MULA PAGKABATA

75 10 4
                                    

Ikalawa

----------------------------------------------------------------

Mga panahon ay sadyang nagsilipas,
Ngunit ang pagmamahalan natin ay hindi kailan man kukupas,
Hindi natin kailanman maipagkakait,
Na nanggaling tayo sa mundong puno ng hinanakit,


Hindi natin maiwasang mabalikan ang nakaraan,
Na siya nating pilit na kinakalimutan,
Ito ang ating piniling landas,
Na siyang paninindigan natin hanggang wakas,

Oh Sarah ayukong sa iyo'y mawalay pa,
At hindi ko hahayaang agawin ka nila,
Ako din naman Carlo,
Ikaw lang ang nagsisilbing buhay ko,


Mga dugong siyang taglay,
Handang ibuwis at i-alay,
Sabihin man nila na tayo'y nahihibang,
Na kung iisa lang daw ang ating pinagmulan,

Sarah, mula palang sa pagkabata mahal na talaga kita,
Carlo, mahal din naman kita simula pa ng tayo'y mga bata pa,
Ngunit hindi talaga nating maalis ang katotohanan sa ating isa't isa,
Na iisa lang ang ating pinagmulan, at magkapatid tayong dalawa.

~G.axl

----------------------------------------------

Author's POV.

Hi/hello darlings! I hope nagustuhan nyo! Hanggang sa muling mga tula! Salamat! Te amo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon