MGB #6

153 9 1
                                    

MGB #6

Gabie’s POV

Time check 11:47?Gabi na pala.Umuwi na muna kami nina Cielo sa bahay dahil pinauwi na kami nina mama andun naman daw si Sica,magpahinga daw muna kami.

Andito ako ngayon sa may lamesa nagtitimpla ako ng kape ng biglang sumigaw si Steph, “Cielo di ka pa ba matutulog?”

“Ah,hindi pa,sige tulog na kayo.”

“Sigurado ka?”tanong ni Cielo

“Oo nga kulit,sige na matulog na kayo.Goodnight.”

Matapos kung kumbinsihin yung dalawa na matulog na at wag na akong hintayin,kinuha ko yung diary ko at nagsulat sa likod nito ng dapat kong gawin.

Things to do to help Vlaire:

Step 1:Hanapin ang bio-data nito.(Siguro naman na sa google ang information na ito,sikat siya,mayaman at may-ari pa ng factory.)

Step 2:Tingnan ang family background.Para mabigay ko naman yung impormasyon tungkol sa kanyang pamilya,bago siya mawala.

Step 3:Tulungang mag-move on.

Step 4:Enjoyin ang buhay,habang di pa siya nawawala.

Step 5:Gawin lahat ng Steps 1-4 ^^.

Teka asan nga ba si Vlaire?Sabay higop ng kape.

Vlaire’s POV

Pagkatapos kong makita ang paghihirap ng kapatid ko ng dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng pagka-guilty,simula kanina tinatanong ko ang sarili “Bakit ito nangyayari sa buhay ko?”may masama ba akong ginawa?

Buti na lang walang nakakakita sa akin.Dahil kapag merong nakakakita sa akin,baka mapagkamalan na akong galing sa mental,kanina pa ako lakad ng lakad,di ko alam kung saan ako pupunta.

Tumigil ako ng may makita akong play-ground at naupo muna sa swing.Napasabunot na lang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. “My life is such a waste.”

I was thinking of a valid reason kung bakit nangyayari to sa buhay ko.There were something about my life na hindi ko maintindihan.My life is a great mystery.Gusto kong hanapin si Detective Conan baka masolve niya to.

Hindi ko akalain na makakasakit ako ng taong malapit sa aking puso,kapatid ko pa,bakit kailangan niyang maghirap.Pwede naman niya akong iwan na lang dun sa ospital.Hayaang mamatay.

Pero alam kong mahal ako ng kapatid ko kitang-kita sa mga luhang pumapatak sa mata niya na puro sakit ang nararamdaman niya dahil may pinagsamahan kami,dahil kami lang ang magkasangga sa problema nung wala ang mga magulang namin.

Kagaya nga ng nabanggit niya,pinalabas nilang patay na ako.Ang saya diba?

Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kaya umuwi muna ako sa bahay nila Gabie,kasi dun makakapag-labas ako ng sama ng loob,dahil andyan si Gabie para intindihin ako.Sa konting araw na magkakilala kami ay nasubaybayan ko na ang ugali ni Gabie,lahat na siguro ng magagandang ugali ay na sakanya na.

Kung bibigyan pa ako ng Diyos ng pagkakataong mabuhay,gusto kong makasama siya.

Pagkarating ko sa bahay,nakita ko agad si Gabie sa may kusina na nakaubob,she was sleeping soundly she’s really cute.Knowing that she is tired,I did’nt bother to wake her up.I’m not that rude to ruin someone’s sleep just for the sake of my feelings.Its already 2:00 o’clock,bakit dito siya natutulog?

My Ghost BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon