CHAPTER TWO
KASALUKUYANG nasa bahay si Atasha ng pinsan niyang si Jester. Pinuntahan siya ng isa pa niyang pinsang si Lace sa bahay nila kanina at kinulit na pumunta sa bahay ng una. At dahil wala naman siyang pasok nang araw na iyon ay pumayag siya. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay niya. Mag-isa na siyang naninirahan simula nang magdesisyon ang mga magulang niya na manirahan sa Dubai. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi siya nakaramdam ng pag-iisa. Paano mangyayari iyon, kung araw-araw siyang ginugulo ng mga pinsan niya?
Walang katapusang pagkakalat ang ginagawa ni Lace habang siya naman ay prenteng nakahiga sa sofa at nagbabasa ng pocketbook. Nagulat pa siya nang tapikin siya ni Jester sa binti.
“Bahay mo?” nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
Kung hindi niya ito masyadong kilala ay iisipin niyang galit ito. Pero dahil mula pa ng maliit sila ay trip na talaga nilang mag-asaran ay hindi man lang siya natinag.
Umayos siya ng upo. “Bakit nandito ka? Hindi ka ba hinahanap ni Yuki?”
Si Yuki ay ang babaeng mahal na mahal nito. Bilib na bilib siya sa mga ginawa ng pinsan niya para lang sa babae. Hindi niya akalaing may lalaki pa palang nag-eexist na katulad nito. Wagas kung magmahal.
Nakitang niyang lumamlam ang mga mata nito at parang tangang ngumiti sa kawalan. In love talaga ang adik niyang pinsan.
“May trabaho siya ngayon. Sa Sabado pa kami magkikita,” tugon nito.
“Naks naman, pinsan! Gumaganyan ka na, ha? Para namang papatulan ka talaga ni Yuki,” banat ni Lace na ngayon ay may nakapasak na namang hotdog sa bibig nito. Hindi niya alam kung saan nito dinadala ang lahat ng mga kinakain. Hindi rin naman kasi ito tumataba.
Nakita na niya minsan ang girlfriend ni Jester ngunit hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap ng matagal. Ang alam niya, base na rin sa tsismis ni Lace sa kanya ay dineadma raw ng pinsan nila ang dalaga nang magkrus ulit ang landas ng mga ito. His cousin was mad but deep inside hurting when she saw Yuki again. The rest of the story was still unknown to her. Hindi naman kasi siya kasing-tsismosa ng isang pinsan niya na kasalukuyang busy sa paglamon.
“Bayaran mo 'yang kinakain mo,” pagkuwa’y sambit ni Jester sa pinsan nila.
Parang balewala namang lumapit lang si Lace sa kanila. “Ikaw, na-inlove ka lang, akala mo kung sino ka ng matino!” saad nito.
“Matino naman talaga ako. Ikaw lang naman ang sinto-sinto sa pamilya natin.”
Natawa siya nang umingos si Lace. Minsan gusto na niyang maawa sa pinsan niyang iyon. Ito kasi ang bunso sa kanilang lahat, kaya hindi na nakakapagtakang lagi itong iniinis ng iba pa niyang mga pinsan. Pero kapag naiisip niya ang lahat ng kalokohan nito, nawawala lahat ng simpatya niya rito. She was as naughty as a teenager. Parang nasa talampakan lang ang maturity level nito.
Napalingon siya sa pinto nang may marinig siyang tumikhim. Muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan nang makita si Drew. Hindi pa rin niya nasasabi rito ang tungkol sa mga magulang niya at ang “pagpapakasal” nilang dalawa. Ngayon lang rin kasi sila nagkita, dahil sa naging abala siya sa kanyang trabaho at hula niya ay ganoon rin ito.
“O, Drew, nandiyan ka pala. Kailan ka pa dumating?” nakangising tanong ni Jester.
“'Tado,” matipid na sagot ng lalaki.
“Minsan naman kasi ay gamitin mo ang talent mo sa pase-sales talk. Nakakalimutan tuloy namin ang existence mo.”
“Onga, onga, ang sabi ng kalabaw,” walang-kuwentang sabad ni Lace.
Napapailing na lamang siya sa pinsan. Wala talaga itong 'sing-kulit at 'sing-baliw. Napatingin ulit siya kay Drew na nakatingin din pala sa kanya. Pinilit niyang ngumiti rito na ginantihan naman nito ng simpleng tango.
How friendly, she almost rolled her eyes but stopped when she thought of the favor she wanted to ask. Kailangan niyang maging magbait-baitan rito kung gusto niyang pumayag ito sa kanya. But first, she should really talk to him. Para magkaroon man lang ito ng ideya sa magiging papel nito.
Tumikhim siya. “Ahm... Drew, puwede ka bang makausap?” naaalangang tanong niya dito.
Nagtatakang tinapunan siya ng tingin ng mga pinsan niya bago binalingan ang binata. Yes, it was really surprising. Ngayon nga lang naman siya nag-approach sa isang lalaki. Tapos sa isang tao pa na once in a blue moon pa niya kausapin. Talagang magtataka nga ang mga ito.
Saglit siyang tinapunan ng tingin ng binata bago ito nagkibit-balikat.
“Okay,” sagot naman nito pero nanatili pa rin itong nakatayo malapit sa pintuan.
“In private,” dagdag niya.
“Uy, ano 'yan, ha? Atasha Belle?” sa wakas ay sabad ni Lace. Hindi na yata nito nakayanang tumahimik na lang ng basta.
Bumaling siya rito. “May importante lang kaming pag-uusapan, Hanelle,” mariing wika niya.
“Kayo lang? Hindi puwedeng sumali?” her big round eyes were full of curiosity.
Humihingi ng saklolong tiningnan niya si Jester na kanina pa tahimik na nagmamasid sa kanila. Alam niyang nacu-curious rin ito sa nangyayari, kaya laking pasasalamat niya nang hindi nito piniling maki-usyuso.
Tumayo ito mula sa paanan niya. “Private nga raw, Lace. Halika, samahan mo muna akong bumili ng ulam para mamaya,” sa wakas ay sabi nito.
Biglang nabuhayan ng hasang si Lace pagkarinig ng pagkain. Mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo ito at naglakad palabas ng pinto. Nang mapansing hindi nakasunod si Jester rito ay nilingon nito ang binata. “Bilis na, Jes!” apuradang sambit nito.
“Ikaw talaga, basta pagkain, mabilis ka pa sa kidlat,” napapailing na wika ng pinsan niya at naglakad na rin palabas ng bahay.
Naiwan silang tahimik na dalawa ni Drew. Tiningala niya ito at sakto namang yumuko ito sa kanya. Syet. This man was as cold as snow yet as hot as fire at the same time.
Ano raw?
Naipilig niya ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang mga naiisip niya. “Umupo ka kaya muna. Nakakangawit ang posisyon natin, eh,” reklamo niya rito nang hindi makatiis sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Umupo naman ito sa tabi niya. Pero ilang minuto na yata silang magkatabing nakaupo ay hindi pa rin siya makapagsalita. Hindi kasi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na at marami pa akong kailangang ayusin sa farm,” pagkuwa’y wika nito. He looked bored as he darted his eyes on her.
“Ahm… Ano kasi…” Whaaa! Hindi niya talaga kaya!
“What?” he snapped.
Humugot muna siya ng malalim na hininga. Wala ng atrasan ito. Sinimulan niya, kailangang tapusin niya. Oh, God, please help me. Promise, magpapakabait pa po akong lalo.
“A-Andrew… ahm…”
He turned to face her and she was taken aback. Wala naman itong ginagawa sa kanya pero parang bigla ay may bumundol sa dibdib niya. His deep sharp eyes were looking at her intently, and the more reason she couldn’t say anything!
“Don’t look at me like that!” she snapped at him also. Ngunit iyon yata ang naging mitsa ng pagkaubos ng pasensiya nito. Nagsimula na itong tumayo na mabilis naman niyang pinigilan. She grabbed his arm as tight as she could. Na para bang nakasalalay doon ang buhay niya. Pero dahil mukhang hindi nito inaasahan ang gagawin niya ay nasama siya nang magsimulang maglakad ito. Dahilan para mapaluhod siya sa sahig kasabay ng pagsambit niya ng katagang;
“Will you marry me, Andrew Mercado?”
She heard a couple of gasps of air. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang dalawang pinsan niya. Literal na nakanganga ang mga ito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Drew. And when she looked up at him, she almost prayed that the aliens would take her for good. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, pagkamangha, at ang pinipigil na tawa. For a moment there, she wanted to die!
PAGKATAPOS ng nakakahiyang eksena sa tanang buhay ni Atasha ay heto siya ngayon, kaharap pa rin ang walang modong si Andrew. Mabuti na lang talaga at hindi nito itinuloy ang pagtawa nito, kundi baka tuluyan na niyang nabalian ito ng buto. Nasa bahay na niya sila nang mga oras na iyon. Nagulantang yata ang dalawang pinsan niya sa nasaksihan dahil kahit nang hilahin niya si Drew palabas ng bahay ni Jester ay hindi man lang tuminag ang mga ito. Nang makarating sila sa bahay nila ay nagtext na lamang siya sa lalaking pinsan niya na huwag nitong hayaan na makatapak ni dulo ng daliri ni Lace sa bahay nila. At least, not now. Nangako naman ito, kapalit ng mahiwagang paliwanag niya sa nangyayari.
“Ang sabi mo, hindi ka nagbibiro nang alukin mo ako ng kasal. Pero hindi mo rin ako gusto. Then why the hell did you ask me to marry you?” basag ni Drew. Pahapyaw na niyang nasabi rito ang kailangan niya. Hindi pa nga lang niya naipapaliwanag ang mga dahilan kung bakit out of the blue ay inalok niya ito ng kasal.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kagulo ang buhay niya. “My parents wanted me to go and stay with them at Dubai for good. Gusto rin nilang ipakasal ako sa isang tao na hindi ko kilala. Hindi ko kaya 'yon, Drew. So... I’ve made up a story. That I’m already engaged… with you,” kagat-labing paliwag niya rito.
“I don’t get it. Paano ako nasali sa usapan? We don’t even talk that much”.
Exactly. Bakit nga ba siya ang naisip mo, Shasha? Simple. Hindi niya rin alam. At kahit ilang libong beses pa yata siyang tanungin ng paulit-ulit, hindi pa rin niya malalaman ang sagot.
“Ikaw kasi ang nakita ko nang araw na tumawag si Mama. Remember that day when I gave you a peace sign?” nakangiwing tanong niya.
His brow creased. “Isinali mo ako sa isang gulo just because I was visible in your eyes at that moment?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “So, kung iba pala ang nakita mo nang mga oras na iyon, ay iba rin sana ang ibinigay mong pangalan sa Mama mo?’ dagdag pa nito.
Hindi niya maintindihan pero may duda siya na parang gusto na siyang sakalin ng binatang kaharap niya. Siguro ay naiirita na ito sa kanya dahil sa pagsali niya rito sa gulong kinasusuungan niya. Ginawa pa niya itong extra sa kadramahan ng kanyang buhay.
“No,” sa wakas ay sagot nito.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. “The answer to your proposal is a big no,” he said while emphasizing the last word.
Umawang ang mga labi niya. Her eyes got misty. Gusto niyang maglupasay sa sahig ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi puwedeng basta na lamang siyang sumuko. Kahit naman daig pa nito ang bato ay siguradong may pagka-mamon rin ito. She just have to look for that sof spot inside of him. Sana lang ay makita niya iyon sa lalong madaling panahon.
She gathered her wits and gazed up at Drew. Kailangan niyang makumbinsi ang lalaking kaharap, ultimo lumuhod siya sa asin na kaharap ito.
“Please, Drew, tulungan mo naman ako. Kung may iba lang akong choice hinding-hindi kita idadamay sa gulong ito. Kaya lang wala na talagang ibang paraan. My parents are coming back two weeks from now,” pagmamakaawa niya, ngunit umiling lamang ito.
“Ipaintindi mo na lang sa parents mo na hindi mo gustong umalis at hindi ka pa handang magpakasal. For real,” wika nito.
“God knows I’ve tried! Hindi lang iisang beses na ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng gusto ko. That I want to stay here and I’m not yet ready for marriage. But they won’t listen to me,” exasperated na sabi niya.
Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. She was damn frustrated. Naiintindihan rin naman niya ang kanyang parents kung bakit ginagawa niyon ng mga ito sa kanya. They only wanted them to be together again. Nag-iisang anak lang rin kasi siya ng mga magulang niya kaya alam niya na nangungulila rin ang mga ito sa kanya minsan. At gusto niya rin namang makasama ang mga ito. But staying there for the rest of her life? Marrying someone she didn’t even know? God, the thought that she would be sharing her whole life to a complete stranger made her weep. It just doesn’t feel right.
“I’ll do anything, Drew. Pumayag ka lang,” mariing sambit niya. It was her last resort. Kapag hindi pa rin ito pumayag ay baka magpapakalunod na lamang siya sa ilog na malapit sa kanila. Pero mukhang hindi na niya kailangang gawin iyon dahil nakita niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng binata.
His brow arched. “Anything?” tanong nito.
“Yes! Anything,” mabilis na sagot niya rito. “Ay, teka, may exemption pala,” bawi niya sa sinabi.
“What is it?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Huwag mo lang galawin ang puri ko,” kagat-labing sagot niya dito.
Nakita niyang bahagyang umangat ang sulok ng labi nito. “Don’t worry. Your virginity is 101% safe with me.”
Bigla ay gusto niya itong hambalusin ng tsinelas niya. Parang sinabi na rin kasi nito na hinding-hindi siya nito pagnanasaan kailanman. She doesn’t acquire a perfect body; pero may ilalaban rin naman siya. Kapal ng mukha ng lalaking 'to! Kung hindi lang talaga niya kailangan ang tulong nito, nunca na lalapit pa siya rito.
“’So, payag ka na?” pagkuwa’y tanong niya.
“May isang bagay lang akong gustong linawin bago ako pumayag,” anito.
“Ano 'yon?”
“I set the rules. Wala kang ibang gagawin kundi ang pumayag,” akmang magsasalita siya pero pinigilan siya nito. “Remember, you’ll do anything,” binigyang diin pa nito ang huling salita.
She pursed her lips. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Tumango siya rito at hindi na muling nagsalita.
“Good! Okay, first thing’s first. Magfile ka ng leave bukas for two weeks,” utos kaagad nito.
“What? Bakit naman ako magpa-file ng leave?” gulat na tanong niya.
“Because you’ll be staying in my house in two weeks’ time,” parang walang anumang sabi nito. At bago pa ulit siya makapagsalita ay may panibagong tagubilin na naman ito.
“We need to know each other. Your parents are coming and they will probably ask tons of questions. Now, if you want to know all the answers about me, you have to get to know me,” dagdag nito.
She kept her mouth shut while thinking about what he just said. May punto ito. Sigurado nga na tatambakan sila ng tanong ng mga magulang niya. Pero kailangan ba talagang tumira pa siya sa bahay ng mga Mercado?
Parang nabasa naman nito ang nasa isip niya dahil may pahabol pa ito. “Don’t worry, my mom will be there at all times. Hindi mo ako magagawan ng masama sa bahay,” nakangising turan nito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Binato niya ito ng tsinelas, pero hindi naman ito tinamaan. Mabilis kasi itong nakailag at lumabas ng bahay nila.
Bwisit na lalaking iyon! Ang kapal ng bumbunan! Siya pa talaga ang gagawa ng masama rito? Ano ang akala nito sa kanya? Manyak?
Eh, ano iyong sinabi mong yummy siya, Shasha? Pang-iintriga ng intrimitidang bahagi ng isip niya.
Wala iyon! Guni-guni mo lang iyon!
Ito na ang simula ng kalbaryo niya.
BINABASA MO ANG
Just Make Believe (Completed)
RomanceDahil sa pagiging manipulative ng parents ni Atasha, she came up with something that's unnecessary. Gusto ng mga magulang niya na ipakasal siya sa isang taong hindi niya man lang kilala. They said she needed it. But she thought otherwise. Wala pa si...