siya puwedeng umatras. Ilang araw na lang ay darating na ang mga magulang niya at hahatulan na siya. She needed to stay strong. Ngayon pang na-realize niya na mahal na pala niya ang ‘fiancé’ niya.
Oo, mahal na niya si Drew. Napagtanto niya iyon nang makita nila si Melody. Parang gusto niyang ingudngod ang babae sa pagpapakita nito ng interes sa binata kahit pa sinabi na ng huli na mag-aasawa na si Drew. Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng lalaki dito, hindi naman ito kagandahan. Parang pinaputi lamang ng aircon ang natural na maitim nitong balat. Ang buhok nito ay halatang alaga sa salon, pero mas maganda pa rin ang natural ng makintab at itim na itim na buhok niya. Kung dadaanin niya sa laitan, mukha talagang raccoon ang babaeng iyon. Kung may natural man kasi sa babaeng higad na iyon, iyon ay ang dark circles nito sa paligid ng mata nito. Mukha itong sinuntok at nagka-black eye.
Nang magpaalam ito sa kanila at sundan ito ng tingin ng binata ay parang tinarakan ng ilang libong kutsilyo ang puso niya. Hindi niya kayang may tinitingnan na ibang babae si Drew bukod sa kanya. Doon niya na-realize na bigyan lamang siya ng pagkakataon na maging totohanan ang relasyon nila ay hinding-hindi na siya magpapakipot pa. She loved him.
“Mukhang in love ka na, ah,” nakangising untag sa kanya ng pinsan.
Bumaling lamang siya rito at ngumiti ng matamis. Wala siyang pakialam kung ano ang isipin nito, basta ang importante ay hindi mapunta sa Melody’ng raccoon na iyon ang lalaking mahal niya. Ultimong ibigay niya rito ang hindi naman nito hinihinging puri sa kanya. Pero kung puwede namang mahalin siya nito kahit wala iyon ay mas mabuti. Gusto pa rin naman niyang maging virgin bride. Fight-o, Atasha Belle!

Just Make Believe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon