TAGU-TAGUAN

64 8 0
                                    

Ikalawa

-----------------------------------------------------

Lima, limang daliri ko sa bawat kamay ang handa ko sa iyo'y i-alay,

Ngunit sa limang daliri ko na pag-alay sayo, na siya ding iyong pagbitaw at siya ding iyong pagka-umay,

Anim, anim na taon na siyang patuloy kong pag kakapa sa dilim,
Dahil sa anim na taong iyon, na siya ding sakit na aking kinikimkim,



Pito, pitong bituin, na sa kalangitan na siyang nag niningning,

Ngunit sa pitong bituin na iyon, ako'y humiling, na sana minsan ang pagmamahal ko sa iyo'y bigyang pansin,

Walo, walong taon kung ginugol ang buhay ko para sa iyo,

Ngunit sa walong taon na iyon ay siyang kagalakan mo, dahil ipinagdiriwang niyo ang ika-walo niyo ding anibersaryo, na siyang dumudurog sa puso ko sa tuwing nakikita ko kayo,


Siyam, siyam na libo't siyam na raan, ang bumabagabag sa akin na mga katanungan,

Na sa siyam na iyon, hindi pa rin maalis sa aking isipan, kung bakit kailangang lahat na lang ng mga pasakit ay aking pasan-pasan,

Sampu! Sampung taon nang nakararaan, ngunit ako pa rin ay nasasaktan,

Ika-Sampung taon na akong nasasaktan, ngunit hindi ko alam kung paano ito wakasan,


Tagu-taguan, nararamdaman ko sayo'y dapat ko nang pigilan,

Tagu-taguan, kalungkutan ko'y kailangan ko nang maibsan,

Tagu-taguan, sarili ko'y bigyan na ng kalayaan,

Tagu-taguan, aking kahibangan ay dapat ng tigilan at bigyan ang puso ng kasiyahan at sa iba ito'y pag buksan.

~G. Axl

--------------------------------------------------------------

Asdfghhjkl POV.

Hi/hello darlings! Salamat sa pagbabasa i hope nagustuhan nyo! More updates to come, lovelots!

SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon