·Ikalawang Tula·
Una
Ako si Carlo Velasco,
Hindi gwapo, pero seryoso,
Pilyo, masungit at maloko,
Pero kapag nagmahal todo,
Ika-apat na taon ko na sa kolehiyo,
Pero wala pa ring naka pagpapatibok sa bato at Wasak kong puso,
Dahil nga ba sa babaeng dati'y minahal ko,
O sadyang takot akong muli na masaktan dahil rito,
At Sya ngang napag isip-isip ko,
Na kapag nahulog na naman ang loob ko,
Tiyak yung durog kong puso,
Sa huli'y magiging isa na lamang abo,
At ito na nga si Sarah,
Na minahal ko ng sobra,
Teka minahal mo din ba ako Sarah?,
O sadyang ako lang nag mahal sa ating dalawa,
Dahil simula't sapul,
Ang matatalim mong pagtingin sakin,
Ay unti-unting nagiging mapurol,
Na hudyat iyon na malabong ako'y mahalin mo din,
--------------------------------------
Author's POV,
Hi/hello mga darlings!, pasensya ngayon lang ako muling nakapag update i hope magustuhan nyo pa itong mga sumusunod na aking tula, muli ako'y galak na nagpapasalamat. Te amo!
BINABASA MO ANG
SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)
PoetryMga tulang pasakit, mga tula ng pagpapalaya, mga malalayang tula na panandaliang ginagawa(Mga kababawan).