MGB #11

109 5 0
                                    

MGB #11

Gabie's POV

Andito ako ngayon sa bahay,ilang araw na rin ang nakalipas simula nung huli kaming nagkita ni Vlaire,nakaka-miss rin pala yun.Mag-isa lang ako dito sa bahay,yung dalawa nag-aapply na ako?Nakapag-apply na ako,ang bilis ko ngang matanggap,ni hindi ko pa nakikita yung boss ko tanggap na agad ako.

Dahil wala akong magawa,napag-desisyunan kong mag-linis ng bahay,ano pa bang pwede kong gawin?Ni wala nga akong maka-usap,buti sana kung andito si Vlaire.

I tied my hair into  a messy bun,at naghanap ng walis at basahan,nagpunas muna ako ng pwedeng punasan,saka nagwalis,pagkatapos kong mag-walis kumuha ako ng timba at hinanap yung mop dahil maglalampaso ako.

Pagkatapos kong maglampaso nag-hugas naman ako ng mga pinggan tapos kumuha ako ng mono-block chair para matungtungan lumapit ako dun sa bintana saka nagsimulang magpunas,nasa huling bintana na ako ng may biglang kumatok sa pinto, "Bukas yan!"

Inikot ko ang paningin ko habang tinitingnan ang nalinis ko.Wooh! *punas pawis*

Nakita ko namang pumasok si Steph at Cielo. "Try mong uminom ng growee para di ka na tumutungtong diyan sa upuan,mamaya mahulog ka pa diyan."

"Jusme Cielo bakit sa akin mo lang sinasabi yan?Sabihin mo kaya diyan sa katabi mo."sabi ko sabay nguso kay Steph

"Hayaan mo,pag-kakain natin iinom ako."

Hindi pa rin ako bumaba ng upuan pinapanuod ko lang silang mag-ayos ng mga pinamili nila. "Cielo kamusta naman?Natanggap ba kay-- Ay-palaka!"

Na-out of balance ako ng makita ko si Ken sa harapan ko,bigla-bigla kasing sumusulpot,ano siya mushroom?Napapikit na lang ako,hinihintay na lumapat yung katawan ko sa sahig.

Bakit ang tagal?Pagkamulat ko isang anghel ang nakita ko,di joke lang si Ken ang nakita ko,na nakangiti. 

"Hoy,baba mo na yan."sabat ni Cielo

Biglang kumanta si Steph, "I just wanna feel this moment,wooah.."with matching sayaw pa

Binaba naman ako ni Ken.Kumusta naman ang itsura ko?Naka-short,naka-white na t-shirt,yung buhok ko nakatali,kita yung pawisang batok."Hoy,Gabie kumain ka na dito,ikaw din Ken,sumabay ka na sa amin."

"Ah,maliligo muna ako."

"Sus,ang bango mo nga."

"Gutom ka lang Ken kaya ka ganyan."sabi ni Cielo

Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko yung tatlo na nanonood ng T.V with matching pop-corn sa kamay,napailing na lang ako.Like a Boss ang dating nung tatlo.

"Bakit di pa kayo kumakain?"tanong ko habang tinutuyo yung buhok ko

"Hinihintay ka namin."sabi ni Cielo sabay hila kay Steph at Ken papunta ng kusina 

"Kain na tayo."yaya ni Steph

Third Person's POV

Nagsimula ng kumain ang tatlo habang si Gabie ay walang ganang nakatingin sa pagkain.Tinutusok-tusok niya lang ito ng tinidor.Napansin naman ito ni Cielo kaya siniko niya si Ken na katabi niya sa pagkain,agad namang tumingin si Ken kay Gabie,"Kumain ka nga,tsaka wag kang sumimangot,di mo bagay."

Ngumiti naman si Gabie pero halatang pilit lang.Hindi pa rin niya kasi maiwasang mag-alala sa kaibigang si Vlaire na ilang araw na niyang di nakikita.

My Ghost BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon