·Ikatlong tula·Una
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Tagu-taguan, at ang dilim pa rin ng kapaligiran,
Tagu-taguan, sana'y pagmamahal ko'y iyong matagpuan,
Tagu-taguan, pagtingin ko sayo'y di mo man lang masilayan,
Wala sa likod, wala sa harap,
Handa akong talikuran lahat, makamit ka lang na aking pinapangarap,
At sa altar ay handa at pursigido akong ika'y iharap,
At handa ring tahakin ang panibagong hinaharap,
Pagbilang ko ng sampu, nakatago na kayo,
Dahil sa pag bilang kong ito, ay siya ang pinili mo,
Dahil sa pag bilang kong ito, ay hindi naman talaga ako ang gusto mo,
Dahil sa pag bilang kong ito,Na syang sinyales nang iyong paglayo,
Isa, isa ka sa pinangarap ko,
Dahil isa ka, sa nag bigay kulay sa buhay ko,
Dalawa, dalawang taon na ika'y hinintay na maging akin,
Ngunit sa aming dalawa, siya ang pinili mong mahalin maliban sa akin,
Tatlo, tatlong bagay lang naman kung bakit ako nasasaktan,
Dahil ang tatlong iyon, ay ang mahalin mo siya, piliin mo siya, at ako'y walang pasintabi mong iwan,
Apat, ika-apat na taon kong sinubukang pasayahin ka kahit may mahal kang iba pero hindi pa rin ito sapat,
Dahil sa apat na taon na iyon na pasayahin kang may nag papasaya naman sa iyo, ay sadyang hindi naman dapat,
--------------------------------------------
Author's POV.
Hi/hello darlings! Salamat sa pagbabasa sana magustuhan nyo pa! Te amo!
BINABASA MO ANG
SAMPUNG TULA PARA KAY SARAH (Unang Yugto)
PoetryMga tulang pasakit, mga tula ng pagpapalaya, mga malalayang tula na panandaliang ginagawa(Mga kababawan).