IKAW AT AKO

238 22 9
                                    

Pangalawa

------------------------------------------------------

- At sa mga Oras na Yun, Ako'y napaluhod, Ako'y napaluhod habang tumatangis at Nagdurusa.

At Biglang pumasok sa aking isipan na....

Paano na lahat ng ating mga  pangarap,

Mga pangakong kailanman Ay Di na matutupad pa.

At lumipas ang mga ilang araw,

Ako'y naglalakad sa isang espesyal na lugar.

Isang espesyal na lugar Kung saan tayo unang nagkakilala,

At bumuo ng masasayang ala-ala,
Ala-ala na nagpapahirap sa akin.

Dahil kailan man, ang mga araw na magkasama tayo,

At ala-ala na ating binuo ay mahirap kalimutan.

Subalit sa mga oras na iyon,
Ikaw ay aking nasilayan.

Na animo'y akala ko'y namamalik mata lang Ako,

Pero sa ika sampung pagpikit ng aking mga mata,

Nakakasigurado akong ikaw at ikaw yan!,

Na may kasamang Iba.

Subalit Hindi na Sana Ako magtataka Kung pinag palit mo Ako sa Iba,

Subalit pinag palit mo Lang Ako.
Bakit sa matalik na kaibigan ko pa?!.

Bakit sa matalik na kaibigan ko pa? Na tinuring ko ng kapatid,

Kapatid na naging kasama ko sa aking lungkot at saya.

At Ako'y muling napaluha sa aking mga nakita,

Dahil sobrang sakit, hinagpis at kirot ng aking nadarama.

Na tila Ba'y parang guguho na ang mundo ko,

At sa pagitan ng aking pag tangis,
rinig na rinig ko sa aking dalawang tenga,

Na animo'y may bumulong sa akin na... "ANAK, MANALANGIN KA. " at tinignan ko sa aking paligid Kung sino ang bumulong sa akin.

Pero ni Isa, wala nakong nakita maliban sa kanilang dalawa,

"at Ako'y Hindi na nag dalawang isip na manalangin pa.

Dahil wala naman mawawala kapag ginawa ko Yun diba.

Dahil alam ko na sa isip ko na ang Diyos ang aking kakausapin sa aking pananalangin,

---------------

At Ako nga'y taimtim na nalangin,

nanalangin at sa isip ko tinanong ko ang Diyos...

" Ama, bakit nangyayaari sa akin ito, ano bang nagawa ko?

At bakit nya Ako iniwan ng walang dahilan?"

At nagulat ako dahil bigla niyang sinagot ang aking mga katanungan,

At ang kaniyang sinabi Ay...

"Anak, Dahil nangyayari sayo yanmarahil gusto kitang subukin at patatagin sa mga bagay na kung saan ka mahina,

At wala kang maling ginawa,

Anak, Minahal mo Lang kasi ng sobra,

Yung taong nilaaan ko para sa Iba,

Kaya ka nasasaktan ng sobra, marahil mismong sarili mo. Ay Hindi mo maparaya."

------------

At Doon sa mga salita ng Diyos Ay namulat ang aking mga mata,

At tumatak sa aking puso at isipan na...

Wala akong pwedeng gawin,

Kundi magparaya.

Dahil IKAW AT AKO AY HINDI NA KAILAN MAN MABUBUO ANG SALITANG "TAYO".

Kundi nag bigay sakin ito ng inspirasyon na matutong magparaya sa mga bagay na Hindi para satin,

At Mag simula ng panibago,

Dahil kailan man,hindi Lang iikot ang mundo mo sa iisang Tao.

----------------------------------------------------

A/N: salamat sa pagbabasa guys. I hope nagustuhan nyo... Sana rin Ay suportahan nyo. And I hope nakapulot din kayo ng kunting Aral sa ginawa ko. and pag bigyan nyo nalang ang kacornyhan ko. Haha..minsan Lang to, abangan nyo nalang ang susunod, malapit na din, salamat ulit.

For more info.

FB account/s :

  ~Ginoong Axl(R.A.)
  

SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon