SCENE 26

724 20 0
                                    

---------------------------------

“ Oh god!!! NOOOOOOOO!!! ALBERT!!!! “  Halos mawalan ng malay si Gabriela nang makita ang walang buhay nyng asawa na nakita nilang nakabigti sa isang puno kasama sina Dennis at Ian

“ DENNIS!!!! HINDEEEEEE!!!!”  ganun din si Jordan na pinigilan din nila Patrick na lumapit sa katawan ng mga ito.

“ Ian.” Halos hindi rin makapaniwala si Maggie sa nakita.

“ Guys..patay na rin yung captain at mga kasamahan nya. ” Jason

“ Gab!” si Anne dahil tuluyan ng nawalan ng malay si Gabriela dahil hindi nya kinaya ang mga nakita. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Lance. Si Jordan naman ay nanghihinang napaupo sa may buhanginan. Si Patrick naman ay nakaalalay kay Ella na parang aatakihin ng kanyang hika. Pinapakalma nya ito...sina Belinda naman ay iyak ng iyak. Sina Jay naman at Gian ay nagtulungan para ibaba ang mga katawan ng tatlo nilang kaibigan. 

“ Sino kaya ang walang pusong gumawa nito!!? Napakawalang puso nya!!!!” puno ng hinagpis na sabi ni Rick

--------------

Nagising si Gabriela na nasa loob na ulit sya ng tent. 

“ Gab.” Sina Anne na binantayan ang kaibigan.

“ Morning! Oh thank god! It was just  a dream.” Nasabi ni Gab sa sarili...nakatitig lang naman sakanya si Anne.

“ It’s been a long time since I had a nightmare ngayon lang ulit. Akalain mo yun? Nakita daw nating nakabigti sina Albert, Ian at pati si Dennis hayst!” kwento ni Gab habang nag aayos ng buhok.

“ Gab.” Sina Maggie..gusto nilang sabihin dito na hindi iyon panaginip. Kaya lang natatakot sila sa magiging reaksyon na naman nito. Kilala nila itong malakas pero pagdating kay Albert nawawala ang lahat ng tapanag nya..lalo na’t hindi pa ito tuluyang nakaka move on sa pagkawala ng kanilang baby.

Napansin ni Gab na tumulo ang luha ni Anne...

“ T-teka..bakit kayo umiiyak?”  Nagtatakang tanong ni Gabriela... niyakap naman sya ni Anne ng napakahigpit.

“ Gab, it wasn’t a bad dream. *huk* i...it’s true. P-patay na sila. Huhuhuhu...wala na sina Albert.”  Si Anne..yumakap na rin sina Maggie at Valerie para i comfort ang kaibigan.

“ Noooo!!! Nagsisinungaling kayo! Hindi yan totoo!!! Hindi pwedeeee!!! “  nag hihisterikal na naman si Gabriela...

“ Gab.” Maggie

“ Ayoko....hindi pwede..hindi yun totoo..di ba hindi yun totoo? Sabihin nyo sakin! Prank lang toh di ba???” Gabriela

Umilng iling na lamang sina Maggie na hindi din matanggap ang nangyari.

Samantala sa labas naman..naibaba na nila ang bangkay nila Albert...binalot na lamang nila ang mga ito ng kumot. Ang mga girls naman sa barkada ay pinapasok muna nila sa kanilang tent.

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon