Scene 35

577 16 1
                                    

*******

“Waaaaahhhhh pakawalan mo kameeeee!!!!”

“DEMONYO KA!!!! PAKAWALAN MO KAMI DITO!!”

Tama kayo...nahuli sila.:( at ngayon ay nakatali sila, at hindi lang basta nakatali, alam nyo kung paano ipinako sa krus si Papa Jesus? (Pardon me for using HIS name) Ganun kaya lang sa halip na ipako sila ay nakatali sila sa isang kahoy....bale naka hilera sila at sa baba nito ay mga kahoy na kulang nalang ay sindihan at matotosta na sila.

“ Hahahahahahaha! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Hindi ko na pala kayo kailangan pang hanapin dahil kayo na mismo ang lumapit sa kamatayan nyo! HAHAHAAHAHHAHAHA>” nakakatakot ang kanyang boses..parang galing sa lupa.

“Aaaaaahhhhhhh nooooooo!!!! LET US GOOOOO!!!” si Leslie na takot na takot sa mukha ni Baal...mas lalo kasi itong pumanget...may mga malalaki na itong sungay na katulad ng isang kalabaw at may nakapulupot na ahas sa kanyang leeg...ahas na may anim na ulo.

“Guys...calm down! We need to think.” Lance

“Kuya anong gagawin natin? Bukas ay fullmoon na at pagkatapos nun ay pang anim na paglabas na ng bluemoon..paano natin toh mapipigilan?” Ashley

“Y-yung dahon? Yung kinuha nyo sa Bundok Maray..nasaan yun?” Lance

“Nakay ate gab.” Ashley

Sa sinabing yun ni Ashley ay nawalan na sila ng pag asa pa...yun na lamang ang paraan para mapigilan ang pagsasanib pwersa ng mag amang dyablo.

“Alam nyo bang nakakatawa kayong tingnan? Mabuti pa sumanib nalang kayo sa akin, magiging alipin ko kayo kapalit ng buhay nyo.” Baal

“Hindi...hinding hindi kami sasapi sayong panget ka!” Belinda

“Kung ganon..hintayin na lamang ninyo ang inyong kamatayan! Hahahahaha.” Baal

*******

Nagising ang mga ito sa sinag ng araw...masakit sa balat dahil tapat na tapat ito sakanila...

“Ngawit na ngawit na ako.” Nahinang sabi ni Valerie...

“Ang sakit na ng katawan ko...uhaw na uhaw na din.” Winston

“guys...konting tiis pa ok? We’re not going to give up..hanggat nasisinagan tayo ng araw may pag asa pa tayo!” Tikoy

“Tama si Tikoy!” Tammy

“Ella? Ella!!!!” si Patrick nang makitang nahihirapang huminga si Ella..

“Ella...anong nangyayari???” nagpanic narin yung iba..

“Ella..arrrghhhh!!! PAKAWALAN NYO AKO DITO!!!! ELLA!!!!” nagwawala na si Patrick pero mas lalo lamang syang nasasaktan at nahihirapan..

“Ella...jusko po! Ella..” si Tammy naman ay umiiyak na..wala syang magawa para sa kaibigan..

“TULONG!!!!!!! TULUNGAN NYO KAMEEEEEEE!” Kahit alam nilang imposibleng mya tuulong sakanila ay nagbakasakali pa rin sina Belinda...sumigaw sila ng sumigaw sa abot ng kanilang makakaya pero wala talaga...

“Ella...” hindi mapigilan ni Patrick ang mapaiyak..awang awa sya sa kasintahan.

TARALETS ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon