MAHAL KITA, MAHAL MO SIYA

83 8 0
                                    


Pangalawa

-----------------------------------------------------

Itinuring kita bilang higit pa sa kaibigan,

At pinangarap ko din na balang araw na tayo din sa huli ang mag kaka - ibigan,

Subalit ika'y umamin sa akin na ako lamang ay iyong kaibigan at hanggang roon lamang,

Dahil may iba ka ng mahal, at iyon ay ang aking matalik na kaibigan,


Mula sa pagkakahulog ko sa iyo,

Tila ba sadyang hindi mo ako nasalo,

Bakit mo nga naman ako isasalo,

Kung may iba ng nag mamay-ari ng puso mo,


Sadya ngang mapagbiro ang tadhana,

Oo, pinagtagpo lang tayo, pero hindi itinadhana,

Sadya nga bang wala akong swerte sa pagmamahal?,

Na kailan man ay lagi nalang nasasaktan at hindi na ba kamahal-mahal?,


Ano nga bang magagawa ko,

Sadyang hindi magiging tayo,

Hindi na nga talaga ako nagkakamali sa mga tumatak sa isip ko,

Na sadyang ako din pala ang maghuhukay ng sariling pagbabagsakan ko,


Oo, Mahal kita,

Pero kung may mahal ka talagang iba,

Sige, kung saan ka masaya,

Kahit masakit, susuportahan kita.

~G. Axl
-----------------------------------------------------------------

Author's POV.

Hi/hello darlings! Salamat sa pagbabasa sana nagustuhan nyo salamat! Wag kakalimutang magbigay ng kanya kanyang reaksyon upang may mabago ako sa aking mga pagkakamali. Muli maraming salamat! Te amo darlings!

SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon