Taralets 2 ( Book 3 )

2.5K 30 0
                                    

PROLOGUE:

Sino ba ang makakalimot sa Isla Monica? Ang Isla kung saan nagsimula ang kapayapaan at kasamaan.

" Aaahhhh..hmmmp."

" Sige ire! Konti nalang. Ire ka pa."

" Aaahhhh..hindi ko na kayaaa!"

( Baby crying )

" Lalake! Lalake ang anak nyo!" masayang sambit ng matandang kumadrona. Ipinasa nya ang sanggol sa ama ng bata na si Baal.

" Magaling! Lalaki ang aking anak at dahil dyan papangalanan ko syang Erosus." Si Baal

" Erosus? Pero Gabriel ang gusto kong ipangalan sa kanya." Ang nanghihinang sabi naman ng ginang na si Eliza ang asawa ni Baal.

"  Ako ang magdedesisyon kung anong magiging pangalan ng aking anak Eliza at yun ay  Erosus. Wag mo ng baguhin." Seryosong saad ni Baal.

Wala namang nagawa ang ginang sa kagustuhan ng asawa. Ayaw nyang pagtalunan pa nila ito.

After 7 years

" Ama? Pinapatawag nyo daw po ako?" ang batang si Erosus

" Oo Erosus. May kailangan tayong pag usapan." Sagot naman ng kanyang Amang si Baal

" Ano po bang pag uusapan natin ama?"

"  Sa kabilugan ng buwan, mangyayari na ang dapat mangyari. Gusto kong ika'y maging handa." Baal

" Maging handa po para saan?" ang naguguluhang tanong ng bata

" Ikaw ang magmamana ng aking kaharian, ng aking kapangyarihan. Ikaw Erosus ay anak ni Baal na isang Demonyo."

Sa sinabing ito ni Baal ay  bumakas ang takot sa mukha ni Erosus.

" Wag kang matakot, dahil ikaw ay magiging isang ganap na dyablo din pagdating ng tamang panahon. Ikaw ang magdadala ng sakit sa mga tao, ikaw ang aking makakasama sa paghasik ng lagim dito sa mundo." Baal

" Pero ama."

" Wag kang suwail Erosus! Gusto kitang ihanda para sa pagdating ng araw na iyon!" ang matigas na sabi ni Baal

" S-si inay ho ba? D-demonyo din sya?" ang naiiyak na tanong ni Erosus

" Hindi. Isa syang tao at ginamit ko lang sya para ika'y mabuo."

" Ama, ayoko pong maging katulad mo!"

" EROSUS! Sa tingin mo ba kung aayaw ka ay makakatakas ka sa nakatakda para sayo? Hindi ako nagbuhay tao para lang sa wala! EROSUS,,,anak ng dyablo at ikaw yon!"

" Huhuhuhu! Ayoko ama! Ayoko!" at patakbong umalis sa harapan ng ama ang bata.

---------------------------------

Naglakad lakad si Erosus sa tabing dagat kung saan nakikita nya ang mga batang masayang naglalaro. Kahit paano ay nakaramdam sya ng saya at gusto nyang makipag laro sakanila.

" Pwede ba akong makipag laro sa inyo?" masayang tanong nito.

Huminto sa paglalaro ang mga bata at tiningnan sya ng mga ito.

" taga saan ka? Bakit ngayon ka lang namin nakita dito?" tanong ng isa sa mga bata. Hindi kasi sya pinapayagang lumabas at makihalubilo sa mga tao.

" Ah eh d-dayuhan kasi kami dito." Pagsisinungaling nito.

" Ganun ba? Sige ikaw na taya" sabi naman ng isang batang lalaki at saka sila nagtakbuhan.

Hinabol naman ni Erosus ang mga ito...noong una ay masaya ngunti di naglaon ay nagkaroon na ng konting away.

" Madaya ka naman ehh..ang bilis bilis mong tumakbo!"

" Kasalanan ko ba kung mabagal ka?" ganting sagot naman ni Erosus

" Ang yabang mo naman! " naiinis na sabi ng isa sa mga batang kalaro ni Erosus

" Kaya nga nakakawalang gana tuloy maglaro. " segunda naman ng isa

" eh di wag. Mga talunan naman pala kayo eh." Ganti din ni Erosus

" Tara na nga. Iwan na natin yan."  At dahil doon ay mas lalong nainis si Erosus. Kanina lang ay masaya sya  dahil sa wakas ay masususbukan nyang makipag laro sa ibang mga bata ngunit hindi nya alam na mawawakasan din ang panandaliang kaligayan nya dahil sa inaasta ng mga ito. Naisip nya tuloy na tama ang kanyang ama...wala syang mapapala kung makikipag halubilo sya sa mga tao. Dahil darating ang araw na magiging alipin nila ang mga ito.

* Yaay! How's my prologue? Em back babies :D I need 10 votes para sa chapter 1 pls :* thanks!

#TaraletsTheReturn

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon