MGB #10

137 6 1
                                    

MGB #10

Hindi ko alam kung anong gagawin ko,umiiyak sa harapan ko si Gabie,parang di siya maka-alis sa kinatatayuan niya,nakatungo lang siya habang hinahayaang pumatak sa sa buo niyang katawan ang ulan basing-basa na siya.Bakit ayaw niyang umalis?Baka mag-kasakit siya.

Kasalanan mo to Vlaire,pinanuod ko pa siyang mag-paulan,buti na lang walang tao at medyo gabi na rin kaya,walang nang makakakita sa kanya,ilang minuto ko na siyang pinapanuod pero di pa rin siya kumikibo,napagdesisyunan kong kausapin na siya.

“G-gabie?”

Pinutol niya ako, “A-ayokong makita ako nina C-cielo at Steph na umiiyak.”habang nakatungo pa rin

“G-gabie,sorry…”

“Sorry…”halos lumuhod na ako pero di pa rin siya kumikibo

“..sorry,I didn’t mean to hurt you,I’m sorry.”

Umalis na siya sa kinatatayuan niya,at kumatok na sa pinto ng dorm nila,sinusundan ko pa rin siya,tanga mo Vlaire.Kasalana mo talaga to!

Steph’s POV

Nagulat kami ni Cielo ng may kumatok sa pinto,siyempre natakot kami nanoood kasi kami ng katatakutan habang kumakain ng pop-corn.

“S-sino yan?”nauutal na tanong ni Cielo habang kumakain ng pop-corn

Hindi pa rin sumasagot.Nagkatinginan kami ni Cielo, “Kyaaaaaaaaahh!”nagtago kami sa likod ng sofa

“C-ielo.Steph.”

“Gabie?Ikaw bay an?”

Dali-dali kaming tumakbo papunta dun sa pinto at dali-dali itong binuksan.

“Gabie anong nang—“

Bigla na lang siya natumba. “Cielo!Cielo.Dali tulungan mo ako.”umupo ako sa tabi ni Gabiel habang hinahawakan ang noo niya,Gosh.Ang iniit!

Kumuha muna ng towel si Cielo at saka ibinalot kay Gabie na ngayon ay nag-aapoy na sa lagnat.Sino ba naman ang may-sabi sa kanya na mag-paulan siya?

Binuhat naming siya papunta dun sa kama tsaka pinalitan ng damit dahil nga basing-basa na siya,medyo shunga talaga to?Bakit ba kasi naligo sa ulan,o ang tanong bakit siya nag-paulan?

Nilagyan namin ng towel sa may ulo.Pinunasan lang naming siya ng pinunansan buong gabi para bumaba ang lagnat niya,pero parang walang nag-babago hindi naman namin mapainom ng gamot dahil nga tulog.

Palitan kami ni Cielo,kapag natutulog siya ako naman ang gising kapag tulog naman ako siya naman ang gising.Mahal namin si Gabie.Sino pa ba naman ang mag-dadamayan kundi kaming tatlo lang.

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal naming ang isa’t-isa walng makakapag-bago niyan.SOLID kami!

“Steph tulog kana ako na muna ang mag-aasikaso ditto.”

“Pero,di ka naman yata natulog eh,umidlip ka lang.”

“Wushu,eh ikaw rin naman eh.”

“Kwentuhan na lang tayo para di pa tayo mainip.”

“Wait lang.”

Iniwan ko si Cielo dun sa kwarto at pumunta ako sa kusina para magtimpla ng hot-chocolate,medyo mahaba-haba rin ang gabi,alas-2 pa lang.Pumunta na ako dun sa kwarto habang dala-dala ang chocolate at iniabot ang isa kay Cielo na kasalukuyang nag-pupunas ng towel sa noo at braso ni Gabie na hindi pa rin humuhupa ang lagnat.

My Ghost BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon