CHAPTER SEVEN
ARAW ng pagdating ng mga magulang ni Atasha, at umaga pa lamang ay hindi na siya mapakali. Pagkagising niya kanina ay naisipan niyang magbungkal agad ng lupa, baka sa paraang iyon ay maibsan man lang ang nerbiyos niya. Iyon na ang pagkakataong hinihintay niya. All she had to do was act like what she’d been acting these past few days with Drew.
Iniwan niyang tulog kanina ang binata. Katulad ng mga nakaraang umaga, ay maagang umalis ang mommy nito, pero nangako namang uuwi kaagad kapag dumating na ang mga magulang niya. Ang usapan nila ay doon rin manunuluyan ang parents niya sa bahay ng mga Mercado. Kuntodo reklamo siya noong una. Nakakahiya naman kasi na nagpapaampon na nga siya roon, dadagdag pa ang magulang niya. But Mommy Lucy agreed to her parents. Tutal raw ay hindi naman magtatagal ang mga ito sa San Carlos. 'Ika pa ng ginang, “The more the merrier”. Napahugot siya ng malalim na hininga.
“Lalim no’n, ah.” napalingon siya sa lalaking nakatayo ng ilang hakbang sa kanya.
Napakaguwapo talaga ni Drew kahit bagong gising lamang ito. Medyo magulo pa ang buhok nito at may mga pillow marks pa sa pisngi. Ang cute nito ngayon sa paningin niya.
“Parang dinala mo ang higaan rito. Good morning, Mr. Sleepyhead,” nakangiting bati niya rito.
“Guwapo pa rin naman ako. Nagulat lang ako nang makita kong wala ka na sa kama. Akala ko runaway bride ang magiging drama mo,” ganti nito.
“Tse! Hindi ako tatakbo 'no. Una dahil hikain ako”, narinig niya itong tumawa. “Pangalawa, ito na iyong araw na pinaghahandaan natin, Drew. Nakakanerbiyos pero kailangan kong magpakatatag,” saad niya rito habang humuhugot uli ng malalim na hininga.
Marahan siya nitong tinitigan at inayos ang suot niyang sumbrero. Then he gently wiped the sweat off her forehead. “Huwag kang masyadong mag-alala, Sha. Everything will be fine. Hindi kita iiwan,” he assured her. Kahit paano ay naging kampante siya sa mga salita nito. The thought that he would be there at the day of her parents’ trial made her calm. Sa pagkakataong iyon, tingin niya, ready na siya.
“Kumain ka na ba?” tanong nito pagkalipas ng ilang sandali.
“Nagkape lang ako,” aniya.
Nakita niyang kumunot ang noo nito. Nang mga sandaling iyon, parang nakikita niya ulit ang dating Drew rito. At hindi na siya sanay na makita pa ang anyong iyon. Gusto niyang laging nakangiti ito. Mas bagay iyon sa binata.
“Bakit ka nagkape? Bawal sa buntis ang nagkakape,” salubong pa rin ang kilay na turan nito. Kung may makakarinig lamang rito nang mga sandaling iyon ay siguradong naniwala na sa arte nito. Parang isa talaga itong butihing asawa na nag-aalala sa buntis na misis nito. Naisip niya, kung magkakatuluyan man sila ni Drew, ganoon rin kaya ito kung mag-alala sa kanya? Na kapag nagbubuhat siya ng mabibigat na bagay ay papagalitan siya nito? Kapag nakita nitong kumakain siya ng mga bawal sa pagbubuntis niya ay sisitahin siya nito? Then at the end of the day, he would carress her face and her tummy while saying how much he loved her.
“Hey!” nagulat siya nang may mahinang pumitik sa ilong niya. Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Nagde-day dream na pala siya sa katirikan ng araw. “Bigla ka na lang natulala diyan. Pumasok na nga tayo at maghahanda ako ng breakfast,” hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok ng bahay. Napatingin siya sa magkahugpong kamay nila. She definitely loved holding his hand.
BANDANG alas onse ng tanghali ay dumating ang mga magulang niya. Hindi nila ito sinundo sa airport ayon na rin sa utos ng mga ito. Her parents were obviously overwhelmed when they saw Drew’s farm. Nagtatanghalian sila kasama si Mommy Lucy na dumating kaagad katulad ng bilin nito kanina. Tahimik lamang sila ni Drew mula nang dumating ang mga magulang niya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. Naiirita na ba ito sa presensiya ng parents niya? Baka bigla itong magback-out sa usapan nila. But all her worries were swept away when he looked at her and smiled. Ginagap rin nito ang kamay niya.
“Masyado kang tahimik,” lumapit ito ng bahagya sa kanya at bumulong.
“Kinakabahan ako,” ganting bulong niya rito.
“I told you, everything will be okay. Trust me, will you?” tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng marahang pagtango. Simula nang maging maayos ang pakitungo nito sa kanya ay iyon rin mismo ang araw na pinagkatiwalaan niya ito. Wala na siyang natitirang inhibisyon o pagdududa rito. Kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay magiging maayos ang lahat. Katulad na lamang nang mga sandaling iyon.
“Good,” and to her amazement, he cupped her face and kissed her lightly on the lips. Hindi siya kaagad nakagalaw. That was the first time Andrew had kissed her! Narinig niyang tumikhim ang Papa niya, at parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan nang makita ang naglalarong mga ngiti sa mga labi nito.
“Mamaya na kayo maglambingan, okay?” nakangiting turan ng mama niya. Hindi niya alam kung paano ay biglang naging masaya ito sa ideyang magpapakasal siya kay Drew. Akala nga niya ay magpo-protesta pa rin ito pagkatapak pa lamang sa pamamahay ng mga Mercado. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Nakita niya ang pagkagiliw nito sa binata pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ng mga ito sa study room. Hindi siya isinali ng mga ito kaya hindi niya alam kung ano ang mga pinag-usapan ng apat.
“Napagkasunduan namin ng mga magulang mo, Shasha, na tutal ay napag-uusapan na rin naman ang kasal, then why don’t we do it next week?” pagkuwa’y biglang sabi ni Mommy Lucy na nagpaawang sa mga labi niya. Kung hindi lamang siya nakakapit sa mesa ay malamang nalaglag na siya sa kanyang upuan dahil sa narinig. Nilingon niya ang binatang nasa tabi niya, ngunit nanatili lamang itong tahimik.
“Po? P-pero hindi po natin maaasikaso ang lahat nang ganoon kabilis lang,” she tried her best to be calm while turning her attention to the old lady. Kahit na ang totoo ay nagulat talaga siya sa biglaang pagpaplano ng mga ito.
“Kami na ang bahala, hija. Just sit back and relax,” turan naman ng mama niya.
“At isa pa, hija, mas mabuti na iyong maikasal agad kayo bago pa lumaki ang tiyan mo,” dagdag pa ng mommy ng binata.
Binalingan niyang muli si Drew. Naghintay siyang magprotesta ito ngunit wala man lang itong sinabi kahit na isang letra. Parang hindi man lang ito nababahala o kinakabahan dahil sa pagiging impulsive ng mga magulang nila. Pasimple niyang pinandilatan ito ngunit nagkibit lamang ito ng balikat.
“Pagbigyan mo na sila. Ayaw mo bang maikasal kaagad sa akin?” nakuha pa nitong magtanong sa kanya. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Ang napagkasunduan nila ay magpapanggap lang silang mag-fiancé, wala sa usapan nila ang magpakasal! But on other circumstances, papayag siguro siya, kaya lang ang sirkumstansiyang iyon ay kung mahal siya nito. But unfortunately, he doesn’t.
Biglang sumama ang pakiramdam niya dahil sa naisip. Tila binubugbog ang puso niya ni Manny Pacquiao at ramdam na ramdam niya ang bawat sakit ng suntok nito.
“S-syempre g-gusto. Kaya lang...”
“No buts. The wedding will be next week. And that’s final,” pagtatapos ng papa niya sa usaping iyon. Parang gusto niyang himatayin sa nangyayari. Dahil sa lintek na pagrereto ng mga ito sa kanya sa kung sinong Poncio Pilato ay kung anu-ano nang kaabnormalan ang nangyari sa buhay niya. She glanced at the guy beside him, wala pa ring mababakas na disagreement sa mukha nito. Kaya ba talaga nitong isakripisyo ang pagiging binata nito para sa kanya? But, why? Paano na si Melody na mukhang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nito?
Noong nakaraang gabi habang nasa kuwarto siya ay naisipan niyang magligpit ng mga gamit nila. Medyo magulo na rin kasi ang kuwarto ng binata. While she was cleaning the room, she accidentally saw a picture frame under Drew’s bed. At ganoon na lamang ang pagsalakay ng sakit sa puso niya nang mapagsino niya ang nasa picture. It was Melody and Drew. Hindi niya alam na umiiyak na pala siya habang tangan ang picture frame na iyon. Naisip niya, ganoon pa rin pala nito kamahal ang babae dahil kahit bago matulog ay tinitingnan muna nito ang nag-iisang alaala ng babae rito. She was hurting but she couldn’t do anything about it. She was just a pretend fiancée, and whether she liked it or not, she would never be able to get his heart back from Melody.
Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig sila ng katok mula sa main door. Napakunot-noo silang lahat bukod sa mga magulang nila. Sino naman kaya ang bibisita sa kanila? Kung paggbabasehan ang kunot sa mga noo nila Drew at ni Tita Lucy ay tila wala ring inaasahan ang mga ito.
Bilang sagot sa mga nagtatakang anyo nilang tatlo ay nagsalita ang mama niya. “Oh, that’s probably Angelo,” anito.
“Angelo?” The name was familiar, but she couldn’t think of someone.
Ngumiti ang mama niya. “Yes, Angelo. The man you’re supposed to get married with?” She froze. Nakaawang ang mga labing binalingan niya si Drew. His eyes were gleam and dangerous. Napakadilim ng mukha nito.
“Oh, shit,” she muttered.
NAKAPANGALUMBABA si Shasha habang nanonood ng pelikula sa living room, pero hindi naman pumapasok sa utak niya ang pinapanood. Hindi na nga niya alam kung namatay na ba o nagkatuluyan na ang bida roon. Lumilipad pa rin ang isip niya pabalik sa napag-usapan nila kanina kasama ng mga magulang nila. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya parang hindi masyadong na-digest ng utak niya ang lahat ng iyon.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo,” nakita niyang umupo sa tabi niya si Drew.
“Maraming kailangang isipin, eh” aniya na hindi man lang ito nililingon. Badtrip pa rin siya rito. Kung kailan kailangang-kailangan niya ng tulong nito kanina, ay doon naman ito kumampi sa mga magulang niya. Sinakyan pa nito ang mga dialogues ng mga oldies na para bang gustung-gusto nga nitong magpakasal sa kanya. Naiirita siya sa pagmumukha nito nang mga oras na iyon. Ang sarap kalmutin!
“Babe, kung iniisip mo ang tungkol sa kasal, wala kang dapat ipag-alala.” Isa pa sa napansin niya nang mga nakaraang araw ay ang pagtawag nito sa kanya ng “babe”. Hindi sa ayaw niya, dahil kung aaminin niya sa sarili ay kinikilig talaga siya. Pero isa iyon sa mga bagay na pinagtatakhan niya rito.
“Paano akong hindi mag-aalala, Drew? We’re really getting married!” exasperated na sambit niya.
“So? Iyon naman talaga ang sinabi natin sa kanila,” parang bele-walang wika nito. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaking ito. Hindi man lang ba ito natatakot na mapikot niya ito? Hindi naman kailangang umabot pa sa ganoon kung tutuusin.
“Ang mangyayari lang sana ay papaniwalain natin sila na ikakasal tayo, hindi iyong magpapakasal talaga tayo. Drew, do you even realize what possibly could happen? I’m taking your freedom away from you.” Kahit na yata gaano niya kamahal ang binata ay hindi niya kayang alisin rito ang pagkakataon na mapangasawa ang babaeng totoong mahal nito. Ngunit hindi rin naman niya kayang makitang nadi-disappoint ang mga magulang niya. Lalo na ang makitang masaktan ang mga ito, pati na si Mommy Lucy.
Hinarap siya nito at tiningnang mabuti. She felt his hands cupping her face. “Atasha Belle, I agreed with this. Hindi mo ako pinilit at kahit sino ay walang pumilit sa akin. You’re not taking my freedom away, babe. I’m giving it to you. And if you still want to think that way, may I remind you, I would be taking away your freedom too. Ibig sabihin no'n, I'm all yours and you're all mine. No Angelo or whomever included,” mahabang paliwanag nito.
She couldn't do anything but just taste and feel that sweet and heartwarming feeling while listening to his words. Marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi at wala na siyang nagawa pa, nang unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. Kahit na yata may pagkakataon siyang umalis ay hindi niya gagawin. She had been dying to kiss him again. A real kiss.
Naramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang mga labi. And God forbid, it brought shivers into her spine. It wasn’t her first time but she was sure that she had never felt that intense feeling while kissing a guy before. Only to Drew. He nibbled her lower lips and later she felt his tongue doing wonders inside her mouth. She loved every single moment of it kaya ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang unti-unti nitong ilayo ang mukha.
“As much as I wanted to kiss you forever, pero hindi puwede. Baka pagalitan tayo ng mga magulang mo,” nakangiting turan nito sa kanya. Parang bigla naman siyang nakaramdam ng hiya nang makalimutan na naroon nga pala ang mga magulang niya. “Pupunta ako ngayon sa market para magdala ng produkto, gusto mong sumama?” pagkuwa'y aya nito sa kanya.
Bigla siyang na-excite sa sinabi nito. Hindi pa siya nakakasama rito kapag nagsu-supply ito ng mga gulay sa palengke kaya ngayong inimbitahan siya nito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
“Sige!” excited niyang wika rito.
Pagkatapos ng nakakalokang eksena kanina sa kusina ay isang himala na lang na maganda pa rin ang mood ni Drew. Nang pagbuksan nila si Angelo ng pinto kanina ay damang-dama niya ang mabigat na tensiyon sa paligid. The thick air that surrounded them was alarming. Idagdag pa ang matalas na tingin na ibinibigay ng “fiancé” niya sa bisita nila.
“Hi,” isang matipid na ngiti ang ibinigay ni Angelo kay Atasha nang maipakilala na silang dalawa. She glared at her mother who was obviously the mastermind of the game. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin sa pagdadala ng binata sa Pilipinas. She knew she was up to something. And while her mother was so eager with the introduction, she could sense Drew—who was beside her—tensing up.
“I'm sorry but your presence is not needed here,” he snapped before she could even respond.
“Andrew!” sabay pa sila ng mama nito na sumaway rito.
Ngunit imbes na patulan ito ng lalaking kaharap nila ay ngumiti lamang ang huli. Angelo gave him an amiable smile and held his hands as if surrendering.
“Chill. I mean no harm, man,” wika nito. “I’m on a business trip, and since I’m already here, I thought of meeting Atasha. You see, I’ve been curious about you since your mom told me so much about you,” bumaling ang binata sa kanya.
Andrew snarled at him and in a swift move, he grabbed her waist possessively, marking his territory.
Napailing na lamang siya. Hindi siya makapaniwala na may ganoong ugali ang binata. It was as if he owned her. The thing was, wala man lang siyang nararamdamang negatibo sa bagay na iyon. In fact, she would love to be his.
Bahagya siyang lumayo sa katabi na agad namang nagprotesta. But when she gave him that back-off look, he managed a hiss and let her go.
She extended an arm to Angelo and smiled. “It’s nice meeting you. I’m sorry we have to meet like this,” wika niya.
“The pleasure’s mine,” at bago pa man siya makahuma ay kinuha nito ang kanyang kamay at akmang dadampi sa mga labi nito. But that didn't happen. She heard a couple of gasps mixed with hers when Drew slapped Angelo's hand away from hers. Sa isang iglap ay nasa tabi na kaagad siya ni Andrew na anumang sandali ay mukhang susunggaban na ang bisita nila.
“You touch her again and you will not only lose your arm. Back off,” puno ng pagbabanta ang tinig nito.
The man cocked his head at one side. “I said I mean no harm,” anito.
“I don’t care. Just don’t touch my woman”
Nakaawang ang mga labing tiningnan niya si Andrew. Madilim pa rin ang mukha nito. His eyes were sharp it could possibly tear anything. He looked so dangerous and possessive. Something rose up from her chest. Posible kayang may nararamdaman na rin ito sa kanya? Could he possibly fall for her? O katulad ng mga ginawa nila ay isa lang rin iyong pagpapanggap?
“Fine,” sumusukong sabi ni Angelo. “But one teardrop from her and I’m going to get her from you. No warnings,” may pagbabanta sa tono nito, ngunit ilang sandali lang ay bumalik na ang ngiti sa mga labi nito.
“Anyway, I gotta go. Tita, Tito, magkita na lang ulit tayo pagbalik ninyo,” baling nito sa mga magulang niya. When his eyes met hers, she felt no danger. Wala siyang naramdamang pagkailang o takot. But instead, it was comforting. Tila nakakita siya ng panibagong kaibigan sa katauhan nito. She knew he was just bluffing about those stuff he told Andrew.
“I hope to see you again, Sha,” he said in low and husky voice.
Ngumiti na lamang siya rito dahil hindi na siya makagalaw pa sa higpit ng pagkukunyapit ng katabi niya sa kanya. When Angelo left, everyone sighed. Parang may isang malaking bagay na nakadagan sa dibdib nila ang biglang nawala.
Andrew motioned her to face him. His expression was wary.
“What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya rito.
He let out a sigh. “Please...” his voice trailed off.
“Please what?” she demanded.
Muli itong napabuntong-hininga. “Please tell me that you won’t see him again?” nakikiusap ang mga matang tiningnan siya nito.
Natigilan siya. Sa lahat ng ipapakiusap nito sa kanya, hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito. He was truly affected by Angelo’s presence. He felt threatened. Mali man, pero nakaramdam siya ng ibayong tuwa. May pag-asa pa naman pala siya.
She gently caressed his face and smiled. “Don’t worry, I won’t,” she assured him.
“Promise?”
“I promise.”
NAKASUNOD lamang si Atasha sa lalaki mula pa kaninang dumating sila sa palengke. Gusto man niyang tulungan ito sa pagbubuhat pero ayaw naman nitong pumayag. Hindi rin ito kumukuha ng trabahador para tumulong rito. Katwiran nito ay kung kaya naman nitong asikasuhin ang lahat ng iyon, bakit pa ito hihingi ng tulong sa iba?
Huling delivery na nila iyon. Nakita niyang pawis na pawis na ang binata kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na punasan ang mukha nito gamit ang kanyang dalang panyo. Saglit itong natigilan sa ginawa niya pero ngumiti rin at hinayaan siya sa pagpupunas.
“Ang sweet naman,” narinig pa niyang sabi ng tindera sa kanila. Nakaramdam siya bigla ng hiya kaya itinigil niya ang pagpupunas rito. Akmang itatago na niya ang kanyang panyo nang pigilan nito ang kamay niya.
"Don't mind them. Keep doing what you were doing," anito na nakapagpangiti sa kanya. Napapailing na lamang siyang ipinagpatuloy ang pagpahid ng pawis nito. How she wished they could stay like this forever.
Pagkatapos nilang magdeliver ay nagpahinga muna sila. Nag-aya naman itong magmeryenda sila.
“Okay ka lang?” tanong nito sa kanya.
“Oo. Ikaw nga ang mukhang pagod na pagod, eh,” aniya.
“Nah. I’m okay. Sanay na ako sa gawaing ito. Kaya dapat ikaw sanayin mo na rin ang sarili mo,” nakangiting saad nito.
“Bakit ko naman kailangang sanayin ang sarili ko?” nagtatakang tanong niya.
“Syempre, kapag mag-asawa na tayo, lagi na kitang isasama kung saan man ako magpunta. Kaya ngayon pa lang ipinapakita ko na sa’yo ang mundo ko,” paliwanag nito sa kanya. Parang lumobo ang puso niya sa mga narinig. Hindi niya inaasahan na iniisip na talaga nito ang mangyayari sa kanila sa hinaharap.
“Baka nakakalimutan mong may trabaho ako,” pagpapaalala niya rito. Tumawag na nga lang siya sa HR nila kahapon para mag-extend ng another two weeks na leave. Walang kamatayang sermon ang natanggap niya dahil ang usapan nila ay dalawang linggo lang, ngunit wala rin naman itong nagawa nang sabihin niyang hindi pa talaga siya makakapasok. Ipagdadasal na lang niya na sa pagbabalik niya ay may trabaho pa siya.
“Ayaw mo bang maging housewife na lang para alagaan ang mga little Drew and Atasha natin?” alam niyang inosenteng tanong iyon ngunit hindi niya pa rin mapigilang kiligin. Nakikinita na niya ang mga makukulit na bata sa paligid nila habang abala sila ni Drew sa pagtatrabaho. Nakikita niya ang sariling nagbabasa ng isang fairytale book para makatulog ang batang babaeng kamukhang-kamukha niya. She would love having a family with him. Sigurado siyang magiging mabuting ama ito sa mga magiging anak nila.
“Puwede rin,” sa wakas ay sagot niya na nakapagpangiti rito ng malapad. Almost a perfect love stroy. Hindi man nito sinabing mahal siya nito pero nararamdaman naman niyang espesyal rin siya rito. That’s all that matters for now.
BINABASA MO ANG
Just Make Believe (Completed)
RomanceDahil sa pagiging manipulative ng parents ni Atasha, she came up with something that's unnecessary. Gusto ng mga magulang niya na ipakasal siya sa isang taong hindi niya man lang kilala. They said she needed it. But she thought otherwise. Wala pa si...