IKAW AT AKO

272 26 5
                                    

Unang Tula•

Una  


Ikaw at Ako, ikaw ang nag silbing inspirasyon ko sa bawat mahihirap na pagsubok na pinagdaraanan ko.   
Dahil ikaw, ikaw ang nag patibok sa puso ko.

Ikaw, ikaw ang dahilan Kung paano ko kinakaya ang lahat ng pasakit na nadarama ko,
Dahil ikaw, ikaw ang akala ko'y bubuo ng mundo ko, at sayo'y umiikot ito.


At Ako, Ako naman tong si tangang,
handang gawin ang lahat, maging akin ka Lang.

At Ako, Ako si tangang minahal ka ng sobra at handang ibigay ang lahat,
Mapasakin ka lang...


Pero bakit isang araw,  ang akala ko'y ikaw at Ako Ay magiging magpakailanman na tayo,
Ay sinira nalang bigla ng iyong  mga salitang...

"Mahal itigil na natin to, dahil tapos na TAYO".

At sa mga salitang iyong binitiwan, ako'y biglang napatulala,
At halos Hindi makapagsalita.

At lubhang lumuluha, at iniisip  ko ng malalim Kung anong  maling nagawa ko,
O anong rason Kung bakit mo Ako iniwan bigla.
Pero nang mga Oras na Yun,

Ika'y umalis, ika'y umalis sa aking harapan,
Na kahit isang pamamaalam mo Lang...

Hindi ka pa nag paalam...


------------------------------------------------------

• Ginoong axl

~salamat sa pagbabasa guys,Sana suportahan nyo... salamat ulit.

SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon