·Ika-apat na Tula·Una
Unang araw palang kitang makita,
Ako'y nabighani na sa iyong ganda,
Na tila ba'y lulan ako ng ulap,
Na sa tingin ko'y nakakita ng Anghel sa aking harap,
Kinilala, at kina-ibigan kita,
Na siya nga'y aking ikininabigla,
Hindi ko mapagkit ang labis kong tuwa,
Na siyang pagtanggap mo nang pagkakaibigan natin sa isa't isa,
Habang ang panahon ay patuloy sa paglipas,
Na siya ring pagkabog ng aking dibdib ko na labis na lumalakas,
Oo, masaya ako dahil napakalapit natin sa isa't isa,
Ngunit hindi ko masabi sayong mahal na yata talaga kita,
Oo, mahal na kita, at nahulog na ang loob ko sa iyo,
Pero paano ko sasabihin sayo ang nararamdaman ko sa iyo,
Bagkus magkaibigan lang tayo,
Hindi ko masabi sabing ikaw ay aking gusto at siyang tinitibok ng puso ko,
Isang araw masyado ko nang iniiwas ang sarili ko sa iyo,
Dahil natatakot akong malaman mong ikaw ay tinitibok na ng aking puso,
At Ang araw na din yun ay napag-isip ko na siya ring paglakas ng loob kong ilahad ang nararamdaman ko sa iyo,
Na siya ring pag hingi mo ng tawad mo,
Ako'y napamulagat sa mga iyong tinuran,
At Ako'y napamulagat sa aking naulinigan,
"Pasensya kana, batid ko na Ako'y mahal mo,
Subalit hindi kita mahal, at kaibigan lang ang turing ko sa iyo",
---------------------------------------------
Author's POV.
Hello darlings! Salamat sa pag babasa, sana magustuhan nyo ang mga susunod pa! Muli salamat!
BINABASA MO ANG
SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)
PoetryMga tulang pasakit, mga tula ng pagpapalaya, mga malalayang tula na panandaliang ginagawa(Mga kababawan).